Bahagya akong lumapit sa kanila kaya maloko nila akong nginisihan. Ngumiti rin ako sa kanila.
"Alam niyo po...KUNG PASIPOL SIPOL LANG KAYO RIYAN SA HALIP NA BUMALIK SA TRABAHO WALA KAYONG MAKUKUHANG SALAPI MGA ASAWA'T ANAK NIYO AY NAGTITIIS NA SA GUTOM! PURO KARUMIHAN LAMANG IYANG MGA INAATUPAG NIYO!" Singhal ko sa kanila sabay duro sa pagmumukha nila. Tumiklop sila, dahil sa lakas ng boses ko napapatingin ang ibang dumadaan.
"Pasensya na Kley..." Paumanhin naman ng isa.
"Alis!" Taboy ko sakanila at bumalik na kay Miko na manghang mangha sakin napailing nalang ako.
"Grabe ka Kley, galing mo don." Papuri niya naman sabay akbay sakin at ang mokong ginulo pa ang buhok ko.
"Maliit na bagay." mayabang kong sagot. Saglit pa kaming nagkwentuhan bago ko napagpasyahang umuwi muna.
Pagkauwi ko ay nagpapahinga na si Nanay, si Tatay naman ay parang pumalaot na. Ilang sandali lang akong magpahinga bago nagluto ulit para sa hapunan.
Habang nagluluto ako ay dumating na rin si Tatay. Nag kwentuhan pa sila si Nanay sa patungkol sa mga nangyari kanina habang pumalaot sila ni Nonong Arturo.
Nagke-kwentuhan rin kami ng nasa hapag na at nahanda ko na ang kakainin namin. Simpleng tuyo lang at kanin. Dalawang kutsara ng kanin ulit ang kinuha ko dahil napansin kong pagod at gutom si Tatay.
"May narinig akong chismisan kanina ng pauwi ako Kley." Ani ni Tatay. Napatingin naman si Nanay saken bago binalingan si Tatay.
"Nagsisigaw ka daw doon sa kanto, sinisigawan mo daw sila Padro" sabi ni tatay napatukhim ako bago uminom ng tubig.
"Bungangera ka parin anak." Ani ni Nanay tsaka napanguso ako.
"Eh sila kasi Nay, sumisipol habang dumadaan ako. Eh iyong isipol nila, I trabaho nalang nila kikita pa sila." Sagot ko naman.
"Eh sila kasi Nay, sumisipol habang dumadaan ako. Eh iyong isipol nila, I trabaho nalang nila kikita pa sila." Sagot ko naman.
"Tama naman pala ang ginawa ng iyong anak, Jiro." Pagpapanig ni Nanay sakin.
"Pero dapat ay di na sumisigaw, ke babaeng tao nitong anak mo tapos sumisigaw. Sa susunod makiusap ka ng malumanay anak ha." Pangangaral ni Tatay. Napanguso lang ako at tumango tango.
Nakipagkwentuhan pa sila, at ilang sandali lang natapos na kami at nanghugas na ako ng pinggan. Pumunta sila Nanay sa Sala, para mag kwentuhan ulit. Wala naman kaming TV para maaliw kami kaya palagi lang kaming nag ke-kwentuhan. Mabuti narin ito at palagi naming nakakamusta ang isa't isa.
Habang nasa Sala na kami ay tumunog ang Cellphone ko. Tinignan ko ang tumawag ng makitang si Kuya Kenjiro ko iyon.
"Hoy Mack Kenjiro! Buti naman at nagparamdam ka!" Bungad ko agad. Agad akong sinuway ni Tatay dahil sa bunganga ko, humingi ako ng paumanhin agad.
"Bungaga mo Kleain! Para kang nakalunok ng megaphone!" Saway rin ng kapatid ko sa kabilang linya.
"Sorry, kamusta Kuya?" Tanong ko, sila Nanay ay nakaabang lang sa akin.
"Medyo may problema e." naririnig ko ang pagkapahiya at lungkot sa boses ni Kuya. Kaya nangunot ang noo ko.
"Ano ba iyon?" Tanong ko naman.
"Kakailanganin ko sana ng kaunting pera, medyo gipit na ako at hindi na umabot sa isang libo ang ipon ko. Kung pe-pwede, makahingi lang ako kahit konti lamang." Naawa ako kay kuya. Kaya hindi ako nagdalawang isip na umuo.
Minsan sakin siya nag ke-kwento pag nahihirapan na siya, ayaw niyang malaman nila Nanay at baka mag-aalala pa ang mga to. Kaya ako minsan ang gumagawa ng paraan para malutasan niya ang problema niya.
Minsan naman ay nagiging emosyanal siya at pinaghihinaan ng loob, hinahayaan ko lang siyang mag kwento sakin hanggang sa ayos na ang pakiramdam niya. Kinakaya namin kahit kapos kami, masaya parin kami at nagdadamayan.
"Ano sabi ng iyong Kuya?" Tanong ni Nanay ng binaba ko na ang telepono.
"May kakailanganin daw ho siya, pero wag na kayong mag alala Nay, Tay. May ipon pa ako, at buti nalang malaki laki iyon. Ako na magpapadala kay Kuya, bukas na bukas." Ani ko at nakahinga naman sila ng maluwag.
Ilang sandali lang kanya kanya na kaming pumasok sa kwarto namin.
Pagkapasok ko binuksan ko ang cabinet ko at kinuha ang isang box tsaka ang alkansya kong gawa sa kawayan.
Sa box ko ay mahigit isang libo ang laman niyon. Minsan kasi ako na bumabayad sa kuryente, pagkain at tubig dito. Kasi hindi naman ganoon kalaki ang kita nila nanay kaya tinutulungan ko sila.
Niyugyug ko ang kawayan kong alkansya, batid kong maliit palang ang laman niyon kaya binalik ko nalang sa cabinet. Tinupi ko ang isang libo at sengkwenta pesos nalang ang naiwan sakin.
Pero bahala na, kailangan ito ng kuya ko. Kakatapos ko lang naman bayaran ang mga gastusin sa bahay. Ang hindi ko lang gumagalaw na ipon ko ay iyong nasa pinakailalim ng aking mga damit na iniipon ko para sa pag-aaral.
Bata palang ay namulat na ako sa hirap ng buhay pero binalewala ko iyon at nakisama sa tadhana. Kahit na mahirap at nakakapagod, hindi ako nawalan ng lakas ng loob. Dahil sa tuwing tinitignan ko ang pamilya kong naghihirap, parang tinutusok ang puso ko.
Kahit wala ng natira sakin, basta nandyan sila parang na saakin narin ang lahat. Kahit anong hirap, sakit, pagod ang maranasan ko kakayanin ko lahat. Matulungan ko lang ang magulang at kapatid ko. Sila ang buhay ko.