Uno: Her Background

1293 Words
Masaya akong naglalakad sa palengke habang pumipili ng mga kasangkapan para sa iluluto namin ni nanay. Balak naming mag ginisang gulay lamang at ginamos. Kahit na simple lamang ang ulam namin di talaga maiwasang matatakam ka. Lalo na pag may ginamos kung tawagin nila. Pinanganak ako sa Isla ng Siargao. Isang simpleng manininda ang nanay ko ng banana cue habang ang ama ko ay hardinero sa isang hacienda dito ng mga Castillo. Habang ako mag dadalawang taon ng naninilbihan sa mansyon ng mga Castillo. Nagpa-parttime ako para ipangtustus sa pag-aaral ko, pero nitong nakaraan ay tumigil muna ako sa pag-aaral dahil kapos kami at walang sapat na pera para tustusan ang pag-aaral ko. Kapatid ko naman ay isa ring part-timer sa isang fast food chain sa Laguna. Doon na siya pinaaral para kahit papano ay may makasama ang tiyahin kong si Nanang Amor. Mag kokolehiyo na ang aking kapatid kaya't nagparaya muna ako, mag do-doctor siya. Kahit na magastos ay pinagsumikapan naming makahanap ng pera para sa pagpapa-aral sa kanya. Nangingisda ako sa madaling araw. Pagkatapos mangisda ay de-diretso ako sa mansyon ng mga Castillo upang manilbihan. Isa ako sa pinagkakatiwalaan ng mga Castillo. Minsan rin pag walang araw ng trabaho ay sinasamahan ko si Nanay na maglako ng banana cue. Isa si Nanay sa pinagkakaguluhan ng mamimili dahil sa sarap ng kanyang banana cue or sa bisaya man ay maruya. Kahit na hindi na ako nag-aaral ngayon dahil nga sa kakulangan ng pera, hindi ako nagalit saking kapatid. Ako rin naman kasi ang kusang nag suhestiyon na titigil muna. Naiintindihan ko ang estado ng buhay namin, kaya ganoon nalang ang aking naging desisyon. "Hi te, mayng buntag! Papalita kog isa ka bugkos na batong." Sabi ko tsaka inabot naman ito sakin ng matanda tsaka ako nagbayad. Ito nalang ang kakailanganin ko matapos kong mabili ang ibang kasangkapan, kaya napagpasyahan ko ng umuwi. Malapit lapit lamang ang bahay namin sa palengke kaya naglakad nalang ako. "Uy, Kley! Saan ka galing? Namalengke?" biglang sulpot ni Miko sa gilid ko. Simpleng t-shirt lamang ang kanyang suot iyong may butas sa magkabilang gilid tsaka maong na shorts. Habang ako ay isang simpleng blouse at mataas na palda. "Ah oo, ikaw ba?" Pabalik na tanong ko naman, nag presinta siyang magdala sa hawak ko kahit dalawang cellophane lamang iyon ay magagaan naman. Sa huli ay hinayaan ko nalang siya. "Galing ako nangisda, sinamahan ko si itay. Nangisda ka ba kanina?" Tanong niya naman sakin. Kitang kita sa ekspresyon na nag-aalala siya. "Eh tinatanong pa ba iyan, syempre. Araw-araw akong nangingisda." Sagot ko naman, nasa bahay na kami kaya pinatuloy ko rin si Miko bago ko nilapag sa mesa ang mga cellophane at Isa isa itong hinugasan. Ang bahay namin ay simple lamang na gawa sa kahoy, kahit papano pag may kalamidad ay hindi ito natitibag. "Gusto mo ba ako nalang nangingisda para sayo, tapos benta narin natin. Kahit wala akong porsiyento, okay lang." Ani niya naman kaya napalingon ako sakanya habang iniisa parin ang gulay at nililinisan. "Pwede ba iyon? Masasayang lamang ang paghihirap mo tapos wala ka namang mapapala." Sagot ko at ng matapos ng maghugas ng gulay ay hiniwa-hiwa ko na ito. "Hindi maganda para saiyo ang magtrabaho ng madaling araw, tapos nangingisda pa. Isa ka paring babae." Aniya at tinulungan akong maghiwa ng gulay. "Kaya ko naman Miko, tsaka ayos lang naman ako. Hanggang kaya ko ang ginagawa ko, hindi ako aasa sa iba." Sagot ko sakanya at hinanda na ang paglulutuan ko bago lagyan ng mantika. Napaharap kami sa pinto ng maabutan namin si Nanay na may hawak ng box sa banana cue na wala ng laman. Sinalubong niya kami ng ngiti. "Uy Miko, andito ka pala." Baling ni Nanay ng makita niya si Miko. "Ah opo, nakita ko kasi si Kleian kanina kaya sinabayan ko na po pauwi...mano po." Paliwanag niya tsaka lumapit kay Nanay. Nakangiti naman nitong nilahad ang kamay niya upang makapag-mano si Miko. Lumapit naman ako kay Nanay para makapag-mano narin tsaka kinuha ang dala niyang box upang ilapag iyon sa hugasan. "Dito ka nalang rin mananghalian Miko, murag lami ning giluto ni Kley." Sabi naman ni Nanay tsaka nilapitan ako at inakbayan habang naghahalo ako sa niluluto kong ginisang gulay. "May luto ba akong hindi masarap?" Kunware'y tanong ko sakanila. Ngumiti sila sa akin. "Puros napakasarap anak, masarap na masarap." Ito namang Nanay ko oh, masyadong pinapalaki ulo ko. Nagke-kwentuhan lang kami habang nag gigisa ako, ilang minuto lang a nilapag ko na ito sa mesa pati ang kanin. Medyo hindi ako nakapaghanda ng kanin kasi naman biglaan ang pagsabay samin ni Miko. Mga dalawang kutsara lamang ng kanin ang aking sinandok, ilang sandali lang ay dumating na si Tatay. Binati namin siya at maghugas siya ng kamay bago kami sinabayan sa hapag. Hindi mawawala ang pasasalamat namin sa poong maykapal sa pagbigay saamin ng makakain, ito ang tradisyon naming hindi namin makakaligtaan. "Kamusta ang trabaho tay?" Pangungumusta ko naman habang kinakamay ang kinakain ko at isang paa ay nasa upuan nakapatong na sinasaldalan ng siko ko. "Nakakapagod pero ayos lang iyon, kalahating araw lang naman ako ngayon sa hacienda. Ngayong hapon sasama ko kela Arturo para pumalaot." Aniya. "Ako nalang po sasama kela angkol , kailangan niyo pong magpahinga." Suhestiyon ko naman at inubos na ang pagkain ko. "Naku, ayan ka nanaman anak. Inaako mo ang trabaho ko, hayaan mo lang at kaya ko naman. Uuwi rin ako bago lumubog ang araw." Aniya at isa isa na nilang nilagay sa hugasan ang mga pinagkaininan nila. "Nag-aalala lang ako sayo Tay, pero sige kung kaya niyo naman. Basta bago lumubog ang araw ay umuwi na kayo." Habilin ko naman at parang si Tatay ay batang nagsasaya dahil pinayagan ng magulang. Napailing iling nalang ako. "Ako na riyan at ihatid mo nalang si Miko sa labas." Ani ni Nanay saka pinalitan ako sa paghuhugas. Sumang-ayon naman ako at pinahid sa tuwalya ang basa kong kamay. "Tutulak napo ako, maraming salamat pala ho. Nang Maria, Nong Jiro, tuloy na ho ako." Paalam ni Miko sa kanila, Ngumiti rin sila Nanay at tumatango tango. Si Miko or Mikeolo Arthur Serventes ay kababata kong lalaki. Sa simula palang ay malapit na kami sa isa't isa lalo na rin ang mga magulang namin. Tatay niya ay isang nangingisda, si Nong Arthur Serventes. "May Fish Joke akong hinanda." Magiliw na sabi ni Miko sakin tsaka tumingin naman ako sakanya at tinaas ang kilay habang nakangisi na para bang nanghahamon. "Anong isda ang pwedeng ipambayad sa kendi?" Unang hirit nito. "Eh?... Sige, ano?" Humarap ako sakanya tsaka nakapamewang. "Edi fishO! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" natawa ako hindi dahil sa banat niya, kundi sa tawa niyang parang loko-loko. "May isa pa." Aniya at nagsimula na kaming maglakad ulit. Tinignan ko lang siya at sinenyasang magpatuloy. "Anong isda ang nangangarate?" Kahit na alam ko ang sagot ay pinakita ko lang na kunware'y nag iisip ako. Gusto ko kasi siya ang mag deliver ng mismong banat niya. "Ano?" Tanong ko naman sa kanya. "Edi TilapYA! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" umaksyon pasiyang parang nangangarate kaya natawa ako lalo. Puro kami tawa at hanggan sa makaabot kami sa kanto at nag desisyon na doon ko nalang siya ihatid. "Oy pre si Kleian oh!" may grupo ng lalaki na tumitingin sakin, batid kong mangingisda ang ilan dito at Ilan naman ay nag ta-trabaho sa palengke. Agad hinarang ni Miko ang katawan niya sakin at matalim na tinignan ang mga lalaki pero hindi ito natinag, hinawakan ko ang braso ni Miko at sumenyas na gumilid siya. Kahit na mahaba ang palada ko at tanging balat ko sa kamay ang nakikita ay napapasipol ang mga kalalakihan. Napailing iling nalang ako, Wala talagang pinipili ang mga manyak kahit na halos balot na balot ka, pagti-tripan ka parin ng mga to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD