Silver's P.O.V
Hindi ako makapaniwala, nanalo kami, at kaya kong kontrolin ang hangin. Tiningnan ko si Yojer at kita ko sa mga mata niya ang saya. Napatalon naman ako sa saya napayakap na lang din ako kay Yojer dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko.
"E-ehemmm.... Ang nanalo ay ang grupo nina Prince Yojer!!! Deretso na sa Finals kapag nanalo ulit sila ng dalawang beses." saad ng MC, agad naman akong kumalas sa pagkakayakap ko kay Yojer, namula naman ako dahil sa ginawa ko.
Ginulo ni Yojer ang buhok ko na mas ikinapula ko. Bwisit na yan, hindi ko alam kung bakit ako namumula ah. Medyo nanghina ako dahil sa paggamit ng kapangyarihan. Hindi ko pa naman gamay ang gamitin ang kapangyarihang taglay ko.
“Silver, gusto mo bang sumama sa akin papuntang pagamutan?” tanong nito sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot, nahihiya pa rin talaga ako.
Nang makarating kami sa clinic ay nakita ko sina Lie at Nicholai na nakahilata, pati sina Chester, Ice at si Leo. Napasobra ata yung ginawa ko. May napansin akong lalaking may kulay puting buhok, at may sky blue na mata. Ang gwapo niya kung tutuusin, nakatayo siya sa may gilid malapit sa bintana ng pagamutan.
Tiningnan ko lang siya, at nagulat na lang ako nang tumingin rin siya sa direksyon ko, at nagkatitigan kami. Mata sa mata, walang gustong magapa-awat sa aming dalawa, tumigil na lang kami nang magsalita si Yojer.
"Hey, Aeolus, long time no see. Hindi mo man lang sinabi na nakabalik ka na." bati ni Yojer kay Aeolus, so Aeolus pala pangalan niya. Kung hindi siguro nabanggit ang pangalan nito, siguro, white head man ang tawag ko dito.
"Nasaan si Asher, kasama mo ba siyang umuwi?" tanong ulit ni Yojer.
"Nasa Astherna, nagpapahinga." maikli nitong sagot, ang lamig ah.
"Oh! Muntik ko ng makalimutan, Aeolus, this is Silver, Silver this is Aeolus." pagpapakilala ni Yojer sa aming dalawa. Nagkamayan kaming dalawa, tapos nagkatitigan ulit, gusto ng lumabas ng mata ko dahil sa titig niya. Nang matapos kaming magkamayan ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.
Pumunta na lang ako sa pwesto nina Lie at Nick na hindi pa rin gising hanggang ngayon, napasobra nga talaga ako sa paggamit. Kung pwede ko lang sana silang pagalingin agad-agad eh, magic lang kumbaga. Wait, I mentally face slapped myself. Bakit hindi ko agad iyon naisip, tanga lang eh.
“Magia magira mar mira.. (Magic rune take charge..)” bulong ko para walang makarinig na gumagamit ako ng magic. Bawal kasing gamitin ang aming mga mahika sa loob ng building.
"Heal." bulong ko, at may lumabas na golden light sa palad ko, nilagay ko sa mga noo nila ang mga palad ko. Nang humupa na ang liwanag ay nakita kong unti-unting dumilat ang kanilang mga mata. Gumana nga.
"Paano mo nagawa yun?" tanong ni Aeolus na nagpagulat sa akin. Ang lamig talaga, nakakainis, tapos susulpot na parang kabute. Pero nakakatakot talaga siya, parang anumang oras, pwede ka niyang patayin.
"M-magic?" nag-aalangan kong sagot.
"Tsk. Malamang." sabi nito. Alam niya naman pala eh.
"What I mean is, what magic did you used?" pagkaklaro nito.
"Ah... Ahmm, Enchanting Melody. Bakit?" Sagot ko rito.
"Hmm. Interesting huh..” maikli nitong saad saka tumalikod.
"Ganyan talaga si Aeolus, cold pero kapag naging close mo na siya, magiging makulit na yan." paliwananag ni Yojer na sumulpot na lang kung saan.
"Nakakagulat ka naman..." sabi ko rito.
"Sus, ‘to naman, huwag kang ganyan. Ang cute mong tingnan baka hindi ako makapagpigil..” saad nito pero hindi ko narinig yung last part kasi nabingi ako. Syempre biro lang, binulong niya na lang kasi ito.
"Tsk.."
Aeolus P.O.V
Nung pumasok yung Silver na yun sa clinic, nasense ko agad ang malakas na kapangyarihan niya, and I'm little bit surprised when he used his own ability or magic.
The Enchanting Melody, the highest form of enchantment magic here in Magica, it can summon many runes as the user can, and it depends on how strong the user is, the last magi existed with this kind of magic according to the book of history is Ace. A powerful mage that is said to be the son of the Greatest God of All; Lithos, who has the magic of all elements and ancient magic, and is said to be one of the creator of Magica.
Kung tama ang hinala ko, reincarnated si Ace, and pwedeng out of millions or billions of magi living here in Magica, pwedeng isa sa amin ang reincarnation ni Ace.
Inalis ko sa aking isipan ang mga bagay na iyon at umalis, gusto ko na munang maglibot-libot, kaya pumunta ako sa favorite spot ko. Ang Hidden Garden of Aeolus, pinangalan sa akin ang garden na ito dahil sa mga achievements na nagawa ko for the past few years.
Ang tooo niyan, lahat ng members ng Elemental 6 ay may kanya-kanyang spots na ipinangalan sa amin. Tulad ng Falls of Yojer, malapit yun sa Icy Garden of Ice, ipinangalan sa kanila ang falls at garden na iyon dahil natalo nila ang water monsters na lumabas dun sa spots nila. Sila rin ang nagsara ng portal na pinanggalingan ng monsters. Kay Chester naman ang Volcano of Chester na malapit dito.
Enough, so pumunta ako sa spring malapit dito. Nagulat ako ng may nakita akong pigura na nakaupo sa may puno sa tabi ng spring. Tago itong lugar na ito at ako lang ang may alam kung saan ito matatagpuan.
Naramdaman ata ng estudyante na may iba pang nilalang ang nandito kaya iginala nito ang kanyang mga mata at nagulat nang makita ako.
"Aeolus..." bungad niya.
“Prince Aeolus.” Pagtatama ko rito.
“Oh, pasensiya po, Prinsipe Aeolus ng Kaharian ng Methos.” Nagpapatawa ba ‘to?
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"A-ah... Nagpapahangin, eh ang sarap lumanghap ng hangin dito eh, ang bango." sagot niya.
"Paano ka nakarating rito?" tanong ko ulit.
"W-wala, dinala lang naman ako ng paa ko rito." simpleng sagot niya. Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Huwag ka na munang umalis." sabi ko. Kaya naupo ulit siya kung saan siya kanina nakapwesto. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Walang gustong magsalita sa amin.
"Napag-alaman kong kakadiskubre mo lang ng kapangyarihan mo." panimula ko.
"A-Ang t-totoo, last week lang tapos nagpractice lang ako kahapon, hindi ko nga rin inaasahan eh. Ikaw, ngayon lang kasi kita nakita rito." sabi niya.
"Kararating ko lang kahapon, pumunta lang ako sa isang misyon." Maiksi kong saad.
"Ngayon lang kita narinig magsalita ng mahaba simula kanina. First impression ko nga sa'yo eh ang lamig mo." sabi nito na nagpakunot ng noo ko. Hindi ko maintindihan kung anong pinopoint out niya. Nakita niya ang reaction ko kaya naman nagsalita ulit ito.
“Malamig ka, Cold.” Paglilinaw nito. Napahiya ako ng kaunti doon, pero hindi ko pinahalata sa kanya.
"Ikaw rin naman, akala ko tahimik ka, pero mali pala ako, ang daldal mo rin kasi. Cute din.." sabi ko ngunit pabulong sa hulihan.
"Pasensya na sa pagiging madaldal ko, sadyang hindi ko lang mapigilan ang pangangati ng bibig ko..” sabi niya sabay ngiti ng napakalawak, napangiti niya rin ako dahil sa sinabi niya.
"At ngayon lang din kita nakitang ngumiti." dagdag pa nito.
"Hmmm.." simpleng sagot ko.
Nagkwentuhan pa kami tungkol sa kung ano-ano, like personal life, favorites, at kung ano-ano pang bagay.
Napagpasyahan naming bumalik na sa arena para manood ng iba pang mga laban nang makasalubong namin si Yojer. Take note na may nakakapit na naman sa kanyang babe. Kita sa kanyang mata n ayaw niya, nang makita niya kami ay sumenyas siyang tanggalin yung nakakapit sa kanya.
"Babe, kain naman tayo sa labas." pagyaya ng babae sa kanya na nagpangiwi sa akin.
"Busog pa ako." maikling sagot nito.
"Eh mamasyal dun sa Falls mo." pagyaya niya ulit.
"Wala akong gana." sabi niya ulit.
"Babe naman eh... Sige na, please babe pagbigyan mo na ako ple-"
"Ahmm, excuse me, mawalang galang lang ano? Kaano-ano mo si Yojer?" Mahinahong tanong ni Silver pero mahahalata mo pa rin ang pagka-irita.
"Correction, Prince Yojer. Matuto kang gumalang. Sino ka naman?” tanong ng babae with such an attitude. Mas lalo atang nairita si Silver dahil sa inakto nito.
"Hmmm... Sino nga ba ako? Oh, isa ako sa mga kaibigan niya. Ikaw, kaano-ano mo siya?” mahinahon pero nagpipigil si Silver.
“Can’t you see, I’m his girlfriend-“
“No you’re not.” Pagputol ni Yojer sa babae, napangisi naman si Silver.
“See, he’s not yours, galing pa sa bunganga niya kaya huwag kang ano.” Saad ni Silver habang ginagaya pa kung paano magsalita ang babae.
"Isusumbong kita kay Daddy.." sabi ng babae at umalis ng umiiyak. Napabuntong hininga na lamang si Silver.
"Thank you Silver.." nakangitinh saad ni Yojer at ginulo ang buhok nito.
"Sino ba kasi iyong babaeng iyon?” tanong ni Silver.
"Ahh, ex ko yun, nagbreak kami after kong malaman na marami na siyang ka-hook up nung kami pa. Hindi naman ako tanga para maghold-on sa isang bagay na marupok. Kaya iniwan ko siya, pero heto siya, binabalikan ako.” mahabang lintanya ni Yojer.
"Ganun pala, tapos kung makaasta, parang alinta kung makakaapit sa'yo." nakuha agad ni Silver yung point ko.
“Sus, nagselos ka naman..” pang-aasar ni Yojer sa katabi ko.
“Yuck, hinding-hindi iyon mangyayari ‘no..” sagot pabalik ni Silver.
"Anyway, saan pala kayo pupunta?" tanong ni Yojer.
"Oh. Papunta ako ng arena para manood. Ewan ko lang kay Prince Aeolus..” sabi nito at napatingin sa akin.
“Sasama ako.” Maikli kong saad.
"Okay, sabay na rin ako sa inyo." sabi nito, sabay akbay sa aming dalawa.
"Ang bigat ng braso mo." reklamo ni Silver. Tumawa na lang si Yojer.
About naman kay Silver, malakas siya, nasesense ko talaga yung aura na nilalabas niya. Behind those innocent smile is a monster-like power.
Ipinagsawalang bahala ko na lang ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. Nanood na lang kami ng mga laban, magagaling naman sila, at ito na yung bunga ng Magic Training nila. Buti at merong ganito ang school namin, tatlong school ang may ganitong paraan ng pagtraining.
Pabalik na kami sa aming mga dorm. Nagpaalam na kami sa isa't-isa.
But not for me, kasi pupunta ako sa Methos para magsaliksik. Nakalimutan kong sabihin na may malaking library dun sa Methos, sa katunayan ay ito ang pinakamalaking silid-aklatan sa buong Magica. And I’m poud about that.
"Anak... Bakit ka narito?" bungad sa akin ng nanay ko.
"May gusto lang akong malaman tungkol sa nakaraan." sabi ko rito. Nakipagbeso muna ako.
"Ahh. Akala ko dinadalaw mo ang mga magulang mo." pagtatampo nito.
"Parang namang ewan 'tong si nanay, syempre dinadalaw ko kayo, kasabay na rin rito ang pagsasaliksik ko." paliwanag ko kay, ina.
Nagpaalam akong pupunta ako sa library. Tinungo ko agad ang historical section. Hinanap ko ang pinakamatandang book, hindi na kailangan ng carbon dating para malaman kung matanda na ba ang book, kapag nasense mo ang malakas na aura galing sa libro ay ibig sabihin ay matanda na ito. Hindi ito basta-basta mananakaw ng kung sinuman dahil may kapangyarihang nakabalot dito sa silid-aklatan.
Nakahanap ako ng libro na mas matanda pa sa pinakamatandang puno, joke, I mean mas matanda pa sa iba ko pang nabasang book. Agad ko itong binasa, sabi dito:
Si Ace, ang anak o likha ni Lithos, ay ang pinakamakapangyarihang magi na nabuhay sa Magica. Sinasabing namana nito ang kapangyarihan ni Lithos maliban sa isang abilidad na tinatawag na Enchanting Melody, na kung saan, sinasabing pinakamalakas na uri ng enchantment na nag-exist matagal ng panahon.
Noong mamatay si Ace, ay nag bitaw ito ng mga salitang:
"Ako ay magbabalik, mas malakas kaysa dati, itatama ang mali, ibabalik ang tamang gawain. Mabubuhay ako at mamahalin ng isang taong nakatakda para sa akin. At hindi kayo o sino man ang makakapigil sa tadhana ko."
Wika niya, matapos ay naging gintong liwanag ang kanyang katawan. Matapos ang napakahabang panahon ay nagkaroon ng mga anak ang tatlong Diyos.
Si Bathala Lustin ay nagkaroon ng anak; si Diyosa Ezmeralda at si Bathala Martino.
Si Bathala Chaos ay nagkaroon ng anak; sina Bathala Rama at si Bathala Hirai.
At si Bathala Lithos na may anak; sina Diyosa Eira at Diyosa Pyra.
Itinuturing naman nilang Diyos si Ace dahil nga sa anak ni Bathala Lithos.
Hindi na ito bago sa akin, may libro naman nagsasabing:
May mga senyales na nagsasabing reincarnation ni Ace ay nasa paligid lang. Tulad ng biglang paglitaw ng kakaibang letra na nasaksihan sa Lapena labing-walong taon na ang nakakaraan. Sinasabing nakita ito sa langit, pagkatapos ay lumiwanag ng pagkalakas-lakas.
Ibig sabihin, nabubuhay ng tahimik ang magi na ito. At ibig sabihin ay teenager na ito. Umiling na lang ako dahil sa dami ng mga iniisip.
Sandali akong pumikit, bigla na lang lumitaw ang imahe ng pamilyar na magi. Si Silver? Agad kong iminulat ang aking mga mata.
Napunta ako sa isang lugar or should I say sa isang dorm. Nga pala isa sa requirement dito sa Lithos Academy na magdodorm ang mga estudyante.
Nang biglang bumukas ang pintuan ng cr ata yun, iniluwa nito ang, sarili ko? Pumunta ito sa kama at nakita kong may taong nakaupo rito. Familiar. Oh it's Silver. Habang papalapit "ako" eh walang pakialam si Silver.
Nagulat na lang ako nang biglang hinaplos ng ‘ko’ ang mga pisngi ni Silver, napatingin naman si Silver na may nagtatakhang mukha. Unti-unting lumalapit ang mukha ‘ko’ na para bang hahalikan na si Silver. Wait... What!!!??
At tama nga, hinalikan ‘ko’ si Silver, more passionate than I thought. Hanggang sa unti-unti ‘kong’ tinanggal ang mga damit ni Silver, at dun nagsimula ang ‘di malilimutang gabi.
Nagising na lang ako dahil sa mga pagyugyog ng gwardiyang nagbabantay dito.
"Uhmm. Sorry, anong oras na?" tanong ko.
"It's 8 in the morning Prince Aeolus." sabi nito. Masyadong cashual, hayysss.... Napaiiling na lang ko.
-------- Lithos Academy --------
Nang makarating na ako sa school ay agad na akong pumasok sa room. Nakasalubong ko si Silver, kaso hindi niya ako napansin kasi malalim ata ng iniisip niya. Bigla ko na namang naalala yung panaginip ko. Posible bang nagkakagusto na ako sa kaniya.
Ganun ang nangyayari sa akin kapag may nagugustuhan ako nung elementary ako, nagbebase ako sa panaginip ko, kaso hindi ko magawang magconfess dun sa nagugustuhan ko.
Nagkaroon na ako ng two crushes, pero ito yung worst. Kasi usually, simpleng pag-amin lang yung panaginip ko. Hindi yung nananaginip ako ng kung ano-ano tulad nung panginip ko kagabi.
Whatever it is, there's one thing that is playing on my mind. Is it even possible to fall in love on a person na kakikilala mo pa lang. Hindi kasi ako naniniwala sa Love at First sight noon. I just shook that thought out of my head.