Chapter 5

1971 Words
Silver's P.O.V Ito na yung araw na pinakakahihintay ng bawat estudyante dito sa Lithos Academy. Ang MAGIC RUMBLE. Lahat naman talaga kasali, parang ito yung practical test na ginagawa para malaman kung hanggang saan yung natutunan mo. Ang team up ay two Freshmen, two Sophomores, dalawa mula sa 3rd at 4th year at dalawa rin mula sa Senior High. Halos lahat ay excited, pati ako. Gusto ko rin kasing ipakita na kahit kaming mga Undefined Ones ay kayang lumaban. Alam ko na rin ang magic na taglay ko, ilang araw ko na ring ineensayo ng patago kung paano gamitin ang kapangyarihan ko. Mamaya ko na lang sabihin kung ano ang magic ko. Siya nga pala, may suot akong magic compressor, karaniwang ginagamit ng mga mages itong compressor. Parang ito yung storage ng mga gamit, yung mga magic books, items, pati armors parang storage lang. Pwede rin itong paglagyan ng tubig na kasing dami ng dagat, apoy na kasing dami ng nasa bulkan kaso mahal iyon, kailangan mo pang ipasadya iyon sa isang panday. Natural na rin ang magkaroon ng lupa o kaya hangin dito, kasi usually, ito ang nag-oorganize ng gamit mo. Kaso wala pa ako nun. Mga gamit like, potions, books at weapons lang ang meron dito sa compressor ko na namana pa ng papa ko sa mga ninuno niya, dun sa pinakaunang generation siyempre. Nasabi ko bang adopted child lang ako? Now you know. "GOOD MORNING STUDENTS OF LITHOS ACADEMY!!!!" pagwelcome nung mc na nakakuha ng atensyon naming lahat. "As we all know, magkakaroon tayo ng isang team consisting of ten members, at ang isang member na iboboto ng council ang magiging Magi Supremo. But this year, nagbago ang kalakaran ng Maguc Rumble. Matapos manalo ang isang team as the Last Team Standing, maglalaban ang mga nanalong members sa isa’t-isa para tanghaling Magi Supremo!! Huwag na nating patagalin pa ang laban. LET THE RUMBLE BEGIN!!” Pagkasabi ng MC ng opening remarks at ang bagong rule ay nagsigawan ang mga estudyante. Nagsimula na ring magscroll ang bawat pangalan sa monitor, unang lumabas ay yung kay Lie at Nicholai, sumunod ay yung kay Ice. Hindi ko alam na sophomore pa lang si Ice, isang hindi ko kilalang mukha, then si Leo, si Mr. Hambog aka Chester at mga hindi ko kilala ang mga mukha. Pero sigurado akong panalo na sila. Next team naman, unang lumabas ay yung mukha ko, ba’t ang weird ng mukha ko sa monitor. Wait? Mukha ko sa monitor? MUKHA KO SA MONITOR?! No, this can't be true. My goodness gracious, baka maging pabigat ako, baka dahil sa akin ay matalo ang team. Tapos lumabas yung mukha ni Yojer, nabuhayan yung loob ko kasi kasama ko siya. Matapos sabihin ang members bawat team ay pumunta muna kami sa likod ng arena para makapag-usap. "Oh, magkateam nga tayo Silver!!" mababanaag ang saya sa tono ng pananalita ni Yojer. “Kinakabahan ako Yojer..” hindi mapakaling saad ko kay Yojer. Pero hinawakan ako nito sa pisngi which is weird. Medyo awkward nung posisyon ning dalawa. “Don’t worry Silver, ‘di ba sinabi ko sa’yo na huwag kang kabahan lalo na’t nandito ako? Relax, kaya natin ‘to, we got your back, okay.” sabi nito na ikinatango ko na lang. Nagsimula na ngang magplano ang aming team, tinanong muna kung anong section then magic, kinabahan naman sila nung sinabi kong Undefined ako, of course para may element of surprise. Pagkatapos naming magplano ay pinalabas na kami. Medyo masama ang tingin sa akin ni Chester, siya agad ang unang napansin eh. Tiningnan ko naman sina Nicholai at Lie. Mukhang nag-aalala sila sa akin, kaya mahal na mahal ko sila eh. "Okay, first of all, kunin niyo yung bracelet na nasa harapan niyo, yan ang magiging way para malaman kung suko na kayo o hindi. Itim ang kulay niyan kapag kaya niyo pa, white means, nagsusurrender na kayo. Last, walang p*****n, pero pwede niyo lang sugatan ang kalaban niyo, sa labang ito, walang kaibi-kaibigan. Now, on your mark. LET THE RUMBLE BEGINS!!" sabi ng MC. Naghanda na kami para sa laban. Unang umatake si Leo, naalala ko, isa siyang werewolf na may kapangyarihan ng lupa. Siyempre naghanda naman na kami. Inisa-isa ni Leo kaming mga members ni Yojer, busy naman si Yojer kay Chester. Nagsuguran naman na ang kalaban, pagkatingin ko sa likuran ko, papunta na sa akin si Leo. Kinakabahan man ay kinalma ko ang sarili ko. Papalapit na si Leo, kaya ko ‘to. "Magia Magira mar mira. (Magic Rune take charge.)" unang pagsambit ko. "STOP!!" Sigaw ko sabay turo sa kanya. Napahinto naman siya. Nagulat naman ang audience, pati rin yung mga kasama ko at kalaban. Pati rin sila Yojer at Chester na busy sa paglalaban. "Cage, Vines, Seal..” pagkasabi ko nun ay nagsilabasan ang mga Vines, may lumabas na rin na Cage at isang magic circle ng sealing magic. At tuluyan na ngang nakakulong si Leo. Hindi na rin siya makagalaw, yung mga vines ay may mga tinik na unti-unting pumupulupot sa kanya, at sinusugatan siya. Bigla na lang may nagtulak sa akin ng malakas na naging sanhi para tumilapon ako. Si Nicholai, oo nga pala, nakalimutan ko ng may super strength siya, at wings. At sabi rin kanina, walang kaibi-kaibigan. Itinali niya muna ang bunganga ko pati na rin yung kamay at paa ko. Nagtaka ako kung bakit pato bunganga ko. Saka lang nagsink in sa utak ko, para hindi ako makapagsambit ng chant. Gumawa naman ng sealing magic ang isa niyang kasama para sa akin at kinulong ako. Pilit namang tinatanggal nung kalaban yung cage, vines, at sealing magic na ginawa ko, pero hindi nila magawa. Masyado atang malakas ang magic na nilagay ko, and reminder, ako lang din ang makakatanggal niyan. Pansin kong lima nalang ang natitira sa mga kasama ko. Siguro, kailangan ko lang isiping makakawala ako dito sa seal na 'to. Inimagine ko kung paano ko ako makakawala sa seal. Inisip ko ang isang blocking magic, from the word block, bina-block niya yung magic obviously. Pagkamulat ko ng mata ko ay nangyari nga yung inimagine ko. Next ay inimagine ko ay makawala ako, nangyari nga. Now the next move, I have to weaken them. Itinapat ko ang aking kamay kay Nicholai, at biglang may lumabas na magic rune na kulay green. "Weaken." sabi ko, at mas lalong lumiwanag ang rune. May nabuo ring rune sa paanan ni Nicholai, nagulat nga siya at sinubukang umalis ngunit hindi siya makagalaw. Bigla na lang siyang natumba at naging kulay puti ang bracelet niya. It means nawalan na siya ng lakas. Next naman ay si Leo. Let's see. Bago ko pa siya ituro ay inatake na ako ni Ice ng ice sphere. Natamaan ako nito. Kailangan ko ng lumaban into hand to hand combat. Inilabas ko mula sa magic compressor ko ang isang sword na kulay diamond. Ito ay isang magic sword galing sa light clan, yun pa kasi dati yung pangalan ng Garten De Gilton. Kaya nitong iblock ang isang magic. Huh. Luckily, meron ako nito kundi talagang wala na. Mula sa freshmen, ako at si Lie na lang ang natira. Tapos, si Yojer, Chester, Leo at Ice. Kami nalang ang natira. At uunahin ko muna si Ice. Nagbato siya sa akin ng Ice Sphere na mabilis kong sinangga. Nang makalapit ako sa kanya ay winasiwas ko ang aking espada, ngunit bago pa tumama sa kanya espada ay nakagawa na siya ng isang shield, ibig sabihin ay Ice Maker siya. "Nalaman mo na pala yung kapangyarihan, congrats." sabi niya. Winasiwas ko ng winasiwas ang aking espada. Matibay daw yung shield na ginawa niya kaya naisipan kong gumamit ng martial arts technique. Ginamit ko ang naituro sa aking martial art move. Ang tawag dito ay A Thousand Diamond s***h, since itong sword ko ay binigay sa akin nang mga sampung taong gulang ako ay tinuruan ako ng mga techniques ng martial arts. Ang technique na gagamitin ko ay isang mahirap, ngunit mabilisang galaw ng espadang gamit ko. Kailangang maging mabilis talaga ang galaw dito para makagawa ka ng isang libong s***h sa kalaban, pero kailangang hindi ka mapansin. At para magawa iyon ay kailangan mong tingnan sila sa mata with so much pressure, yung parang naglalabas ka ng malakas at nakakatakot na aura. Nang tingnan ko sa mata ang prinsesa ay nagulat ito at napaatras. Saka ko isinagawa ang technique, mabilis akong gumalaw papunta sa kanya at winasiwas ang aking espada. Ngumisi ako nang magcrack yung shield na ginawa niya, hanggang sa nabasag yung shield nagulat din siya. Ito na yung pagkakataon para gamitin yung magic ko. Tinuro ko muna siya. "STOP, WEAKEN, PARALYZE!" sigaw ko, medyo nanghina ako dun kasi medyo malakas yung rune magic. Pero kinaya naman. Medyo nahirapan na si Ice at di na kinaya at nawalan ng malay. Pansin kong lima nalang ang naglalaban-laban. Sinunod ko na si Lie, ayaw ko mang saktan si Lie pero competition na itong hinaharap namin. Kaya nag-isip ako ng paraan. Nilapitan ko muna si Lie. Tinuro siya, kasi nga nakatalikod, ginagamit yung Telekinesis magic niya. "STOP!" pagkasabi ko nun ay lumabas ang isang kulay red na rune, sa kamay ko at sa paanan ni Lie. Medyo nahirapan ako kasi nga, malakas yung magic niya, yung sa akin eh malakas kaso hindi pa fully developed. "SLEEP!" sinabi ko ulit. "TRANSPORT!" sabi ko at dun ay biglang naging white yung bracelet niya, tapos itim, puti, tapos itim, hanggang sa hindi na niya nakaya at naging puti na rin yung bracelet niya at nawala sa arena. Sorry Lie, alam kong pangarap mo ang makatuntong sa finals, gusto ko rin kasi eh. Chester vs Yojer, at Leo vs me. Medyo mahigpit ang laban. Nagulat ako nang nagfuse yung magic nina Chester at Leo. Elemental fuse, para makagawa ng secondary element na Lava. Napatingin ako kay Yojer at ganun rin siya sa akin. Ngumiti siya sa akin, sinasabing magiging okay lang ang lahat. Chester's P.O.V Nakakainis talaga, ayaw pa talagang sumuko ng dalawang ito. At aaminin kong malakas si Silver huh, pero hindi niya pa rin kaya ang lakas ng isang royal blood. Ang bloodline ng bawat royal family ay sinasabing ginawa ng bawat Diyos ayon sa kanilang elemento. At ako ay galing sa bloodline ng mga apoy na ginawa ni Diyosa Pyra. Ganun din si Yojer na galing sa bloodline ng tubig, na gawa ni Bathala Martino. Lahat ng nilalang na may taglay na elemento at mahika ay gawa ng bawat Diyos sa Mortana, ang kaibahan nga lang, sa royal bloodline, one-forth ng powers ang meron sa kanila, while sa normal lang na magi ay one-sixteenth lang ng binigay na kapangyarihan ng Diyos ang meron sa kanila. So, ginawa namin ni Leo ang elemental fuse. Napangisi ako sa ginawa naming plano. Ano kayang gagawin nila. Nang nadako ang tingin ko sa kanila ay nagngingitian sila, tsk. Hanggang dito ba naman, nakakainis silang dalawa. Mas lalo akong nagngitngit sa galit dahil sa nakita ko na naging dahilan para mas lalong lumakas ang apoy ng lava at lalong uminit ito. Nakita ko ang worried look ni Silver, ano kayang gagawin niya. Nagulat ako nang kontrolin niya ang hangin. Hindi maaari, akala ko ba Rune Making lang ang ginagawa niya. Nag-elemental fuse din silang dalawa. Nagtagisan ang kapangyarihan naming apat. Ice versus Lava, mas malakas ang kapangyarihan kapag nafuse ang dalawang element. Pinush ko pa para lalong mag-init at lumakas ang pinapakawalang kapangyarihan. "BLOOD, WEAKEN, PARALYZE!" sigaw nito, naramdaman ko na lang na lumalabas na ang dugo mula sa ilong ko at medyo nanghihina na rin ako at hindi makagalaw. "Transport." rinig kong sabi niya at ang huli ko na lang nakita ay ang rune na kulay puti at napunta na lang kami sa clinic. Clinic? Nakita ko ang mga kasamahan ko at nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD