Nagulantang ako nang tanungin niya ako ng gano’n. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa kaniya. Nagulat ako ng sobra at hindi ko ‘yon inaasahan. Mula sa sweet niyang mukha ay napalitan ‘yon ng sobrang seryosong mukha. Bigla pa akong nakaramdam ng takot dahil sa itsura niya ngayon. Nablangko ako at hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kaniya ngayon. “Ah, about that… I rented an apartment for the mean time. Pero wala namang mga gamit doon. I don’t want to live there, okay? Hinihintay ko lang talaga na ma-approve ang request ko na magpalipat na sa ground crew ng totoo at hindi ko muna sinabi sa ‘yo para masurpresa kita. Nag-training din ako kung paano ang mga ginagawa sa ground crew,” palusot ko sa kaniya. “I’m not stupid, Ayira. Alam ko na ‘di ‘yan ang rason. Nagrenta ka pa tal

