Naisipan ko na araw-araw muna na umuwi sa bahay namin ni Jax. Malapit na rin naman ang pasko. Nitong mga nakaraang linggo ay nakikita ko na abala si Jax sa trabaho niya. Wala na ring pumupunta na ibang babae sa bahay namin. Tapos kapag mag-isa siya sa bahay namin ay nakaharap lang siya sa kaniyang laptop at nagtatrabaho. ‘Di ko na rin nakikita ang isa niyang phone na ginagamit niya. Tapos mas madalas na siyang mag-update sa akin ngayon, kahit ‘di ko pa siya nire-reply-an. Sa totoo lang ay medyo nakonsensya rin ako na nagsinungaling ako sa kaniya tungkol sa schedule ng trabaho ko. Medyo kinakabahan pa ako dahil baka mahuli niya ako. Tapos lumalambot ang puso ko sa kaniya ngayon. Tila ba bigla na lang siyang nagbabago at bumabalik sa dating Jax na nakilala ko. Sa ngayon ay wala na muna a

