Para sa akin ay ang sakit na nakita niya rin mismo kung paano nagloko at nagsinungaling sa kaniya ang kaniyang ex girlfriend. Paano pa kaya kapag gano’n din ang ginawa ko kay Jax? Siguro ay talagang sasabog ako sa galit at iiyak ng husto nang dahil sa sakit na nararamdaman ko. Napabuntong-hininga muli ako nang matapos na ang kwento sa akin ni Caiden. “Sige na, pwede ka năng umakyat sa itaas. Gusto ko na rin na mapag-isa ngayon dito sa baba,” sagot ko naman sa kaniya. “Okay. Kung may kailangan ka, tawagin mo na lang ako.” Tumango na lang ako sa kaniya at umakyat na siya matapos gawing dim ang lahat ng mga ilaw dito sa ibaba. Nang makaakyat na siya at tahimik na ulit sa paligid ay humiga ako at niyakap ang isang unan. Kinuha ko naman ang phone ko at nag-chat kay Jax. To: My Hubby Hi

