I was expecting for him to show a happy and positive reaction. Sa sinabi ko na balita na ‘yon, dapat ay masiyahan siya agad. Pero ang reaksyon niya ay halatang gulat na gulat at ‘di makapaniwala. “What’s with your reaction? Hindi ka ba nasiyahan sa balita ko na ‘yon?” tanong ko pa sa kaniya. “O-Oh! Is that true, Love? I mean… Hindi lang ako makapaniwala. Paano nangyari na ‘di ka na isang flight attendant?” tanong pa niya sa akin. Pero naisip ko… Hindi ko siya mahuhuli sa pangloloko niya kung aaminin ko sa kaniya ang tungkol doon. Nginitian ko naman siya. “Biro lang. Gusto ko lang makita ang reaksyon mo,” sagot ko naman sa kaniya. Para bang nakahinga naman siya ng maluwag. “Alam ko rin naman na hindi mangyayari ‘yon dahil nakaplano ka na sa balak mo. Pero bakit nakauwi ka na agad

