OBSESSION 1

1000 Words
"Babe, bagay ba sa akin ang wedding gown na ito?" tanong ko sa aking fiance. Nilingon naman niya ang magazine na hawak ko. Kasalukuyan kaming namimili ngayon ng mga susuotin namin para sa kasal. Maraming bagay ang inaasikaso namin ngayon, kaya abala talaga kami. Sa susunod na buwan ay kasal na naming dalawa. "This would suit you much better." Itinuro niya ang isang wedding gown na isa rin sa pinagpipilian ko. "Really? Sakto ay isa rin iyan sa pinagpipilian ko kanina." "Everything looks good on you, Babe. Maganda ka at kahit ano pa ang isuot mo ay babagay naman sa 'yo," pangbobola pa sa akin ng asawa ko. Inirapan ko naman siya at bahagyang pinalo. "Jax, ang bolero mo ha!" Nagtawanan naman kami parehas dahil sa sinabi ko. Saka ko nilingon ang babae na nasa gilid ko. "I want this wedding gown." Tinuro ko sa kaniya ang napili ko, saka ko muling nilingon si Jax. "What's yours? Hindi ka pa ba nakakapili ng isusuot mo?" "I want this." Itinuro niya rin sa babae ang napili niyang set ng damit para sa aming kasal. "Woah, you're good in choosing huh," puri ko pa. Nagustuhan ko rin ang kaniyang isusuot. Kasunod naman ay pumunta kami sa reception area kung saan doon magaganap ang celebration kapag tapos na kaming ikasal sa simbahan. Hindi rin naman ito masiyadong malayo sa simbahan na napili namin. Marami pa kaming mga inasikaso. Ang mga pagkain, disenyo para sa reception, pati na rin ang mga invitations. Kailangan nang matapos ang mgga invitation cards namin, para maibigay na agad sa mgga iimbetihan namin. Mas mabuting maaga pa lang ay malaman na nila kung ano ang araw ng kasal namin, para makapaghanda sila na iwan ang kanilang mga trabaho sa araw na 'yon. Handa na rin naman ang lugar kung saan kami magha-honeymoon. Natutuwa ako dahil malapit na akong ikasal sa boyfriend ko. Tatlong taon na kaming nasa iisang relasyon. Parehas na rin naman kaming successful sa buhay. Jax Damon is from a high-class family. Mas mayaman siya sa akin, kung tutuusin. Dahil nagmula lang naman ako sa middle class family. I am Ayira Cleo, a successful flight attendant. Samantalang si Jax naman ay may bar and restaurant business with five branches in different cities. We have the same age, which is twenty-five years old. We met before in a business seminar. Um-attend ako noon dahil balak ko sana na magtayo ng sarili kong business, pero hindi natuloy. Dahil mas gusto ko talaga maging isang flight attendant. Sa tatlong taon na nasa relasyon kami, hindi naman palaging masaya. May mgga panahon din na sobrang lungkot ko at nasaktan namin ni Jax ang isa't-isa emotionally. Pero naging mas matibay kami at heto na nga, malapit na kamiing ikasal. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at pumayag na agad akong pakasalan siya. I can see my future with Jax, even before. Kaya naman ay masaya akong kami na talaga hanggang dulo. Kahit tatlong taon na kami ay hindi ako nakaramdam ng sawa sa kaniya. Ilang beses ko rin naman siya na tinatanong noon kung nagsasawa na ba siyang mahalin ako, pero ang sabi niya ay hinding-hindi siya magsasawa sa akin. Kampante rin naman ako na mahal talaga niya ako ng sobra, katulad ng pagmamahal ko sa kaniya. Samantalang ang mga magulang naman namin ay suportado kami mula noon at hanggang ngayon. Mababait ang mga magulang ni Jax. Noon pa lang ay parang anak na rin nila ako kung ituring. Sa tuwing may away kami noon ni Jax ay sila ang gumagawa ng paraan upang gumaan ang loob ko at magkaayos kaming dalawa. Hindi nila hinahayaan na maghiwalay kami ni Jax. Kaya naman sila na rin ang nagpilit na magpakasal na kaming dalawa. Naka-save na rin naman si Jax ng sapat na pera para sa kasal namin. Sinabihan ko siya na tutulong ako sa mga gastusin, pero noong una ay hindi siya pumayag. Pero sinabihan niya ako na ang gastusin ko na lang ay ang reception area at ang mga pagkain. Kahit afford ko namann ang mas higit pa roon ay hinayaan ko na lang siya. Lumipas pa ang ilang linggo at mas naging abala kami ni Jax. Pero hindi pa rin namin hinahayaan na mawalan kami ng oras sa isa't-isa. Nakatira naman na kami sa iisang bahay. Sinabihan ko si Jax na rito na lang sa bahay ko kaming dalawa manirahan. Dahil sa laki ng sahod ko sa trabaho ng ilang taon ay nagawa kong makapagpatayo ng sarili kong bahay at may sariling lupa. Kaya naman ay hindi na kailangan pang gumastos kami para sa bahay naming dalawa. Tutal naman ay pinagawa ko talaga ang bahay na ito para sa magiging pamilya ko sa hinaharap. Isa akong conservative na babae. Hanggang ngayon ay wala pang nangyayari sa amin ni Jax. Sinabihan ko siya na gusto kong ibigay sa kaniya ang sarili ko kapag naikasal na kaming dalawa. Mas lalo ko siyang minahal dahil kahit na matagal na kaming nasa relasyon ay hindi niya ako pinilit na gawin namin iyon. Nirespeto niya kung ano ang gusto ko. Yes, we kiss a lot. But that's it. Hindi pa talaga namin nagagawa na lumagpas sa lebel na 'yon. Para sa akin ay mas magandang ibigay ang virginity kapag kasal na. Ibig sabihin ay sigurado ka na talaga sa lalaking iyon. "I'm so tired. I think I need a kiss from my love," panglalambing naman sa akin ni Jax. Humiga kami sa kama at niyakap ko siya ng mahigpit. "Kaunting tiis na lang naman at malapit na tayong ikasal. All of our efforts will be paid off soon." "But can I get a kiss now? Para naman mawala na ang pagod na nararamdaman ko ngayon." Natawa naman ako saka siya hinalikan sa labi. Naka-ilang halik pa siya sa akin dahil hindi raw agad-agad na nawawala ang pagod niya. How I wish that we will just stay happy like this. I want a happy marriage and a happy life with Jax, and with our family in the future.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD