OBSESSION 2

1000 Words
"Today is the day that everyone is waiting for! The day of our friend's wedding!" masayang sambit naman ni Vina. "Sana all ay ikakasal na," dagdag naman ni Jane. Inirapan ko naman ang dalawang kaibigan ko. "E 'di pakasalan niyo na rin ang mga kasintahan ninyo. Para namang mga single kayo kung umakto." "Duh, ayoko pang ikasal 'no! Mas masaya pa rin na hindi pa ako committed talaga sa isang bagay. Ayos na 'yong sa boyfriend pa lang ako committed at hindi pa sa asawa," sagot ni Jane sa akin. "True! Tsaka mas mahirap kapag isa ka nang asawa ng lalaki. Mas marami ang responsibilities. Hindi katulad kapag girlfriend ka lang. Chill lang," dagdag din ni Vina. "Pero hindi ba dapat ay nasa simbahan na kayo dumeretso? Bakit narito pa kayo? Dapat nga ay surprise ang gown ko sa inyo mamaya!" pagtataboy ko naman sa kanila. Ang aga-aga pa ay narito na agad sila sa bahay. Samantalang si Jax naman ay doon natulog sa bahay ng kaniyang mga magulang kagabi. Hindi kasi pwedeng magsama ang dalawang ikakasal kinabukasan, ayon sa mga pamahiin ng iba. Kaya sumunod na lang kami roon. Siya rin naman ang mauunang pumunta sa simbahan. Gusto ko lang masubuukan na kabahan din siya at isipin na baka hindi ko siya siputin sa simbahan. May balak ako na magpa-late nang kaunti, para naman intense! "Okay, fine! Nagising pa naman kami ng maaga para kami ang unang makakita ng wedding look mo, pero napakadamot mo talaga," kunwari pang nagtatampo na sabi sa akin ni Vina. Natawa na lang ako sa kanila at nagpaalam na sila na uuwi na. Samantalang sinimulan naman na ang pag-aayos sa akin. Hindi na ako kumain ng breakfast. Kinakabahan din kasi ako dahil ito na ang araw kung saan magiging asawa na ako ng lalaking pinakamamahal ko. May halong tuwa at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Siguradong mas kakabahan ako sa oras na nasa simbahan na ako mismo at naglalakad na sa altar. Nang matapos na akong maayusan at naisuot ko na rin ang gown ko ay tiningnan ko ang aking kabuuan sa salamin. Masasabi kong napakaganda ko ngayon. Maiyak kaya si Jax sa itsura ko mamaya kapag nakita na niya? Nakaka-excite na makita ang reaskyon niya. Sinabihan ko na rin naman ang dalawa kong kaibigan na i-video ang magiging reaksyon ni Jax kapag na-late ako ng ilang minuto. Gusto ko kasing makita ang kaniyang reaksyon. Sumakay na ako sa limousine na maghahatid sa akin sa simbahan. Dahil nga mayamann si Jax ay ganito talaga kabongga ang sasakyan na inihanda niya para sa akin. Habang nasa biyahe ay hindi ako mapakali. Inaalala ko kung ano ang mga sasabihin ko mamaya sa simbahan. Alam na rin naman ng driver na dapat ay ma-late kami nang kaunti. Nakatanggap ako ng mensahe kay Jane. From: Jane Success! Hindi lang si Jax ang kinabahan na baka hindi ka sumipot, pati na rin ang iba mo pang mga guests. Hahaha! Napangiti naman ako dahil sa kaniyang balita. Nang makarating na kami sa simbahan ay nakaabang na roon sina Mommy at Daddy. Nasa labas na rin ang lahat ng mga aabay at ang bridesmaid at groomsmen. Ang mga kaibigan ko ang bridesmaid at mga kaibigan naman ni Jax ang groomsmen. Inalalayan akong bumaba ni Dad sa sasakyan. Saka naiiyak na tumingin sa akin si Mom. "Grabe, hindi ko akalain na ikakasal ka na talaga. I am so happy for you, Ayi," sambit pa niya sa akin. Pinigilan ko naman na huwag maiyak dahil sa kaniya. "Mom, masisira ang make-up ko kapag umiyak agad ako ngayon." "The wedding will start in five minutes. Umayos na po ang lahat at maghanda sa pagpasok sa loob ng simbahan," sambit ngg organizer. Pumila na kami para sunod-sunod na ang pasok sa loob. Nagpunta sa magkabilang-gilid ko ang aking mga magulang. Inaayos naman ni Mom ang gown ko sa dulo. "Are you ready?" tanong sa akin ni Daddy. Huminga muna ako ng malalim sakka tumango sa kaniya. "I'm ready, Dad." Dahan-dahang nagbukas ang malaking pinto ng simbahan. Nagsimula na ang tugtog at isa-isa nang pumapasok sa loob ang mga abay. Habang nalalapit ako ay mas lalo akong kinakabahan. Hinawakan ko naman si Daddy sa braso niya, saka kami naglakad na papunta sa loob. Nakita ko agad si Jax na nagpupunas ng luha sa dulo ng altar. Kita ko ang saya sa mga mukha ng aming mga bisita. Nakakatuwa na ang lahat ng mga importanteng tao para sa amin ay nakadalo ngayon at magiging saksi sa aming pagmamahalan. Nang makarating sa dulo ay iniabot ni Dad ang kamay ko kay Jax. "Make her happy forever, hijo," bilin pa ni Dad sa kaniya. "I will, Dad." Umupo na ang mga magulang ko, saka kami dumeretso ni Jax sa harap ng pari. Saka nagsimula na ang seremonyas. Nakikinig ako ng husto sa mga sinasabi ng pari. Hanggang sa sinabi na namin ni Jax ang vows namin para sa isa't-isa. Ang gusto ko lang ay manatili siya sa tabi ko hanggang sa dulo. Na manatili siya kahit hindi madali ang buhay. Dahil habang nasa tabi ko siya at patuloy naming minamahal ang isa't-isa ay hindi ako susuko sa buhay. Gusto kong malagpasan namin ang lahat ng mgga problema namin nang magkasama. Gusto kong manatili ang pagmamahal nnamin sa isa't-isa at hindi magbago habangbuhay. "I now announce you as husband and wife. You may now kiss the bride." Nang sabihin iyon ng pari ay agad na naghiyawan ang mga nanonood sa amin. Ito na siguro ang pinakahihintay nilang parte sa kassal. Ang makita na maghalikan kami. Nakangiti naman ako saka hinawakan ni Jax ang baba ko at bahagyang itinaas. Saka niya ako hinalikan gamit ang malambot niyang labi. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid. Ito na ang pinaka-masayang araw ng buhay ko. Nangyari na angg isa sa mga pangarap ko. Ang maikasal sa taong mamahalin ko habangbuhay. "I love you forever, Jax..." "I will also love you forever and ever, Ayi..." But I guess having a happy marriage is hard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD