--
Pag dating ko sa bahay , may epal na nakaharang sa gate na hindi pamilyar na sasakyan, mazda gray., paano ko maipapasok sa loob ang kotse ko, Baka naman makalas ako kapag binuhat ko ibang gamit ko mamaya. Lumabas ako para silipin kung may tao sa loob ng mazda.
Kinatok ko ng may nasilip akong tao kahit sobrang tinted ng sasakyan. Ilan sandali lang bumaba ang window at sumilip si daryl na may lipstick sa gilid ng lips niya.
" oh? ginagawa mo dito? " -tanong ko sabay binuksan niya ang pinto sa driverseat at lumabas para may kunin sa backseat.
" dumaan lang ako para ihatid yung stuff ni miyah. Nasalubong ko si albert kanina na palabas ng bahay niyo sabi niya , otw ka na daw kaya hinintay na kita."-nagmamadali niyang sabi habang kinukuha yung mga plastic sa backseat.
"ahhhhhh ,sayo 'tong kotse ? " - tanong ko habang nakatingin sa kotse.
" oo, 2nd hand. Kanina ko lang nakuha. "-sabi niya sabay may sumilip na babae sa window tsaka ngumite.
" hi" -bati ng babae
" ahm mimi si beatriz bagong trainor sa gym" pakilala ni daryl habang bigat na bigat sa mga plastic niyang bitbit.
" hello , miane ! " -sabay shakehands. Maganda, maganda ang hinaharap ni beatriz kaysa sa akin. Slim siya na nakahair-tattoo yung left part ng buhok niya. Kaya astig siyang babae kung titignan,hindi katangusan ang ilong , Makapal maglipstick na pulang-pula. May hikaw din siya sa ilalim ng right lip niya.
" nice to meet you miane, i heard a lot of things about you. " -nakangite niyang sabi.
" really? tara doon tayo sa loob mukhang kailangan niyong gumamit ng mirror pareho" - aya ko , naglakad kami papasok ng bahay. Sumunod agad si beatriz.
" maganda ka pala talaga sa personal, sabi kasi ng mga co-trainor ko na maganda ka daw talaga . Actually noong una hindi ako naniniwala pero totoo nga noh? Saan ka nag-gygym? Bakit hindi mo try mag-member sa gym ni daryl, ako na lang magte-train sayo kahit 50%off na lang. Promise hindi kita papabayaan." -walang preno niyang sabi hanggang makapasok na kami sa loob ng bahay.
"juice or coffee ? " - tanong ko.
" water na lang, kakatapos lang din namin kumain ni daryl. Naka-2bottles na nga si daryl diyan sa bar na diyan lang sa kabilang street, kanina kapa kasi namin hinihintay. Sabi kasi ng lalake kanina na otw ka na daw, 1hour na kami halos nag-hintay, wala ka pa din kaya inaya ko si daryl na mag-chill muna habang hinihintay ka. Saan ka ba galing bakit 2 1/2hours bago ka dumating? Tsaka bakit ka naka-pajama kung ganon kalayo binyahe mo? Infairnes ang ganda ng bahay niyo ah. Sino kasama mo dito? Nasan nga pala yung miyah? sa picture ko lang kasi siya nakikita. Ang gandang bata noh? Perfect combination. Sana kasing ganda din ni miyah yung magiging baby namin. -daldal niya. Natotorete na ko sa kadaldalan niya. Ang sarap ibuhos ng tubig na hawak ko. Nilapag ko yung baso sa harap niya habang nakatingin sakin si daryl. Umupo ako sa kabilang single sofa na nasa left part ni beatriz while si daryl katabi ni beatriz sa right side.
"saan kayo after niyo dito?" --tanong ko. Gusto ko na silang paalisin para makapag ayos na din ako. Kung hindi lang masamang magtaboy ng bwisita,ginawa ko na.
" sa apartment na inuupahan namin. 5th monthsary kasi namin ni daddy ngayon." -mabilis na sagot ni beatr
" 5th monthsary" - bulong ko sabay tumingin ng nakakaloko kay daryl.
" excuse me?" -epal na sabi ni beatriz.
" ah wala " sabay ngite ng maliit
" mimi hindi muna ko makakapagshare sa finances ngayon ha? Bawi na lang ako nextmonth pag kumikita na yung isang branch ng gym."pakiusap ni daryl.
" kailangan din kasi namin pag-ipunan yung panganganak ko sa june pero hindi naman papabayaan ni daryl yung ibang kailangan ni miyah." - singit ni beatriz
" buntis ka?" - mabilis kong tanong sabay tumayo si daryl.
" bakit dad? -tanong ni beatriz kay daryl
" Naiwan ko yung cellphone ko sa gym, ngayon ko lang naalala na maaga kami ni bruh bukas." -sabi ni daryl sabay naglakad na papuntang pinto.
" Pasensya na miane ha? Kailangan na namin mauna. Tuloy na lang natin kwentuhan nexttime kapag may free time ka or pasyal ka minsan sa gym, nandon naman ako lagi e."sabi ni beatriz sabay humawak sa kamay ni daryl pero iniwas ni daryl kamay niya at binuksan ang screen door.
" Sige ingat kayo, hindi ko na kayo mahahatid sa labas. " sabi ko habang nakasilip sa screen door. Niligpit ko muna yung basong ginamit nila tsaka inakyat isa-isa ang mga diapers and milk ni miyah.
After ko magligpit .Inayos ko din ang gamit na dadalin ko habang nasa condo ako. Naligo at nagpaganda kahit hindi na kailangan hehe. Ngayon na lang ulit ako makakagimik. Ngayon na lang ulit ako makakapunta ng bar na hindi wasak. Ngayon ko na lang din mafe-feel yung pakiramdam na malaya ,malayang gawin ang lahat. I know naman na secure si miyah kila mama. Kampante ako na masaya din si miyah na may makitang ibang tao.
After ko i-double check lahat ng electricity at padlock. Nagdrive na ako papuntang manila, ginabi na ko dahil nagkaron ng hindi inaasahang bwisita. Habang nagda-drive ako sa slex nag-miscall si mhadz sabay nagwarning ng 5% battery yung phone ko. Putik naiwan ko yung cord sa divider sa sobrang pagmamadali. Nawala din sa isip ko magcharge dahil sa bwisita ko.
Sana hindi na magmisscall si mhadz para hindi madead-batt. Nakarating ako ng Bicutan. Tumingin tingin kung may mabibili kahit cord lang para madagdagan yung battery pero karamihan nagliligpit na kasi 12:01 na.
Ano ba uunahin ko? yung cord or yung taong umaasa na may special guest na manonood sakanya. Matagal niya na akong iniinvite na panoorin siya pero lagi akong hindi pwede kasi nagbabantay ako kay miyah sa gabi. Nakakapuslit lang ako kapag magkakape kape sa madaling araw ni dj.
Ilan sandali lang umilaw ulit phone ko,kinuha ko para tignan kung sino ang tumatawag tsaka sinagot ng makita ko pangalan ni dj.
" tapos na yung 2nd set. Nasan ka na?"
-bungad niya na malungkot yung boses.
" sa...- " *tut tut tut tut* sabay nagdead batt.
--