--
Isang bar lang ang meron sa likod ng ccp na katapat ng jumbo restaurant kaya hindi siya mahirap hanapin. Nakita ko sa stage si dj na may hawak ng gitara habang nakatutok ang spotlight.
Hindi ako makahanap ng tyempo para kawayan siya at malaman niyang dumating na ako. Sobrang madaming tao dahil siguro sunday ngayon kaya puno ang bar, wala ako halos matanaw na may bakante pang upuan.
" Maam table for ilan po ? " - tanong ng waiter na lumapit sakin.
" for two, pero pwede ba na malapit sa table ng kumakanta?" -pakiusap ko pero tumanggi ang waiter.
" makiki-selfie kayo maam? pero bawal po kasi don maam ,pero kung gusto niyo dito na lang kayo banda para pag daan nila mamaya hatakin niyo yung kamay para makapagselfie kayo. Gusto niyo maam kausapin ko mamaya pag tapos ng set nila para makapag-selfie kayo kaso hindi ako sigurado maam ha? Basta ang sigurado ko lang dito sila dadaan mamaya." -paliwanag ng waiter habang inaayos ang upuan. Nagsimula na kong macurious about kay dj. Sino ba siya bakit ako makikipagselfie sakanya. Umupo ako ng matapos ayusin ng waiter yung table na nilagay lang niya. Nasa pinakalabas na ko ng bar, dulong-dulo.
" anong order niyo maam? " -tanong ng waiter habang hawak ang order list at ballpen.
" sanmig blue na lang and sisig "-sagot ko sabay umalis na ang waiter. Ilan sandali lang bumalik na ang waiter na bitbit ang isang bucket ng sanmig tsaka isa-isang binuksan.
Sinimulan ko ng uminom habang nakatingin kay dj at nakikinig ng kanta niya. Karamihan ng kanta niya hindi ako pamilyar or dahil napag-iiwanan na ako ng panahon. Pangatlong kanta niya na pero hindi pa din ako pamilyar.
??" kailan kaya muling makakatawang
hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip
kailan kaya muling makakamit
ang iyong yakap at halik ng hindi sa panaginip?
kailan? kailan? kailan? ang dating
kailan kaya muling matatamasa?
ikaw ay makasama’t sabay tayong kakanta
kailan kaya muling mararanasan?
ang pag dilat ng mata, ika’y hindi lang ala-ala. "
" maam ,jamming na pagtapos ng kanta. Gusto niyo maki-jam tos picturan ko kayo mamaya.Ready mo na lang cellphone mo maam" -sabi ng waiter habang nilalapag yung sisig na order ko.
" no need na tsaka deadbat din phone ko" -pagtanggi ko.
" ay sayang naman, last gig pa naman nila dito kaya nga po madami kaming guest ngayon dahil sakanila. " -nanghihinayang na sabi ng waiter.
" ahh ganon ba " -sabi ko sabay sinalin lahat ng laman ng isang bottle sa baso.
" maam sabi niyo kanina table for two, nasan na po kasama niyo? " - pagsisiyasat ng waiter.
" kumakanta pa " - sabi ko sabay tumawa yung waiter.
" hahaha maam lasing na po yata kayo. Hindi po umiinom si dee tsaka sa dami ng tao dito na gusto makipagselfie sa palagay niyo po mapapansin niya kayo, alam kong maganda kayo maam pero pabilisan sumingit bago niyo makausap si dee hindi pagandahan ang laban.-tumatawang sabi ng waiter.
" he-he -he . joke lang yon kuya. Tawag ka sa kabilang table oh " -asar na sabi ko.
" tawagin niyo ko pag may kailangan kayo. Ako ng bahala tumupad ng pangarap niyo mamaya basta bigay niyo sakin number niyo kapag nakagawa ko ha ? -pahabol ng waiter sabay umalis na.
May umakyat na babae sa stage ng nagtanong si dj kung sino gusto makipag-jam. Nagselfie sila at pilit ang ngite ni dj. Pusong ligaw ang kinanta nilang dalawa. Halos hindi magkamayaw si ate habang tinititigan siya ni dj.
After niya makipagjam,umupo si dj sa tabi ng drummer para magcheck ng phone. Nilagay niya sa tenga na parang may tinatawagan. Binulungan niya ang drummer at tumugtog ng pang party song kaya isa-isang pumunta ng dance floor yung iba para sumayaw.
Uminom na lang ako habang nasa mood ako. Sinulit ang oras at alak na malaya kong iniinom na 2years ago ko pa huling nagawa. Pag tapos ng two songs, bumalik si dj at nagbalikan na sa inuupuan nila ang mga nasa dance floor.
" any request song that you want me to sang for you guys, before my final song ?. Well this is my first time to do actually," -sabi niya,naghiyawan ang tao at sumigaw ng "sila". Lumingon si dj sa pianist at tumango tsaka nagsimulang tumugtog. Ngumite siya pero hindi katulad ng ngite niya sa tuwing magkasama kami.
"This is also one of my favorite that i want to play in my guitar , this is my first time to sing this song ,so... enjoy listening guys, i hope hindi ako magkamali hehe"
??" Matagal-tagal din nawalan ng gana
Pinagmamasdan ang dumadaan
Lagi na lang matigas ang loob
Sabik na may maramdaman
Di ka man bago sa paningin
Palihim kang nasa yakap ko't lambing
Sa bawat pagtago
Di mapipigilan ang bigkas ng damdamin
Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo
Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo"?
Ramdam ko na ang hilo sa pang limang bote na iniinom ko. Sumasabay ang mga tao sa pagkanta ni dj,alam na alam ang mga lyrics na binibitawan. As usual hindi ko pa din alam ang lyrics, im not music lover din siguro kaya hindi ako interested.
After niyang kumanta,lumapit yung waiter na makulit sa stage at may binulong sa pianist. Lumingon si dj sa pianist at nag usap sila.
" alright , its 1:27 so im gonna sing my final song , to the one who wants to jam with me, maybe we can take a selfie later. "
?? "i finally found someone,
it knocks me off my feet
I finally found the one
who makes me feel complete.."
Nasusuka na ako. Hindi ko na naiintindihan kinakanta ni dj. Masakit na sa mata ang mga ilaw, nagdodoble na ang mga tao. Nagsisimula na din mamanhid katawan ko. Lumapit ang waiter sabay inabot ang order list na walang sulat at ballpen. Tumingin ako sakanya habang buhat ng kanan kamay ko ang ulo kong sobrang bigat.
Kinuha ko ang 500 sa wallet ko tsaka inabot sa waiter pero hindi pa din umaalis.
" Papunta na po si dee dito, labas niyo na po cellphone niyo para mapicturan ko na kayo, tsaka yung number niyo po maam, tinatanong ni dee para tawagan niya daw po kayo " -sabi ng waiter.
" really? ilan beses ko ba shashabihin sayo na deadbat ako? Ang kulit mo naman. " - Laseng na sabi ko.
" Shige na kuya , hindi ko kailangan ng gro. Pakibalik na lang ng change ko para makauwi na ko" -pagtaboy ko sa waiter na hindi pa din umaalis sa likuran ko.
" jeff nasan yung gusto makipag-jam " -sabi ng lumapit na kaboses ni dj .
" wala na boss, umuwi na " -sabi ng waiter kaya lumingon ako kahit mahirap. Kahit sobrang hilo na ko,kahit kailangan ko pang titigan ang isang bagay bago ko marecognize para lang tignan kung tama ba ang pang-dinig ko.
--