-
" ganon ba? sige una na ko merry christmas jeff"sabi niya sabay tumapik sa balikat ng waiter.
" sige boss, merry christmas din po" sabi ng waiter at naglakad na .Tumayo ako at hinampas si dj sa balikat,medyo napalakas kaya napatingin ang waiter sa akin,nagulat.
" nice gig ha? " -lasing na sabi ko . Hinawakan niya balikat ko para alalayan,siguro dahil halata naman na tipsy na ako. Tumingin sa amin ang waiter na takang-taka tsaka naglakad papuntang counter.
" kanina pa ko nagwoworry sayo. Kanina ko pa gustong umalis dito para hanapin ka." -sabi niya habang inaayos yung buhok kong nakasabog sa mukha. I can say na gwapo siya talaga lalo na sa malapitan. Inupo niya ako ng dahan-dahan tsaka umupo sa harap ko.
" inom tayo? kasho shagot mo na. Out of budget e. Alam mo naman na kailangan ko mag save for miyah." - sabi ko sabay ngumite sakanya. Hinaplos niya mukha ko sabay tumingin sa mata ko. Yung tingin na nakakatunaw, yung tingin na parang takot na takot. Tinanggal ko kamay niya dahil ayokong mahulog sa mga tingin at haplos niya. Ayokong umasa sa wala kasi nagdesisyon na ako before na huli na si daryl na papasukin ko sa buhay ko.
" hoy ano? manlilibre ka ba? pwede ba wag mo akong tinititigan parang mas lasing ka pa kesa sakin." - nabubulol kong sabi sabay tumingin sa ibang umiinom na nagbubulungan habang nakatingin samin.
" are you sure dito mo gusto uminom? " -tanong niya sabay dumating ang waiter at nilapag ang sukli ko,ngumite ako sa waiter at nagpasalamat.
" ahmm tara sa condo mo na lang medyo mahamog na din baka magkasakit ako" - pagpanggap ko tsaka tumayo. Hinawakan niya ko sa braso para alalayan pero tinanggal ko.
" kaya mo ba? " - tanong niya sabay tumayo.
" maglakad ka at maglalakad din ako. Wag mo kong alalayan baka hindi mo mapanindigan yan" -sabi ko sabay naglakad na papuntang parking lot. May kinausap muna siya sa bar bago sumunod sakin kaya todo madali siya masabayan lang ako sa paglalakad.
Pagdating namin ng parking kinuha niya susi ko at nilagay niya ang gitara sa backseat. Dinaan niya muna ng 7/11 na malapet sa malate church para bumile ng sanmig in can at chips tsaka nagdrive papuntang condo. Walang kibuan hanggang makarating kami ng condo. 8mins away lang from bar to condo.
"hoy bakit tahimik ka?" -pagbasag ko sa katahimikan habang isa-isa niyang nilalagay sa fridge yung binili niya.
" ha? kasi tahimik ka. Kaya mo pa ba uminom? " - tanong niya habang nakatingin sakin. Tumayo ako at binuksan ang isa sabay umupo na sa couch.
" ilan taon ka na ulit? tsaka kailan birthday mo? - tanong ko habang nakatalikod sakanya.
" 30, sa december 25 pero 26 ang alam nila . Bakit ba inom ka ng inom? May problema ka ba? " -tanong niya, nasamid ako kaya napaubo ako.
" malapit na pala, ano plano mo sa birthday mo? ?" -pag-iiba ko ng usapan. Umupo siya malapit sakin sabay tumingin habang hawak ang can.
" Just like before, hindi ako nagce-celebrate. Wala ngang nakakaalam ng totoong birthday ko bukod kay mom, cause wala naman iniwan sakin magandang memories ang birthday ko. Every 26 kami nagcecelebrate ng pasko kaya akala ko when i was a kid , 26 yung pasko, gusto ni mom na 26 na lang din magcelebrate ng birthday ko para isang celebration na lang daw kasi ayon ang araw na dumadating si pa from duty sa hospital hanggang sa nakasanayan ko na until magcollege ako. December 25 din nawala si dad,cardiac.Habang nasa hospital kami may isang babae na iyak ng iyak while sinusurvive si dad. Alam mo ba na sobrang sakit non kasi yung akala kong happy family ay hindi pala. Nalaman ko na mistress pala ni dad si mom that day" -kwento niya sabay uminom, napainom ako habang nakatingin sakanya na unti-unting inuubos ang laman ng can. Hindi ako sanay na makita siyang malungkot or nasanay lang ako na lagi siyang nakangite at energetic kaya naninibago ko sakanya. Tahimik kaming uminom hanggang maubos ang laman ng hawak namin can. Tumayo siya at kumuha ulit ng apat tsaka bumalik sa tabi ko.
" Ang bilis natin uminom baka mamaya hindi na ako makatayo kaya kumuha na akong apat." paliwanag niya sabay binuksan ang can at inabot sakin.
" Alam mo bang hindi ako malakas uminom? 2bottles bagsak na ko." - lasing na sabi ko. Tumingin siya sakin na hindi makapaniwala.
" really ? e naka'6bottles ka na sa bar plus itong iniinom natin ngayon. Almost 8 na ah, bakit hindi ka pa bagsak? maybe you have a problem right ? share mo para mabawasan ang bigat." - sabi niya. Huminga kong malalim at nagsimulang magkwento.
" I have ex,name mhadz. Siya yung una at huli kong minahal ng sobra as in sobraaaaa, akala ko kasi na may happy ending kami katulad sa fairytale. 3rdyear highschool pa lang kami na. Wala akong alam sa pakikipagrelasyon, I thought na everything na ginagawa niya sa akin is normal lang sa isang magkarelasyon. Smooth ang relationship namin nung una, halos puro kilig at magaan lang lahat kasi she proved to me naman na deserve niyang ibigay ko sakanya lahat ng trust and love ko base sa effort and love na pinaparamdam niya. Siya ang naging captain sa relationship namin, naging sunud-sunuran ako hanggang magsama kami sa isang apartment sa u-belt noong college para daw hindi na ako ma-mroblema ng pamasahe ko everyday, dahil yung kinikita ng talyer sa casino lang dinadala ni papa. Siya nagbayad ng apartment kasi hindi naman kami mayaman, answered prayer nga ng maging valedictorian ako ng highschool kasi wala akong binayaran sa college .Si kuya tumulong sakin para makapag-aral dahil yung sahod ni mama sa bahay napupunta. Nang mag-asawa si kuya kailangan ko magworking student pero hindi pumayag si mhadz kasi daw baka daw may makilala kong iba at iwan siya. Naghati kami ni mhadz sa allowance na pinapadala ng parents niya kasi... sobra naman. School at apartment lang ako lagi kasi seloso si mhadz kaya wala din akong kaibigan dahil kahit babae pinagseselosan niya hanggang sa makagraduate kami at nag-katrabaho. Same company pa din. Doon siya nagsimulang magloko. Every other month siguro may iba siya pero hindi ko naman nakikita. Nahuhuli ko lang sa text at chat pero kapag sinisita ko siya,ako pa ginagawang punching bag kaya kahit may babae siya,hinahayaan ko na siya kasi hindi din ako nakakapasok kapag nag-argue kami dahil kailangan ko pa pagalingin yung mga pasang gawa niya. Pero as her partner,pinagsisilbihan ko pa din siya kahit magkaaway kami cause thats my responsibility daw, hanggang sa mapagod na ko. Wala na kaming pakielamanan, natuto siyang magdrugs kaya lalong naging delubyo buhay ko sakanya. Tumagal ng ilang months 'yon until one night nagpaalam ako sakanyang dadaan muna ako ng biñan para magdala ng groceries sa bahay, e nakipagkita si mama sa festival mall dahil mas kailangan daw niya ng cash kasi may babayaran daw siya, maaga kong nakauwi ng apartment at nakita ko pa yung mga pinaggamitan niya sa salas para sa bisyo niya, narinig ko na may umuungol na babae kaya nagmadali akong pumunta sa kwarto at binuksan ang ilaw and then ....ayon na nga may ka-kemehan siyang iba, imbis na sila palayasin ko, sinaktan pa ako ni mhadz kaya umalis na ko that night at nagsimula ulit mag-ipon.
Nagpalipat-lipat na ako ng bahay para hindi niya ako mahanap kasi kampi sakanya si papa na binibigyan niya din ng supply.,halos mabaliw ako non kasi paulit-ulit na nagf-flashback sa akin yung scene na yon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naglibang ako and ginawa kong busy sarile ko. Nag-apply ako sa iba at sakto may gym sa building na pinapasukan ko kaya nag-gym ako, until makilala ko si daryl na tatay ni miyah. Siya tumulong sa akin magpalipat-lipat ng apartment everytime na nahahanap ako ni mhadz, hanggang manligaw siya pero hindi ako pumayag, hindi siya sumuko at nangulit pa din and then one day uminom kami,hindi ko nga alam kung bakit ako lang lasing non hanggang kinabukasan nagising na lang ako na magkatabi kami sa isang kwarto,na nakakumot lang. Nagalit ako sakanya, nasampal ko siya ng paulit-ulit pero tinanggap niya mga sampal at hampas ko. Akala ko hindi mabubuo kasi first lang naman pero ang bilis makipagmeet ng eggcell ko,kaya ayon nagkaron ng miyah." - dere-deretso kong kwento.Nakatitig lang siya sakin habang nagsasalita ako. Naramdaman ko na ang balik ng alak kaya nilapag ko na ang can sa center table tsaka sumandal sabay pumikit
" what if i court you? sasagutin mo ba ko?" - tanong niya.
" sasagutin agad? actually hindi ako naniniwala sa ligaw. Kung gusto natin isat-isa at kaya mong tanggapin si miyah edi tayo na." - nakapikit na sabi ko
" i like you miane and i want you to be mine, magsimula tayo, magsimula tayo ng panibagong page" -sabi niya
" wala bang bago? narinig ko na kasi yan." -nakapikit kong sabi sabay naramdaman ko ang lips niya na dumampi sa labi ko.
She kissed me and i kiss her, mabagal lang na parang walang hinahabol.Hindi kami nagmadali na pinapakiramdaman ang bawat galaw ng labi namin, nagkusang gumalaw ang labi ko ng maramdaman ang malambot niyang labi . Mainit ang hangin na lumalabas sa ilong at bibig niya. Napalunok ako ng hawakan niya ang left cheek ko at dahan-dahan ginapang sa likod ko ang kamay niya para tanggalin ang hook ng bra ko. Nakaramdam na ako ng sobrang init kahit ang lakas ng aircon