Dj's POV
Simula ng gabi na nakita ko si miane,sobrang laki na ng changes sa daily routine ko. Before mas gusto kong kasama ang dalawang tuks para mag billiards, uminom kahit hindi ko trip,mag-vape para maging astig din like them, pumunta ng bar para may makilalang babae hanggang dumaloy na alak sa katawan ko at makaramdam ng init tsaka dederecho ng hotel just to make a one night stand.If na-enjoy ko yung moment,ako na mismo kumukuha ng number para maging sexmate . But if not,umuuwi na ako para makipagchat,makipag-aningan sa mga nakilala ko sa social media . I have a fling in my dummy account right now, for pass time lang and siguro ganon din siya sa akin cause she's already married. Im sure naglaho na siya kasi 2weeks ko ng hindi binubuksan ang dummy account ko.
Its been 2weeks, 2weeks spending time with miane, 2weeks na walang social media, 2weeks na coffee lang, ayos na. 2weeks na nabago lahat in one snap. I celebrated my birthday , christmas and new year with her, kasama family niya sa pangasinan.Ginawa namin na manila to laguna lang ang manila to pangasinan. It took 4 hours para makarating ng pangasinan from condo. Magkasama kami bumabalik ng manila every day kasi may pasok pa din siya last week and since first day of the year at holiday pa din, Kailangan kong maunang bumalik ng manila para makipagkita kay rave and zy kahit ayoko, pinilit ako ni miane kasi tunog ng tunog ang phone ko sa pangungulit ng dalawang tuks , parang siblings na din kami kung magturingan. Si rave ang parang kuya namin while si zy is butch din, 3years gap namin kay rave. Si zy ang parang bestfriend ko since highschool. Si rave nakipagclose sa amin nung college after nila magbreak ng ex ko.
Pag dating ko ng condo, malinis na, nagluluto na din ng dinner si yaya na galing din ng probinsiya
Nilapag ko ang gitara ko sa couch sabay niyakap si yaya habang nakatalikod.
" how's vacation yaya ? na-miss ko luto mo " -bungad ko tsaka kumuha ng pot holder, tinanggal ang takip ng nakasalang.
" Aba'y mukhang ang saya mo't hindi mapawi ang ngite sa magkabilang pisnge mo ? " -nakatitig na tanong ni yaya,inayos pa niya ang salamin niya para lang makita ng maigi ang mata ko.
Tumalikod ako na pilit tinatago ang ngite sa aking labi tsaka naglakad papasok ng kwarto para ihanda ang isusuot ko.Nilapag ko sa kama ang v-neck plain white and cap na gift ni miane noong birtday ko tsaka pumunta ng bathroom.
" jemica anak, nandine si kwan , si rave." - sabi ni yaya mula sa labas ng kwarto.
" palabas na po " - sabi ko sabay kinuha ang cap tsaka pumunta ng dining area.
" tuks whats up ?" -bungad ko sabay umupo sa bakanteng upuan. Nasa rightside ko si manang at nasa left naman si rave na sarap na sarap sa luto ni yaya .
Napahinto sa pagsubo si rave at yaya sabay tumingin sa akin na parang may malaking question mark sa ibabaw ng ulo nila, konti na lang, mukhang matutunaw na ako sa tingin nila.
" may dumi ba ko sa mukha?" - tanong ko sabay tumalikod at tumingin sa mirror.
" whats the meaning of that cap tuks ?" - tanong ni rave, Napangite ako .
"expressing myself, simple but cool. " - nakangiteng sabi ko sabay sinubo ang food na nasa spoon.
" ohww! simple but cool ? have you heard what your saying tuks? " tanong niya tsaka pinagpatuloy ang pagkain. Tumango ako at kumindat.
" hindi ba bagay ?" tanong ko kay yaya na kanina pa nakatingin.
" ahyy wala naman hindi bagay sa iyo,nakakapagtaka lang kasi anak dahil magmula ng maging bahagi ng iyong buhay si sab, hindi kita nakitaan ng sumbrero at magmula pagkabata mo ngayon lang kita nakitaan ng ganyang kwan na baro eeh -sabi ni yaya at inalis na ang tingin sa akin para ipagpatuloy ang pagkain. Si sab na ayaw akong magcap kasi baka daw masira ang aking buhok,kahit matagal na nag end ang relationship namin, nagkakasalubong pa din kami minsan sa hindi sinasadyang pagkakataon.
After namin kumain, nag-aya ng umalis si rave dahil naghihintay na daw si zy sa exklusiv bar na malapit lang sa tinutuluyan ko. Naglakad na lang kami ni rave papuntang adriatico. Habang naglalakad tinawagan ko muna si miane para kamustahin.
miane calling ..
" hello my queen -bungad ko, napatingen si rave sabay humampas ng mahina kaya napangite ako na labas ang ngipin.
" queen ka diyan, tse ! Napatawag ka ? akala ko ba may getog kayo ngayon?" -masungit na sabi niya
" namiss kasi kita agad e,hindi mo ba namiss ang voice ko? "-paglalambing ko na napapakagat sa ilalim ng labi kakapigil ng kilig.
" aysusss! naglalambing ang jemica dee? oo na , oo na. " -masaya niyang boses. Napahampas ako sa balikat ni rave bigla kaya nasamid siya sa usok ng vape niya , napatawa ko.
" sorry tuks" -bulong ko sabay nagpeace sign.
" what do you mean oo na? tayo na ?" -kinikilig kong tanong na halos di mapawi ang ngite ko na labas na ang ngipin.
" grabe siya oh, sa cellphone talaga? Expert na expert, ilan kaya kaming sinasabihan mo ng ganyan ? " -tanong niya ng biglang umiyak si miyah sa backround kaya nagpaalam na si miane habang pinapatigil sa pag iyak si miyah.
" ill call you later kapag nakatulog na si baby, oh pano? ingat ka diyan . Magtira ka ng space sa katawan mo para makauwi kang straight ang daan hehe. Sige na ." -paalam niya
" hehe sure my queen . bye . " nakangite kong pinindot ang screen ng phone ko. Iba talaga pag siya ang nakakausap ko. Parang gusto ng pumunta ng paa ko pabalik ng condo para kunin ang kotse tsaka lumipad papuntang pangasinan.
" tuks iba ah, Finally nahanap mo na ! im happy for you tuks !" -nakangiteng sabi niya sabay nakipag goosebomb .
" yah , after a long drive of my life " -sabi ko.
" saan mo siya nakilala? bakit pala naka-deactivate social media mo?" - tanong niya.
" somewhere down the road tuks,hehe " -biro ko .
" haha , putcha . Nakailan round ba kayo at nainlove ka agad ? Magaling ba ? "- tanong niya.
" gago walang ganon, ang hirap i-explain pero iba siya, ibang iba sa lahat ng nakilala kong babae." - napapangite kong sabi.
"panong iba? may buntot ba siya? baka ginayuma ka niyan haha ,may picture ka ba diyan?" - sabay kapa niya ng cellphone ko sa pocket ng jeans ko. Nakarating kami sa harap ng exklusiv bar sa malate na pilit niya kinukuha ang phone ko sa pocket pero di ko binigay baka masira pa diskarte ko dahil nagkaron na din kami ng isyu ni rave before kay sab, sikat si rave sa university as a varsity player and model . In short hearthrob talaga.Tall,white and handsome kung i-describe siya. Pareho kaming may chinese blood kaya singkit kami, pareho din dee surname namin pero ahead siya ng 3years sa akin. Nakukuha niya ang gusto niya in one snap dahil spoiled siya kay tita, sa ngayon meron ng dalawang asawa si rave kaya medyo bumait na ng slight.
" alright, alright .Hindi na kita pipilitin, ipakilala mo sa akin yan, kapag naging kayo ok ?" - sabi niya sabay pitik sa harap ng cap ko. Ngumite ako at inangat ng konti ang cap ko tsaka kami naglakad papasok sa loob .
----