Alay Lumapit sa akin si Reynard at hinila ako palayo doon. Ang lalaking kasama nya ay nakita ko pang umiling bago umalis sa lugar. "Reynard, tinatanong kita?" Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin sya. Tumitig ako sa kanya. Prinsipe? Sinong prinsipe? Sya ba?! "Ikaw ba ang prinsipe?!" Pumikit sya nang mariin at muli akong hinila. Pumiglas ako pero sadyang malakas sya at nagawa nya pa akong isakay ng sasakyan. "Ano ba? Bakit hindi mo masagot ang tanong ko? Prinsipe ka?!" Hinawakan nya ang dalawa kong kamay. Huminga sya ng malalim. "Hindi ako prinsipe. Mayroon lang issue ngayon ang Royal Family," sabi nya at hinalikan ang kamay ko. "Eh, sino yung kasama mo kanina? Bakit may narinig akong 'hindi nya dapat malaman na prinsipe ako'? Sino ang prinsipe, Reynard?" tanong ko, halos

