Warning! SPG Alert! Tapat Ang lakas at bilis ng t***k ng puso ko habang papunta kami sa falls. Pero kahit ganoon ay buo na ang desisyon ko, sa lalaking ito ko lang ibibigay ang sarili ko. Kung hindi sya ay hindi na kahit kailan. "Bakit sa talon mo pa ibibigay? Pwede namang sa bahay nyo na lang," sabi nya habang inaalalayan ako dahil maputik ang daan. Eh, hindi naman pwede doon. Maraming istorbo tsaka baka mahuli kami. "Basta espesyal iyon kaya dapat ikaw lang ang makakakita," sabi ko at kinindatan sya. Kita ko ang paglunok nya. Gets kaagad ang sinabi ko. Kakaiba rin talaga ang lawak ng pag-iisip ni Manong. Pagkarating sa talon ay nakatitig lang sya sa akin na parang hinihintay ang gagawin ko. Walang tao sa paligid at tanging mga halaman at mga ibon lang ang mayroon dito. Sinimulan

