Kabanata 7

2190 Words
Kabayo Nagngitian kami matapos nya akong halikan. Nakarami sya ngayong gabi sa akin, gusto ko naman! "Bye," sabi ko at bahagyang lumayo sa kanya. "Goodbye. Good night, Antoinette," sabi nya bago ako pinakawalan. Pinauna ko syang umalis dahil nasa tapat naman na ako ng aming bahay. Pinanood ko syang umalis nang malaki ang ngiti sa labi. Humikab ako nang makaramdam ng antok. Hating-gabi na pala. Tulog na kaya si papa? "Ang saya mo, ah!" sabi ni papa pagkapasok ko ng aming bahay. Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Isang gasera lang ang nakasindi at nakaupo sya sa mahabang naming upuan sa sala. "Papa! Gising pa kayo. Dapat ay natutulog na po kayo," sabi ko. "Sinisigurado ko lang na tumutupad sa usapan ang lalaking iyon. Matulog ka na at ako ay matutulog na rin," sabi nya at iniwan na ako roon. Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay dumiretso ako sa kama. Kahit inaantok ako ay hindi naman ako makatulog. Naaalala ko na naman ang 'stay with me' nya. Kinikilig ako, parang ayoko na ngang umuwi kanina at panindigan na lang yung pagsang-ayon ko sa 'stay with me'. Kaya kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Galit na galit na ang mukha ni Amelia at Ambrina. "Saan ka nanggaling kagabi tsaka sino yung lalaking gwapo na kumuha sa iyo rito? Sya ba ang nagbigay nyang salamin mo sa mata?" tanong ni Ambrina habang nakataas ang isang kilay. "Si Reynard, sya yung sinasabi kong kaibigan ko," sabi ko at pinagpatuloy na ang paghuhugas ng pinggan. "Bakit hindi mo ako pinakilala? Tsaka bakit hindi mo sinabing pupunta sya rito? Nadatnan nya tuloy tayong nag-aaway." sabi nya at namula ang pisngi. Teka! Wag mong sabihin na gusto nya si manong ko?! "Hindi ko naman alam na pupunta sya rito noong araw na iyon at hindi sya interesadong makilala ka," sabi ko at nginitian sya. "Anong sabi mo? Bakit naman sya hindi magkaka-interes sa akin? Mas maganda naman ako sa iyo at akong ang gustong-gusto ng mga kalalakihan sa bayan natin. Naalala mo si Mark na gustong-gusto mo noong high school tayo, nanliligaw sya sa akin ngayon. Siguro natatakot ka lang na kapag nakilala ako ni Reynard ay sa akin na mapupunta ang atensyon na binibigay nya sa iyo!" sabi nya at tumawa. Nagtagis ang bagang ko at nag-init din ang ulo ko. Totoo na lahat ng gusto ko noong bata kami ay sya ang nakakakuha at totoo ring natatakot ako na baka nga mawalan sya ng interes sa akin ng tuluyan kapag nakakilala na sya ng babaeng mas ang lahat sa akin. Pero pansamantala lang naman din ang meron kami ni Reynard. Kapag nandyan na ang nobya nya ay matitigil na ang kahibangan kong ito. "Sige, pupunta tayo sa kanya ngayon at ipapakilala kita para matigil na yang pinuputok ng butchi mo!" sabi ko at pinagpatuloy na ang ginagawa. "Mabuti, mag-aayos lang ako," sabi nya at nilubayan na ako. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Mabilis kong tinapos ang aking gawain at nag-ayos rin ng sarili pero hindi kagaya ng ayos na ginawa ni Ambrina. "Tara na," sabi nya. Nauna ako sa paglalakad patungo sa burol. Bago pa kami makarating ay naghulas na ang make-up nya sa sobrang init. Nagmuo na ang mga nilagay nya sa kanyang mukha. Nakarating kami sa may paanan at mabuti na lang bukas ang gate doon. Umakyat kami at pagkarating sa taas ay nadatnan namin si Selena na nagwawalis sa paligid. "Wow! Ang ganda naman dito!" sabi ni Ambrina at tinaasan ng kilay si Selena. Kaagad akong lumapit sa matandang babae na malaki ang ngiti ng makita ako. Nilayo ko muna si Ambrina. "Selena, nasaan si manong?" tanong ko sa matanda. "Natutulog pa sya. Nasa kwarto sya kung gusto mong puntahan," sagot nya. Tumango ako at bumaling kay Ambrina. "Dito ka muna. Tatawagin ko lang sya," sabi ko at mabilis na syang tinalikuran bago pa sya makapagprotesta. Kumatok muna ako sa pinto ng kanyang kwarto bago pinihit ang doorknob. Hindi iyon naka-lock kaya tuloy-tuloy ang pagpasok ko. Nakasarado ang mga bintana at nakapatay ang mga ilaw. Madilim sa loob ng kwarto pero sobrang linaw kong nakita si Reynard na nakahiga sa kama walang suot na pang-itaas at ang ibabang bahagi ng katawan ay natatakpan ng puting kumot. Nakadapa sya at nakayakap sa isang malaking unan. Tanghali na at ang sarap pa rin ng tulog ng isang ito. Umupo ako sa gilid ng kama at hinaplos ang hubad nyang likod. "Manong," mahinang tawag ko sa kanya. Hindi man lang natinag. Kaya lumapit ako sa kanyang mukha. Yun naman ang hinaplos ko. "Manong Reynard, gising na po. Tanghali na, may bisita ka," sabi ko at tinusok ang kanyang pisngi ng aking daliri. Wala pa ring epekto. Tumayo ako at nilagay ang kamay sa aking bewang. Paano ko ba ito gigisingin? Inalis ko ang kumot na nakatabon sa katawan nya at napasigaw ako sa nakita. Napatakip ako sa aking mukha at nag-init ang mukha sa kahihiyan. Bakit ko ba kasi naisipan na tanggalin ang kumot na iyon? Nakita ko tuloy ang pwet nya. "Ano, manang? Nagustuhan mo ba ang nakita mo?" rining kong sabi ni Reynard at naramdaman kong hinaplos nya ang hita ko. Napalayo ako sa kanya at tumalikod. "Bakit mo tinatakpan ang mga mata mo? Hindi mo pa nakikita yung nasa harap, siguradong mas magugustuhan mo iyon." sabi nya at humalakhak sya malapit sa tenga ko. Kinilabutan ako nang may maramdamang tumutusok sa may bandang pwetan ko. Ano iyon?! Yun ba yun?! Yun ba yung sinasabi nyang harapan? "You feel that, Antoinette? You are making me this f*****g horny," bulong nya sa akin at mas lalo pa akong diniin sa kanyang hubad na katawan. Ano bang ginagawa nya? Naghihintay si Ambrina sa labas. Napatili ako nang bigla nya akong buhatin at ibagsak sa kama. Pumaibabaw sya sa akin at hinalikan ng mariin ang labi ko. Ang mga kamay ko ay inipit nya sa kama gamit ang kamay nya. Mapusok ang halik nya na sinuklian ko rin. Sa sobrang daming beses nya akong hinalikan kahapon ay natuto na akong sabayan sya. Bumaba ang halik nya sa aking panga pababa sa aking leeg. Bumigat ang paghinga ko at itinagilid ang aking ulo para mas mahalikan nya ako roon. Mas lalong naging sensitibo ang balat ko roon ng pati ang dila nya ay kasama na ring lumalandas doon. "Reynard," tawag ko sa kanya ng maramdaman ko ang dila nya na nasa collarbone ko. Binitawan nya ang isa kong kamay at humaplos ang malaya nyang kamay sa aking tiyan. Shit! Kailangan ko syang pigilan habang nasa matino pa akong pag-iisip. "Reynard. Stop," sabi ko pero kulang sa conviction. Nilihis nya ang shirt ko hanggang sa itaas ng aking dibdib. Kita na nya ngayon ang itim kong bra na tinatakpan ang dalawang maliit kong bundok. Napadaing ako ng haplusin ng mainit nyang kamay ang aking dibdib na may bra pa. "Reynard." Binaba nya ang isang cup ng bra ko kay lumitaw ang isang kong n****e na kaagad nyang sinubo kaya napasinghap. "Reynard! Anong ginagawa mo?! s**t ka!" sabi ko at mas lalo pang napadaing ng kagat-kagatin nya iyon. Hindi ko namalayan na ang isang kamay nya ay nasa loob na rin ng bra ko at pinipisil ang isang dibdib ko. "s**t! Reynard! Kapag may nangyari sa atin dito, hindi na ulit ako magpapakita sa iyo!" sigaw ko at napadaing sa sarap ng ginagawa nya. Kaagad syang huminto at napatingin sa akin. Mabilis kong inayos ang bra ko at binaba ang damit ko pagkatapos ay tinulak sya para makaupo ako. "Nasa labas ang stepsister ko, hinihintay nya tayo," nanginginig ang boses ko habang sinasabi iyon. Shit! Muntik ng may mangyari sa amin! "Anong ginagawa nya rito?" sabi nya at hinaplos ang hita ko. "Gusto ka raw nyang makita. Kaya lalabas na ako, mag-ayos ka na at sumunod," sabi ko at tinulak sya para makatayo ako. Lumabas ako ng kwarto at huminga ng malalim. Habang naglalakad palabas ng bahay ay hinawakan ko ang aking dibdib at hinaplos ang aking leeg. Ramdam na ramdam ko pa rin ang mga halik nya sa akin lalo sa ginawa nya sa aking dibdib. "Bakit ang tagal mo? Nasaan na si pogi?" tanong sa akin ni Ambrina pagkakita nya sa akin. "Kakagising lang nya. Lalabas na din iyon maya-maya," sabi ko at umupo sa upuan sa may garden. May juice na nakahanda doon na kaagad kong ininom. Nakakatuyo ng lalamunan at utak ang nangyari kanina. Hinding-hindi ko na ulit sya gigisingin. Lumabas si Reynard at lumapit sa amin. Colored shirt at isang maong short ang suot nya. Nag-iwas ako ng tingin nang makita ko ang ngisi nya. Umupo sya sa tabi ko at binati si Ambrina na kitang-kita ko ang pag-ayos sa sarili. "Ikaw ba ang malditang stepsister ni Antoinette?" tanong ni Reynard na ikinagulat ko. "Ha?" gulat na sabi ni Ambrina. "Bakit mo gusto mo akong makita? Handa ka na bang pagbayaran ang ginawa mo kay Antoinette?" tanong ulit ni Reynard na matalim ang mga matang nakatingin kay Ambrina. Bakit pa ako nagulat na ganito sya? Masungit nga pala itong si Manong. "Gusto ko lang namang makilala ang kaibigan ni Antoinette. Wala naman akong balak makipag-away. Tsaka ayos na kami ng kapatid ko," sabi nya at tumingin sa akin na pilit ang mga ngiti. Tumingin rin sa akin si Reynard at bigla akong kinabahan. Iba naman kasi ang naiisip ko kapag tumitingin sya. "O-Oo, ayos na kami," sabi ko at iniwas ulit ang tingin ko sa kanya. "Hindi ba? Sabi ko sa iyo," sabi ni Ambrina. Tumango lang si Reynard. "Ano bang kailangan mo at gusto mo akong makita? Kung hindi importante ang dahilan ay makakaalis ka na," sabi ni Reynard. Gusto kong matawa sa reaksyon ni Ambrina pero kaagad syang ngumisi kaya kumunot ang noo ko. "Alam mo Reynard, noong una kitang makita ay talagang pamilyar ka sa akin. May alam ka ba tungkol sa Royal Family? Tungkol sa pitong prinsipe?" tanong ni Ambrina. Napaayos ng upo si Reynard at tumikhim. Tumingin sya ng masama kay Ambrina at nagtiim ang kanyang bagang. "Meron naman," sagot ni Reynard. "Kung ganoon alam mong kapangalan mo ang ikalawang prinsipe. Gusto ko lang namang makipagkaibigan sa iyo, Reynard," sabi ni Ambrina. "Sige, kung 'yan ang gusto mo," mabilis na sabi ni Reynard na ikinagulat ko. Bakit ako noon ay ilang beses nyang pinagtabuyan? Ang unfair naman nito! Porke't may itsura lang itong si Ambrina. Ngumuso ako at iniwan sila doon. Pinuntahan ko ang artificial waterfalls kung saan nandoon si Lani. Tumingin sa akin ang kabayo, lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanyang ilong. "Bakit ganon ang amo mo? Kapag ako ay hirap na hirap syang paamuhin. Kapag magandang babae, ang bilis-bilis nya. Alam mo bang minanyak nya pa ako kanina. Hinalikan nya ako dito, dito at dito," sabi ko sa kabayo at pinagtuturo ang bahagi ng katawan kong nadampian ng labi ni Reynard. Pero kasi ang sarap naman ng ginawa nya. Halos mabaliw ako kanina at mawala sa sarili. Yung katawan ko parang may sarili utak at sinuway na ako. Paano kung talagang nawala na ako sa sarili kanina? Malamang ay hindi na ako virgin ngayon tapos malalaman ni Ambrina tapos sa sasabihin nya kay papa tapos magagalit sya at pipilitin kaming ipakasal ni Reynard tapos... tapos... "Hay! Nababaliw na ako Lani!" sabi ko sa kabayo. Iniwas lang ng kabayo ang tingin nya sa akin. Kahit kabayo ayaw na akong kausap. "Nandito ka pala." "Ay! Kabayo!" gulat kong sabi pagkatapos ay tumingin kay Reynard na kararating lang. Inirapan ko sya at umupo sa isang malaking bato na malapit sa puno. Sumunod sya sa akin pero hindi ko sya pinansin. "Galit ka?" tanong nya. Hindi ako sumagot. "Dahil ba sa ginawa ko kanina sa kwarto?" tanong nya ulit. Bakit ako magagalit tungkol doon? "Kung dahil doon ang inaasta mo ngayon ay sorry, hindi ko na napigilan ang sarili ko," sabi nya at lumapit sa akin. Napalunok ako at huminga nang malalim. May kung ano sa mga mata nya ngayon na hindi ko mapangalanan. "You're so beautiful, Antoinette," sabi nya at hinaplos ang hita ko. "Beautiful ka dyan, samantalang hindi ka makanda-ugaga kay Ambrina," sabi ko at inalis ang kamay nya sa hita ko. "So, yan pala. Pinaalis ko na sya. Selos ka pa," sabi nya at hinatak ako patayo. Hinapit nya ako sa aking bewang at hinalikan ng noo ko. "'Wag kang magselos," sabi nya. "Hindi ako nagseselos tsaka wala naman akong karapatan," malungkot kong sabi. "You have all the right, my Antoinette. Magselos ka lang at pagbawalan mo akong tumingin sa ibang babae, gagawin ko," sabi nya. Tumingin lang ako sa kanya. Parang nabunutan ako ng tinik sa sinabi nya. Sa mga salita nya pa lang ay tunaw na kaagad ang galit sa puso ko. Ngumiti ako. Sabay kaming napatingin kay Lani ng mag-ingay ito. Tumingin sa akin si Reynard pagkatapos ay ngumisi. "Gusto mong matutong mangabayo?" tanong nya na iba na naman ang dating sa akin. Kasalanan nya ito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD