Sakit Sa sobrang abala ko sa sarili ko ay hindi ko man lang nalaman na may New Year Ball pala na gaganapin bukas. Nalaman ko lang nang dalhin ni Selena ang isang magandang gown na kulay asul. "Ang ganda naman nito. Kasya kaya sa akin?" tanong ko at hinawakan ang damit. "Si Principe Reynard ang nagpagawa niyan. Ang alam ko ay minadali pa iyan para umbot sa araw na ito. Siya nga pala, kamusta ang bata sa sinapupunan mo? Hindi na ba kayo maghihiwalay ni Reynard?" Lumapit siya sa akin at ngumiti. "Ayos lang naman po ang baby namin, tsaka opo, hindi na tuloy ang divorce namin." Ngumiti ako. "Mukhang hindi ka naman malungkot na hindi na matutuloy ang divorce. Hindi talaga siguro iyon ang gusto ng puso," sabi niya at tumingin sa akin. Yumuko ako at ngumiti. Hindi nga ako mukhang problemado.

