Dagat Iminulat ko ang mga mata ko at ang unang-una kong ginawa ay hinawakan ang puson ko. Wala akong kasama sa kwarto, bumangon ako at tinanggal ang nasal cannula na nakakabit sa akin. Nilibot ko ang aking tingin sa hindi pamilyar na kwarto. "Reynard! Si Antoinette, dinudugo!" Bumalik sa akin ang alaalang iyon at kaagad akong nag-panic! Anong nangyari? Ayos lang ba ang baby?! Bumukas ang pinto ng kwarto at nagkatinginan kami ni Reynard na gulat ang mukha. Kaagad niya akong dinaluhan. "Yung baby? Anong nangyari sa baby?" natatarantang tanong ko habang hinihila ang damit niya. "Antoinette, calm down. Calm down." sabi niya at hinawakan ang mga kamay ko. "Ano? Sagutin mo ako?" Tumulo ang luha ko. "The baby is okay. Don't worry. Stop crying." sabi niya at pinunasan ang luha ko. Kumalm

