Kabanata 1

2013 Words
Magkita Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto kaya napabalikwas kaagad ako ng bangon. Luminga-linga ako sa paligid para kilalanin ang lugar, nanlaki ang mga mata ko ng makitang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok sa loob ang isang lalaking nakaputing shirt. "Salamat naman at gising ka na. Bumangon ka na dyan at umalis ka na. Sobrang abala ang ginawa mo sa akin," sabi niya. Napahawak ako sa tiyan ko nang bigla na namang iyong tumunog. Tumingin ako sa lalaki at ngumiti. "Pasensya na kung ganoon, Manong. Sobrang nanghihina na kasi ako kanina. Dalawang araw na akong hindi kumakain. Baka meron kang pagkain d'yan?" sabi ko at ngumiti nang malaki. "Manong?! Hoy, Manang! Bata pa ako para tawagin mong Manong. Hindi mo ba talaga ako kilala?" tanong niya at lumapit sa akin. Umiling ako. Bakit ba pinipilit niya? "Nagugutom na talaga ako. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako pinapakain," sabi ko at bumalik sa pagkakahiga. Nagtalukbong pa ako ng kumot, ang sarap naman sa higaan na ito! Lumabas siya ng kwarto, binagsak niya pa ang pinto at pagbalik niya ay may dala-dala na siyang pagkain. Bigla akong napatayo at napalapit sa kanya. Kulang na lang ay maglaway ako sa harap niya sa sobrang bango ng pagkain. "Kainin mo lahat yan at umalis ka na. O-orasan kita, dapat labinlimang minuto tapos ka ng kumain," sabi ni Manong at tumingin sa kanyang relo. "Ang bilis naman," reklamo ko. "Nagsisimula na ang oras mo, Manang," sabi niya. Kaya naman napatakbo ako sa lamesa kung saan niya nilapag ang mga pagkain. Mabilis kong kinain ang mga pagkain na hindi ko alam kung anong pangalan pero masarap. "Para kang baboy kumain," sabi ni Manong. Inirapan ko na lang siya dahil may oras nga ako. "Grabe wala pang labinlimang minuto ay ubos mo na ang mga pagkain. Taga-saan ka ba at parang hindi kayo kumakain sa pinanggalingan mo?" sabi ni Manong pagkatapos kong kumain. "Taga-Paz ako, 'yung bayan sa baba lang nitong burol," sagot ko at sinimut ang pinggan. "Taga-Paz ka?" sabi niya at lumapit sa akin. "Oo, ako si Antoinette. Ikaw taga-saan ka at anong pangalan mo?" tanong ko at siningkit ko ang mga mata ko para kahit papaano ay makita ko sya. "Ako si Prin--"  Umiling siya at nakita ko ang tipid nyang pagngiti. "Ako si Reynard, taga-rito ako sa burol at ako lang naman ang may-ari ng balon na kinuhanan mo ng tubig nang walang paalam," sabi niya at hinila ako patayo. Kinaladkad niya ako papalabas ng kanyang bahay. "Aray ko naman, Manong Reynard!" sigaw ko. Huminto kami sa may balon kung nasaan ang mga dala kong timba. May laman na iyon kaya napatingin ako sa kanya. "Ikaw ba ang nag-igib nito, Manong Reynard? Naku, salamat. Napakabuti mo naman," sabi ko at niyakap ang braso niya. Hinaplos ko iyon at naramdaman ang matitigas nyang muscles. Mukhang hindi pa nga talaga sya manong. "Bitawan mo nga ako," sabi nya at tinulak ako kaya napaupo ako sa sahig. "Aray ko! Ang sakit n'on, ah!" sabi ko at tinayo ang sarili. "Umalis ka na para makaalis na rin ako!" sabi niya at binigay sa akin ang dalawang timba. Makaalis? Eh, hindi ba dito ang bahay niya? "Saan ka naman pupunta? Pwedeng sumama? Ayoko pa sa bahay, eh!" sabi ko at binaba ulit ang timba. "Ha? Syempre sa Pala-- sa palayan." sabi niya at tinalikuran ako. "Magsasaka ka, Manong Reynard? O haciendero?" tanong ko at pinaharap siya sa akin. "Tigilan mo na ako, ang kulit mo! Umuwi ka na!" sabi niya at tinulak ulit ako sa mga timba. "Ayoko! Bakit mo ba ako pinapauwi? Siguro hindi mo naman talaga ito bahay? Magnanakaw ka, noh?!" sabi ko at dinuro siya. Hindi niya siguro inaasahan na makikita nya ako rito. Pero pinakain nya pa ako at pinatulog sa magandang kwarto ng ilang oras! Ano?! Ilang oras ba akong nakatulog? Lagot ako kay Ambrina! "Ginawa mo pa akong magnanakaw. Eh, ikaw nga, trespassing!" sabi niya. "Aalis na ako pero sa isang kondisyon." sabi ko at ngumusi. "Ano iyon?" inis nyang tanong. Tumingin ako sa puting kabayo na walang kamalay-malay pagkatapos ay sa kanya. "Parang hindi ko gusto iyang nasa isip mo. Hindi pwede! Umuwi ka na at iritang-irita na ako sa iyo," sabi niya at pinuntahan ang kanyang kabayo. "Suplado mo naman, Manong Reynard. Hindi ko naman kasi kayang buhatin iyong mga balde," sabi ko at nilapitan siya. Tinitigan niya ako at bumuntong-hininga. "Anong gusto mong gawin ko para umalis ka na?" tanong niya. "Buhatin mo iyong mga iyon." sabi ko at tinuro ang mga punong balde. May sinabi siya sa kanyang sarili na hindi ko naintindihan. Narinig ko pa yata siyang nagmura. Ang bad naman nito. "Halika na! Hanggang sa baba lang ng burol," sabi niya at binuhat na ang mga balde. Pumalakpak ako at sinundan siya pababa. Sobrang dulas ng daan at ilang beses akong napakapit sa mga sanga para hindi ako dumulas pababa.  "Sh*t! F**k!" sigaw ni Reynard nang madulas siya. Napatakip ako sa aking bibig para pigilan ang pagtawa. Basang-basa siya ngayon dahil sa natapong tubig at puno ng putik ang katawan niya. Mura siya nang mura kaya hindi ko na mapigilan ang malakas na pagtawa. "Anong tinatawa-tawa mo?! Kasalanan mo ito!" sabi niya at binalibag sa akin ang dalawang balde, buti na lang at naka-iwas ako. Hindi ko mapigilan ang pagtawa kahit pa masama na ang tingin niya sa akin. Napahinto lang ako at parang luminaw yata ang mga mata ko nang alisin niya ang kanyang puting shirt sa harapan ko. Nakagat ko ang labi ko, kakakain ko lang pero parang nagutom ulit ako ng pandesal. "Akala ko ba malabo yang mga mata mo? Parang nagustuhan mo yata ang nakikita mo?" sabi niya tsaka ngumisi. Umiling-iling ako at tumalikod. Hindi naman, ang panget kaya ng katawan niya. Ang tigas puro mucles parang ang sarap pisilin. Tumigil ka, Antoinette! Humarap ulit ako sa kanya at ganoon pa rin ang itsura ng mukha niya. "'Wag feeling, Manong. Maraming namamatay sa maling akala. Igiban mo ulit yan dahil hindi ko naman pwedeng iuwi yan ng walang laman," sabi ko at inirapan siya. "Igiban mong mag-isa yan. Bahala ka sa buhay mo," sabi niya at umakyat na ulit. Pinulot ko ang mga balde at sinundan sya. Bad trip naman ito! "Sandali, Manong! 'Wag mo akong iwan!" sigaw ko at sinubukan siyang habulin. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko namalayang may malambot pa lang parte ang inaapakan kong lupa kaya natapilok ako at muntik nang magdire-diretso pababa kung hindi lang ako nakakapit. Napadaing ako sa sakit ng paa. "Aray!" sigaw ko at sinubukang ikilos ang paa na natapilok. Napilay na yata. "Tsk! Bakit ba ang lampa mo?!" sigaw ni Reynard at nilapitan ako. Ginalaw niya ang paa ko kaya nahampas ko ang mukha niya. "Ano bang problema mo? Tinutulungan ka na nga nanakit ka pa," galit niyang sabi at tsaka sinubukan akong buhatin. Napakapit ako sa kanyang braso nang inaangat niya ako sa putikan. Kaagad kong naamoy ang bango niya. Hindi ko alam kung pabango niya ba iyon o natural niyang amoy? Tsaka, bakit ang bango niya pa rin kahit pawisan at puro putik ang katawan niya? Kahit malabo ang paningin ko ay alam kong gwapo itong si Manong. Masungit nga lang. "Bakit ka nakatitig? Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo?" biglang sabi niya kaya kaagad akong napa-iwas ng tingin. "Kapal mo naman. Malabo ang paningin ko kaya hindi ko nakikita," sabi ko at ngumuso. Dinala niya ulit ako sa bahay niya at pinaupo sa malambot na sofa. Umalis sya at iniwan ako roon. Masakit talaga ang paa ko at feeling ko hindi ko ito mailalakad ng ilang araw. Bumalik si Reynard na may dalang kung ano. Lumuhod siya sa harap ko at inangat ang paa ko. "Masakit, dahan-dahan naman!" sabi ko at sinamaan sya ng tingin. "Alam mo, itigil mo 'yang kakareklamo mo. Pasalamat ka at ginagamot pa kita ngayon kahit kasalanan mo naman ang nangyari sa iyo," sabi niya at sinimulang hugasan ang paa ko na puro putik. Tinikom ko ang bibig ko dahil tama naman siya. Pahiya ako doon, ah! Kainis! "Hindi ka napilay. Na-sprain ka lang, gagaling yan kaagad," sabi niya at binalot ng benda ang paa ko. "Salamat," mahinang sabi ko. Nakita kong nagsuot siya ng panibagong damit at natakpan na ang nakakaakit niyang katawan. Sayang naman. Umiling ako, ano ba ang nangyayari sa akin? Nababaliw na ako dahil pinagpapantasyahan ko ang masungit na Manong na ito. "Kaya mo bang umuwi nang mag-isa?" tanong niya. Umiling ako. Ano ba naman ito? Hindi ba obvious? "Anong oras na ba?" tanong ko. "Mag-aalas dos na ng hapon," sabi niya. Napabuntong-hininga ako. Yari na talaga ako sa bruhang mag-inang yun. Namumulok na siguro yung dalawa doon habang ako ay minalas na sinuwerte. Swerte dahil nakakilala ako ng gwapo at malas dahil sa nangyari sa paa ko. Sandali, sinabi ko bang gwapo si Manong? Hindi kaya! Nagulat ako nang bigla na naman niya akong buhatin at dinala sa labas. Lumapit kami sa may puti niyang kabayo. Sinakay nya ako ng patagilid doon at pagkatapos ay siya naman ang sumampa. "Hindi ako marunong bumalanse. First time kong sumakay ng kabayo. Baka malaglag ako," sabi ko at kumapit sa braso niya. "Relax ka lang, Antoinette. Baka hindi ka sa kabayo mahulog," sabi niya habang nakangisi. Noong umulan yata ng kakapalan ng mukha ay sinapo lahat ng lalaking ito. Ay hindi pala, silang tatlo nila Amelia at Ambrina ang nagtampisaw. Buti na lang ako ay tulog na tulog noon. Inirapan ko siya at sa kabayo na lang kumapit keysa sa kanya. Nang magsimula siyang palakarin ang kabayo ay muntik na talaga akong malaglag, nasabunutan ko na nga yata ang kabayo kaya bumalik ang kapit ko sa kanya. Bumalik rin ang mayabang niyang ngisi. Ang sarap niyang bigwasan! Dumaan kami sa mas magandang daan pababa. Kaya lang ay nasa kabilang dulo iyon ng burol kaya napalayo kami sa aming baryo. Mabilis kaming nakababa ng burol, nang nasa patag na mabagal na lang niyang pinalakad ang kabayo. Kapwa kaming tahimik, ramdam ko ang hininga niya sa aking batok at kinikilabutan ako roon. Parang sobrang bagal ng oras at pakiramdam ko ay kakapusin na ako ng hininga kung hindi ako makakalayo sa lalaking ito. Kahit malayo at malabo ang mga mata ko ay natanaw ko ang baryo namin. "Iyan na ba ang Paz?" mahinang tanong niya malapit sa tenga ko. Literal na nagtayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan. Bakit ganoon? Ang gwapo ng boses nya. "A-Ah, oo! 'Yan na nga," nauutal na sabi ko at nilayo sa kanya ang aking katawan. Naramdaman ko ang tingin niya sa akin kaya pinilit kong hindi siya tignan. Naiilang ako. "Antoinette?" tawag niya sa pangalan ko na nagpabilis ng t***k ng puso ko. "B-Bakit?" tanong ko at hindi pa rin soya tinitignan. "Namumula ka? May sakit ka ba?" tanong niya at hinawakan ang braso ko. "H-Ha? Wala, wala akong sakit. Paano mo naman nasabing may sakit ako?" sabi ko at tinignan ang kamay niyang tumataas mula sa braso ko patungo sa aking leeg. "Hmm, wala nga. Pero bakit namumula ka? Na-iinitan ka ba?" tanong niya at umakyat ang hawak nya patungo sa aking pisngi. "Reynard, lumayo ka." sabi ko at inalis ang kamay nya sa akin. Huminga siya ng malalim at lumayo na sa akin. Bumaba sya at tumingin sa aming baryo. "Sobrang luma ng baryo niyo. Napag-iwanan na ng Cordancia," sabi niya. Alam ko naman iyon pero wala naman akong magagawa. Masyadong sentimental ang mga tao rito. Hindi mabitawan ang mga matatanda ng bagay. "Reynard?" tawag ko sa kanya. Kaagad niya akong tiningala. Parang luminaw ang mga mata ko at naging malinaw ang mukha niya sa akin.  "Buti naman at tinawag mo ako sa pangalan ko. Hindi bagay sa akin ang manong at hindi rin bagay sa iyo ang manang," sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Ngumiti ako at tumango. "Salamat at tinulungan mo akong makauwi. Sana magkita pa tayo at maging magkaibigan na rin kahit suplado ka. Alam kong mabait ka talaga," sabi ko. Natigilan siya sa sinabi ko at kalauna'y ngumiti rin sa akin. "Ayoko nga," sabi niya at ngumisi ulit. Grrr. Ang sarap sakalin! Inalalayan nya akong bumaba at inabutan ng isang matibay na patpat. "Bumalik ka na sa baryo niyo, kung saan ka bagay. Kung magkikita tayo ulit, ang malas ko naman," sabi nya at sumakay na sa kabayo niya. Inirapan ko siya at naglakad nang paika-ika patungo sa aming baryo. Hindi pa ako nakakalayo ay nilingon ko ulit siya na nananatili sa kanyang pwesto.  Ngumiti ako sa kanya at kinawayan pa siya. Wala lang siyang reaksyon kaya tinalikuran ko na at tinuloy na ang paglakad. Sana ay magkita pa kami... **** Alam nyo ba na sa mga Ilocano, ang Manong ay kuya at ang Manang ay ate?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD