Bingi
Pagkarating ko sa bahay namin ay walang katao-tao. Nagtaka pa ako, malamang ay gumala na naman ang dalawa. Dumangaw ako sa bintana ng marinig ang malalakas na sigaw ng mga tao, tinatawag ang pangalan ko?
Napalabas ako ng wala sa oras. Bakit naman nila sinisigaw ang buong pangalan ko sa baryo? Kaloka!
"Papa!" tawag ko sa aking ama na mukhang aligaga.
Lumingon siya sa akin at mukhang napasukan ng sariwang hangin ang katawan niya ng makita ako.
"Antoinette, anak! Salamat sa Diyos at nandito ka na! Saan ka ba galing at pinag-alala mo kami ng sobra?" sabi niya at niyakap ako.
Bakit nakauwi na siya? Akala ko bukas pa ang uwi niya?
"Sa burol po ako nagpunta," sagot ko.
"Ha?! Ano naman ang ginawa mo roon? Hindi mo ba alam na bawal roon?" sabi niya at napatingin sa paa ko.
Sumama ang tingin niya sa akin nang makitang namamaga ang paa kong na-sprain.
"A-Ah, Papa nadulas po kasi ako pababa kaya ito po ang nangyari," sabi ko at nangamot ng ulo.
"Ano ba kasing ginagawa mo roon?" galit niyang tanong.
Dumating ang dalawang bruha na akala mo naman ay talagang nag-aalala sa akin. Umiling ako at bumuntong-hininga.
"Nag-igib lang po ako ng tubig sa may balon doon, ayoko ko na po kasi yung tubig sa poso dahil mabuhangin na po ang tubig," pagsisinungaling ko.
Tumingin ulit ako kay Amelia at Ambrina na nakataas ang kilay.
"Pero kanina pa daw umaga iyon, sabi ng iyong tita Amelia. Kaya nag-aalala na ako ng sobra. Ang sabi ni Ambrina ay umalis ka raw ng hindi nagpapaalam," sabi ng aking ama.
Ano? Eh, sila nga ang may kasalanan kung bakit ganito ang kalagayan ko ngayon. Pero ayos lang, nakakilala naman ako ng gwapo.
Pinakalma ni Papa ang mga tao at umuwi na kami. Tumawag siya ng manghihilot at ginamot ang paa ko. Nang hapong iyon ay nasa kama lang ako at busog na busog sa pagkain.
Habang nakatitig sa kisame ng aming bahay ay naalala ko na naman si Manong Reynard. Wala sa sariling napangiti ako at napayakap sa aking unan. Nandoon pa kaya siya bukas? Syempre naman, bahay niya iyon, eh.
Puntahan ko kaya siya ulit? Bigyan ko kaya siya ng regalo bilang pasasalamat? Ano naman ang ibibigay?
Napatayo ako at nakalimutan kong may sprain nga pala ako kaya napa-daing ako sa sakit. Tinakpan ko ang bibig ko dahil natutulog na ang aking ama.
Binuksan ko ang cabinet ko kung saan nakalagay ang mga ginawa kong pitaka na gawa sa abaka. Alam ko naman na hindi ito magugustuhan ng masungit na manong na iyon pero bahala na.
Pagkagising ko ay kaagad kong tinapos ang gawain ko. Kahit masakit ang mga paa ko ay ang sipag-sipag ko ngayon, basta excited ako.
"Saan ka na naman pupunta? Hindi ka pa nakakalakad ng maayos," sabi ni Papa.
"Pasasalamatan ko lang pa yung tumulong sa akin sa burol noong nadulas ako," sabi ko at ngumiti, sana pumayag siya.
"Kung ganoon ay kailangan kong sumama," sabi niya at akma nang tatayo sa kanyang upuan.
"Hindi na po, ako na lang po. Kaya ko naman po tsaka may mga ginagawa pa kayo," sabi ko at umiling-iling.
"Sus! Makikipagkita lang 'yan sa nobyo niya!" sabi ni Amelia at inirapan ako.
Tinaasan ako ng kilay ni papa at naniningkit ang kanyang mga mata.
"Hindi po iyon totoo, wala po akong nobyo," sabi ko.
"Eh, bakit ayaw mong pasamahin si Papa?" tanong ni Ambrina at tinaasan ako ng kilay pagkatapos ay ngumisi.
Napalunok ako, ayaw ko lang naman kasing malaman nila ang tungkol kay Reynard. Lalo na si Ambrina, paniguradong aagawin niya sa akin si Manong. Teka, bakit ganito ako mag-isip?
"Anak, nasa tamang edad ka naman na kung magkakaroon ka ng nobyo pero ipakilala mo naman sana sa akin. Hindi mo naman kailangang itago," sabi ni Papa at tumango-tango.
Kung magiging nobyo ko nga si Reynard ay napakamalas ko, ang bugnutin ng manong na iyon pero pwede na.
"Wala pa naman po akong nobyo papa. Tsaka bata pa po ako, wala pa po yun sa isip ko. Pero sige po kung magkakaroon ako ay kayo ang unang makakaalam," sabi ko.
"Sige, papayagan kita pero 'wag kang magpapagabi," sabi ni Papa.
Napapalakpak ako sa tuwa at niyakap siya. Ang Papa ko talaga ay napakabait, simula ng mamatay si Mama ay mas dumoble yata ang pagmamahal niya sa akin. Tsaka, kaya nga daw niya pinakasalan si Amelia ay para hindi ko maramdaman na may kulang sa akin pero hindi niya alam ay mas lalo lang pinalala ng dalawang ito ang pangungulila ko sa ina.
Nagsimula na akong maglakad paalis ng bahay dala ang regalo ko kay Manong. Sana lang ay nandoon siya. Inabot ng kalahating oras ang paglalakad ko dahil nga sa hindi ako makalakad nang maayos. Hindi man lang ako nakaramdam ng pagod dahil excited akong makita ulit sya.
Bigla akong nanlumo ng makitang may sara na ang daan paakyat sa burol. May gate na iyon at parang ginawa ang daan paakyat. Sinubukan kong buksan ang gate para makapasok pero may padlock at kadena ito.
Paano na? Baka wala siya dito, baka umalis siya. Sayang naman ang pagod ko. Kailangan ko pang magpalipas ng hapon dahil mainit na sa daan.
"Anong ginagawa mo rito, Manang?"
Nabuhayan ako ng loob ng marinig ang boses na iyon. Nakita ko siya, nakakunot ang noo habang nakasakay sa kanyang puting kabayo.
"Manong!" tuwang-tuwa kong sabi.
Lumapit ako sa kanya ng paika-ika.
"Bakit ka pa bumalik rito? Tignan mo nga iyang sarili mo! Umuwi ka na," sabi niya bago pa man ako makalapit.
Tinalikuran na niya ako at akmang papatakbuhin ang kabayo ng sumigaw ako.
"Sandali! Sandali lang naman! Nandito na nga ako, pauuwiin mo pa ako. Ang sama mo talaga. May gusto lang naman akong ibigay," sabi ko.
Napatingin ulit sya sa akin at bumaba sa kanyang kabayo.
"Ano iyon? Dalian mo at nagmamadali ako," sabi niya.
Nilabas ko ang dala kong pitaka at inabot sa kanya. Kinuha naman nya iyon ng nakakunot ang noo.
"Ano ito?" naiinis na tanong nya.
"Pitaka. Pasasalamat ko sa iyo dahil tinulungan mo ako," sabi ko at nahihiyang ngumiti.
"Aanhin ko 'yan?" tanong niya ulit.
"Lalagyan ng pera," sagot ko.
"Hindi ko ito kailangan," sabi niya at binato iyon sa akin.
Nag-init ang ulo ko at binato sa kanya ang pitaka. Tumama iyon sa kanyang ulo kaya masama ang tingin nya akong binalingan.
"Wala kang kwenta!" sigaw ko sa kanya.
"Anong sabi mo?!" galit niyang sabi at lumapit sa akin.
"Ang sabi ko wala kang kwenta! Wala kang kwenta! O, ano? Isang ulit pa? Wala kang kwenta!" sigaw ko sa kanya, hindi nagpasindak sa matatalim niyang tingin.
"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan, hindi mo nga talaga ako kilala!" sigaw niya at hinawakan ng mahigpit ang isang braso ko.
"At wala rin akong pakielam kung sino ka pa! Ang sama-sama ng ugali mo, hindi mo man lang na-appreciate ang binigay ko. Bakit? Kasi hindi mamahalin? Pero pinaghirapan ko iyan at pinili kong bigay sa iyo!" sigaw ko sabay sa pagpatak ng luha ko.
Inalis ko ang pagkakahawak niya at tinalikuran na siya. Hindi na ako babalik rito, nag-aksaya lang ako ng panahon. Hindi pa ako nakakalayo ay may matitipunong bisig na pumulupot sa aking bewang.
"Patawad," mahinang sabi niya sa aking tenga.
Nahigit ko ang aking hininga at napahinto sa pag-iyak. Ano?
Humarap ako sa kanya. Naging malumanay ang mga mata nya. Tinaas niya ang kanyang kamay at pinunasan ang mga luha ko gamit ang kanyang mga daliri. Nagulat ako sa ginawa nya at kusang napalayo. Ang lakas ng kabog ng dibdib at hindi ako makahinga nang maayos.
"A-Anong sabi mo?" tanong ko.
"Ang sabi ko patawad, malabo na nga ang paningin mo, bingi ka pa," sabi niya at tinalikuran ako.
Grabeng humingi ng tawad ang taong ito, tagos sa puso at siya pa ang galit.
"Bakit ka ganyan? Wala ka bang magulang? Kulang ka sa aruga," sabi ko at inirapan sya kahit hindi naman nya pansin.
Hindi niya ako pinansin, nakatingin lang siya sa bagong gawang daan paakyat ng burol. Kaya tumingin na lang din ako doon.
"Hindi ka pa pwedeng dumaan dyan, kagagawa lang n'yan," sabi niya at tumingin sa akin.
Naningkit ang mga mata ko at ngumisi sa kanya. Lumapit ako at tinusok ang tagiliran nya.
"Eh, bakit mo pinagawa? Siguro gusto mo pa akong bumalik, no?" sabi at mas lalo pang lumaki ang ngisi ko nang makita ang pagpula ng tenga nya.
"Ikaw na ang nagsabi na maraming namamatay sa maling akala kaya baka mamaya patay ka na sa mga akala mo," sabi niya at lumayo sa akin.
"Eh, para kanino 'yan? Ako lang naman ang dumadaan d'yan tapos may daan ka naman doon sa kabila. Bakit ayaw mo pa kasing aminin na para sa akin yan? Para hindi na ako mapilayan at mahirapan sa pag-akyat, para lagi na akong makakapunta sa iyo, Manong," sabi ko at ngumiti.
Namula ang buong mukha nya at iniwas ang tingin sa akin. Tinaas ko ang kamay ko para mahawakan ang leeg niya pero mabilis niya iyong dinapig.
"Lumayo ka nga sa akin. Naiirita na ako sa iyo, ha!" sabi niya.
"Aminin mo muna."
Tinitigan niya ako sa mga mata kaya ako naman ang nag-iwas ng tingin.
"Paano kung sabihin kong 'oo'? Na para sa iyo nga yan? Anong gagawin mo?" sabi niya at lumapit sa akin ng unti-unti.
Nanlaki ang mga mata ko at umatras.
"W-Wala, edi, araw-araw kitang bibisitahin," sabi ko.
Napatili ako ng bigla nyang hilahin ang kamay ako at pinalupot ang kanyang braso sa aking bewang.
"Bakit araw-araw mo akong bibisitahin? Ano ba kita?" mahinang sabi nya at mas lalo pa akong hinapit.
Ramdam ko na ang init ng katawan nya at ang mabango nyang hininga sa aking pisngi.
"K-Kaibigan?" sagot ko sa tanong niya.
"Hmm. Kaibigan? Magkaibigan lang tayo?" tanong niya.
"Ano bang gusto mo-- ah, eh, ang ibig kong sabihin, ano ba sa tingin mo?"
Wala na ako sa tamang pag-iisip. Ano-ano na ang sinasabi ko. Magkaibigan lang, Antoinette. Magkaibigan.
"Manong Reynard, nakahanda na ang hapunan n'yo," sabi ng isang matandang lalake na basta na lang sumulpot.
Naitulak ko si Reynard at doon lang ako nakahinga ng maayos. Narinig ko ang mahinang halakhak ni Reynard bago sya bumaling sa matanda.
"Susunod na kami," sabi ni Reynard sa matanda pagkatapos ay binalingan ako na hindi makatingin sa kanya.
"Uuwi na ako, Reynard," sabi ko at tinalikuran sya pero hinila nya ulit ako. Hila naman ito nang hila.
"Sinong may sabing uuwi ka na?" tanong niya.
"Ikaw, pinapauwi mo na ako, hindi ba?" sabi ko.
Nakagat niya ang labi niya at nag-iwas ng tingin na para bang iniisip nang mabuti kung ano ang susunod na sasabihin.
"Marami akong pinahandang pagkain," sabi nya at kinamot ang batok.
"E'di, kanin mo lahat iyon. Bawal magsayang ng pagkain. Sige, una na ako," sabi ko at inalis na ang pagkakawak nya.
"Sandali, hindi ka pwedeng umalis. Hindi ko iyon mauubos lahat. Kung ayos lang sa iyo..." sabi niya at kinagat ang ibabang labi.
"Ano?" sabi ko at ngumisi.
Huminga siya ng malalim at tumingin ulit sa mga mata ko.
"Kung ayos lang sa iyo pwede bang sabay tayong kumain?" hirap na hirap na sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Uuwi pa rin ako," sabi ko at lumayo sa kanya.
"Wait lang. Please, Antoinette. F**k, ngayon lang ako nagmakaawa sa isang babae," sabi niya.
Lumaki ang ngiti ko.
"Okay, kaya mo naman pa lang magsabi ng 'please'," sabi ko at lumapit sa puti niyang kabayo.
Binuhat niya ako at sinakay sa kabayo pagkatapos ay siya naman ang sumakay. Pinalupot niya ang kanya isang braso sa aking bewang at ang isa nyang kamay ay nakahawak sa tali ng kabayo.
"Humawak kang mabuti, kailangan nating bilisan dahil baka lumamig ang pagkain," sabi nya.
"Sus! Excited ka lang maka-date ako, eh," biro ko.
"Kung hindi ka kakapit ay baka hindi ka na umabot ng buhay sa pagkain," sabi niya at pinatakbo na ang kabayo.
Hindi nga sya nagbibiro, ang bilis ng patakbo. Napakapit tuloy ako sa kanyang braso. Narinig ko ang halakhak niya. Napapikit ako at naramdaman kong may humalik sa tenga ko, hindi ko alam kung imagination ko lang ba iyon o nababaliw na ako dahil mabilis na umakyat ang kabayo sa burol.
"Dahan-dahan naman, Manong. Hindi ako sanay sumakay ng kabayo!" sabi ko at kinurot ang kanyang braso.
Humalakhak siya.
"Antoinette?" tawag niya.
"Bakit?"
Dumaan sa matarik na parte ang kabayo kaya napatili ako sakto namang may sinabi siya.
"Ang cute mo," mahinang sabi niya na hindi ko naintindihan dahil sa pagsigaw ko.
"Ha?" tanong ko at tumingin sa kanya.
Nakangiti lang sya at diretso ang tingin sa daan.
"Wala, bingi ka talaga!" sabi niya habang nakangiti ng malaki.
Hmmm, may sinabi siya, eh!