Kabanata 3

2174 Words
Please Ang akala ko ay sa loob ng bahay nya kami manananghalian pero nilagpasan lang namin iyon at pumunta sa isang magandang garden na hindi ko alam na meron pala rito. "Wow! Pinaghandaan mo talaga ang date natin," sabi ko pagkatapos nya akong tulungang makababa sa kanyang kabayo. "Kakain lang tayo dito hindi magde-date. Kung magde-date tayo hindi kita rito dadalhin," sabi nya na halos pabulong na ang huling pangungusap kaya hindi ko naintindihan. Tumango na lang ako sa sinabi nya, baka masabihan na naman akong bingi. Dinala nya ako sa isang pabilog na lamesa na may maraming iba't ibang klaseng pagkain na mukhang masarap. "Ang sarap naman ng mga ito. Luto mo ba ito o binili mo?" tanong ko at binalingan sya. "Pinaluto ko ang mga iyan sa kusina na ng Pal--" Napahinto sya at nag-iwas ng tingin. Tumikhim sya. "Pal? Anong pal?" tanong ko. Hindi nya ako sinagot at naupo na lang. Nagsimula na syang kumain, dire-diretso iyon at halos walang oras para makapagsalita. "Gutom na gutom ka? Hindi mo man lang ako inaya," sabi ko at umupo sa tabi nya at nakikain na rin. Ang mga pagkaing ito ay matatamis ang lasa, kakaiba pero masarap. May mga desserts pa na matagal ko ng gustong kainin kaya hindi ko pinalampas ang pagkakataong ito. "Ang sarap!" sigaw at biglang napahinto sa pagsubo ng mapansin kong hindi nakumakain si Manong Reynard. Umiinom na lang sya ng peach juice at pinapanuod ako. Bigla akong nahiya kaya naibaba ko ang aking kutsara. "Tapos ka na?" nahihiyang tanong ko. "Busog na ako. Actually, nagpaluto talaga ako ng marami para sa iyo dahil alam kong malakas kang kumain," sabi nya at ngumisi. "Hindi naman. Ngayon lang kasi ako nakatikim ng ganitong mga pagkain kaya sinusulit ko. Salamat pala," sabi ko at ngumiti sa kanya. Napatitig sya sa akin kaya bigla akong nailang. Kumuha sya ng tissue at inalapit nya iyon sa bibig ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa iyon. Bakit sa tuwing lumalapit sya sa akin ay lumalakas at bumibilis ang t***k ng puso ko? At bakit kapag bumibilis ang t***k ng puso ko ay lumilinaw ang paningin ko at kitang-kita ko na ang gwapo nyang mukha? "Ang dumi mong kumain, para kang bata," sabi nya at binaba na ang tissue. "S-Salamat," sabi ko at lumayo sa kanya. "Bakit ka lumalayo?" tanong nya at hinila ang kamay ko pero pinigilan ko sya. Ayokong lumalapit sa kanya. Nawawala ako sa sarili ko tuwing nalalanghap ko ang mabango nyang amoy. "Uuwi na ako, Reynard," sabi ko at tumayo. At dahil sa pagmamadali ko ay nakalimutan kong masakit nga pala ang isa kong paa. Muntik na akong natumba pero nasalo nya ako at tumama ang mukha ko sa matigas nyang dibdib. Sinubukan ko syang itulak palayo pero mas hinapit pa nya ako. Mas lalo tuloy lumakas ang t***k ng puso ko kaya bumilis ang paghinga ko. "Reynard, bitiwan mo ako," sabi ko at iniligay ko ang mga palad ko sa kanyang dibdib para maitulak. "Bakit kita bibitiwan? Ayoko nga, dito ka lang," sabi nya sa may tenga ko. "Please, may nangyayari kasi, eh," sabi ko at iniwas ang aking mukha sa kanya. "Hmm, ano naman ang nangyayari?" tanong nya at mahinang humalakhak. "M-May nangyayari sa aking kakaiba," nauutal na sabi ko at hinawakan ang aking dibdib. Napatingin sya roon pagkatapos ay sa akin. Ngumisi sya at hinaplos ang mukha ko. "Paanong kakaiba?" sabi nya at inilapit ang mukha sa akin. "Reynard," wala sa sariling tawag ko sa pangalan nya habang hinahaplos nya ang labi ko. "Anong kakaiba sa nararamdaman mo, Antoinette? Bakit hindi mo sabihin sa akin?" tanong nya at naramdaman ko ang hininga nya sa aking ilong. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko at nagulat ako kung gaano kalapit ang mga mukha namin. Nakita ko ang titig nya sa mga labi ko kaya napatingin na rin ako sa kanyang malalambot na labi na parang... Na parang... "Manong Reynard, pwede ko na po bang iligpit ang pinagkainan nyo?" Pareho kaming nagulat ni Reynard nang bigla na namang sumulpot ang matandang ito. Lumayo kami sa isa't-isa at nag-init ang buong mukha ko. Ano bang nangyayari sa akin? Muntik ko ng mahalikan si Manong! "Ibalot mo na lang ang mga natira. Iuuwi ni Antoinette," sabi nya at tumingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at binalingan na lang ang matanda. Ano ba iyan? Crush ko na yata si Manong? "Pakibilis na lang po at uuwi na ako-" dahil baka kung ano pa ang mangyari sa amin ni Reynard. "Sinong may sabing pwede ka nang umuwi? Dito ka muna, samahan mo ako," sabi ni Reynard. "Hindi ako pwedeng gabihin kaya uuwi na ako," sabi ko. "Please," sabi nya at pinapungay pa ang mga mata. "O-Okay," sabi ko at tumango. Bakit ang cute nya? Kainis sya. Umalis sya sandalin kaya malaya kong napagmasdan ang buong paligid. Ang ganda naman sa garden na ito, ang daming iba't ibang klaseng bulaklak at halaman. Napahawak ako sa puso ko na ngayon ay kalmado na. Hindi naman ako tumakbo kanina pero bakit ang bilis ng t***k nito? Parang nawala tuloy ang mga kinain ko kanina. "Antoinette!" Eto na naman! Bumilis na naman ang t***k ng puso ko at hinabol ko na naman ang hininga ko. Ano bang meron sa akin? "Bakit?" Bumaling ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko ng tumambad sa akin ang katawan nya. Napanganga ako lalo na ng makita kong basa pa iyon at ang maswerteng patak ng tubig ay dumaloy sa perpektong mga bitak ng kanyang katawan. "Antoinette? Naku, sinasabi ko na nga ba. Dapat ay nagdamit muna ako. Nakita mo na naman ang katawan ko at nawala ka na naman sa iyong sarili. Tumutulo pa ang laway. Tsk!" sabi nya na nagpabalik sa akin sa tamang wisyo. Sinara ko ang bibig ko at pasimpleng pinunasan ang gilid non. Wala naman, eh! "Wag ka ngang feeling-ero! Bakit ka kasi nakahubad at basang-basang ka pa? Naakit tuloy ako," sabi ko at binulong ang huling pangungusap. "Pinapaliguan ko si Lani," sabi nya sabay pakita sa akin ng isang timba. "Sino si Lani?" tanong ko. "Yung kabayo ko. Samahan mo ako," sabi nya at lumapit sa akin para alalayan akong tumayo. May pangalan pala ang puting kabayo nya. Ngayon ko lang nalaman. Dinala nya ako sa isang parte ng burol kung saan may maliit na waterfalls. Muli na naman akong namangha sa lugar na ito, ano pa ba ang hindi ko nakikita rito? "Wag kang masyadong mamangha dahil artificial waterfalls lang yan. Kapag may pagkakataon, dadalhin kita sa tunay," sabi nya at nangamot ng ulo. "Talaga? Ipapasyal mo ako sa ibang lugar? Parang date?" tanong ko at nilapitan sya na kasalukuyang sinasabon ang kabayo. "Parang ganoon," sabi nya at pasimpleng ngumiti. Kahit hindi pa nangyayari ay excited na ako. Tinulungan ko sya sa pagpapaligo ng kabayo pero nadidistract ako sa katawan nyang parang nagliliwanag sa malabo kong paningin. Hindi tuloy ako maka-focus. "Antoinette? Hindi mo ba ako narinig?" sabi nya kaya naangat ko ang tingin ko sa kanya. "Ha? Ano?" Tumawa sya ng mahina. "Ang sabi ko, kanina pa tapos dyan sa side na iyan. Dito ka sa tabi ko para matapos na tayo," sabi nya. Hindi na ako makapag-trabaho ng maayos kapag nasa malayo sya tapos lalapit pa ako? Binuhat ko ang timba at mabagal na lumapit sa kanya. Huminga ako ng malalim at sinimulan ng kuskusin ang katawan ng kabayo. Nasa may bandang ulo sya nito at ako naman ay nasa may bandang likuran kaya medyo malayo pa rin ako sa kanya. "Hindi dyan, Antoinette. Dito muna tayo," sabi nya at itunuro ang parteng nililinisan nya. "Ayos na ako rito," sabi ko. Umiling sya at naglalakad papalapit s akin kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko. Pumunta sya sa likuran ko at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa brush habang ang isang kamay nya ay pumulupot na sa aking bewang. "Kung ganito kadiing magkuskos ay masasaktan si Lani, baka masipa ka nya. Dapat ay ganito lang, marahan at maingat," sabi nya malapit sa aking tenga habang ginigiya ang kamay ko. "O-Oo, kuha ko na. Ayos na, salamat," sabi ko pero hindi pa rin sya umalis sa likuran ko. Ramdam ko ang init nya sa aking likod tsaka parang may tumutusok na rin sa may bandang pwetan ko. Ano yun? Huminga sya ng malalim at hinalikan ng isang beses ang batok ko bago sya lumayo at bumalik sa dati nyang pwesto. Hindi na ulit nya ako pinansin hanggang sa nagpahanda na sya ng merienda doon sa matandang kasama nya. "Pagkatapos mong ubusin yang pagkain mo ay umuwi ka na," sabi nya nang hindi ako tinitignan. Ang sungit na naman, kanina ang bait-bait na nito. May tama yata sa utak ang isang ito! "Opo, mahal na prinsipe!" nakasimangot na sabi ko at inirapan sya. Natigilan sya sa sinabi ko. O, ano na naman ang ginawa ko?! "Anong sabi mo?" seryosong tanong nya. "Wag mong sabihing na-offend ka sa sinabi kong mahal na prinsipe? Excuse me, hindi ka pwedeng maging prinsipe. Ang sama kaya ng ugali mo, pabago-bago pa. Minsan mabait, minsan masungit. Ewan ko sa iyo!" sabi ko at sumubo na ng peach pie. Narinig kong bumuntong-hininga sya at pinagpatuloy na ang pagkain. Tahimik kaming dalawa pero panakaw-nakaw ako sa kanya ng tingin dahil hanggang ngayon ay wala pa rin syang suot na pang-itaas. Edi, sya na! Sya na ang may magandang katawan! Biglang sumagi sa isip ko na hindi ko pa pala sya masyadong kilala. Pangalan lang ang alam ko at kung saan sya nakatira. Pati naman sa akin ay wala pa syang alam. "Patay na ang nanay ko," biglang sabi ko at ngumiti sa kanya. Napatingin sya sa akin. Gulat ang mukha nya dahil sa sinabi ko. Ngumiti ako at dinagdagan pa ang sinabi. "Namatay sya noong bata pa lang ako. Buhay pa ang tatay ko at nag-asawa ulit sya. May stepmother ako at isang stepsister. Ang pangit ng ugali nila, parang ikaw. Kaya sanay na ako sa mga kagaya mo," sabi ko. Umirap sya, parang hindi naman nakinig sa sinabi ko. "Eh, ikaw? Anong kwento mo?" tanong ko at lumapit sa kanya. "Ano namang iku-kwento ko?" tanong nya nang hindi tumitingin sa akin. "Tungkol sa mga magulang mo rin. Para patas tayo," "Bakit ko gagawin iyon?" tanong nya ulit. "Sige na! Naisip ko lang kasi na wala pa tayong alam sa isa't-isa tapos nagde-date na tayo," sabi ko kaya napatingin sya sa akin. "Sinong may sabing nagde-date tayo. Pinakain lang kita, akala mo naman gusto na kita. Hindi ikaw ang tipo ko ng babae, naawa lang ako sa iyo kasi baka mahimatay ka na naman dyan," sabi nya. Ngumuso ako. Okay! "Hay! Ang dami-dami mong sinabi, nagtatanong lang naman ako tungkol sa buhay mo. Wag kang mag-alala hindi rin kita gusto, ang sama-sama kaya ng ugali mo. Baka naman pabayarin mo pa sa akin itong mga kinain ko?" sabi ko at tinignan sya. Tulala lang sya at mukhang malalim ang iniisip. Natahimik tuloy ako. Sumobra ba ako? "Patay na ang mga magulang ko," walang emosyon nyang sabi. Hindi ako nakapag-salita. Oh, okay. "Sorry," sabi ko at kinagat ang ibabang labi ko. "Kasama ko na lang ay ang mga kapatid ko. Namatay sila sa hindi maipaliwanag na dahilan," sabi nya at tumawa ng mapakla. "Pwede ba iyon? So, hindi nalaman kung sino ang pumatay sa mga magulang mo?" maingat kong tanong. "Nalaman pero galit pa rin ako," sabi nya. "Lahat naman ng tao may kinagagalitan. Ako, galit ako sa mga tao sa palasyo." diretsong sabi ko. Bigla syang napatingin sa akin ng seryoso. "Bakit naman?" tanong na may halong kaba? "Basta galit ako sa kanila pati na rin ang mga tao sa Paz. Isa na rin siguro sa mga dahilan iyon kung bakit hindi pa rin napapaunlad ang bayan namin. Walang nakakaalam o nakakakilala sa amin ng itsura nila. Ayaw ko na rin namang makilala, siguradong mamaliitin lang nila kami," sabi ko. "P-Paano mo naman nasabi iyan? Ikaw na ang nagsabi na hindi mo pa sila kilala tapos hinuhusgahan mo na sila," sabi nya. "Hindi ko na sila kailangang makilala para masabi kong hindi sila mabubuting tao sa ginawa nila noon!" sigaw ko sa kanya. "Ano bang ginawa namin sa iyo at galit na galit ka?!" sigaw nya na ikinagulat ko. Ano?! Namin? Anong ibig nyang sabihin? "A-Anong sinabi mo?" tanong ko at kinunot ang noo ko. Huminga sya ng malalim at biglang napaupo. "Wala. Ang sabi ko, ano bang ginawa nila sa iyo at galit na galit ka?" kalmadong sabi nya. Tumango ako. "Basta. Ayoko ng balikan iyon," sabi ko at tumayo na ako. Sinundan nya ako ng tingin. "Uuwi na ako," sabi ko at ika-ikang lumakad. "Sandali. Ihahatid na kita. Tsaka..." Huminga muna sya ng malalim bago tinuloy ang sinabi. "Punta ka ulit dito bukas. Please," sabi nya at nahihiyang ngumiti. Tumango ako at ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD