Like
"Dumadalas ang pagpapaalam mong aalis papuntang burol. Kahapon ay maghapon ka ng wala," sabi ni papa pagkatapos kong magpaalam sa kanyang pupunta na naman sa burol.
Nagbihis ako ng maganda dahil may pupuntahan daw kami ni Manong Reynard.
"Papa, kaibigan ko naman po ang pupuntahan ko tsaka mabait po 'yun lagi nya akong pinapakain ng masasarap na pagkain," sabi ko at ngumiti.
Hindi lang yung pagkain yung masarap, pati sya.
Lihim kong kinurot ang sarili ko dahil lason na lason na ang utak ko dahil kay Reynard. Hindi naman ako ganito dati.
"Lalake ba iyon o babae?" tanong ni papa na matagal bago ko nasagot.
"Ahm..." kinagot ko ang ibabang labi ko dahil kinakabahan ako na baka kapag nalaman nyang lalaki ang kinakatagpo ko sa burol ay hindi na nya ako pabalikin ulit doon.
"Lalake po," mahinang sabi ko.
Tumingin sya sa akin at kumunot ang noo.
"Kaibigan o nobyo?" seryosong tanong nya.
"Kaibigan lang po. Wala pa po akong nobyo," sabi ko habang umiiling.
"Ngayon, sa tingin mo ba papayagan pa kitang pumunta roon?" walang emosyong tanong nya.
Hindi ako sumagot at yumuko na lang dahil alam kong hindi na sya papayag. Hindi na kami magkikita ni Reynard.
"Lumapit ka nga rito," sabi nya at tinuro ang katabi nyang upuan.
Sumunod ako. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.
"Noong namatay ang mama, aaminin kong ang laki ng pinagbago mo. Hindi ka na pala-labas ng bahay. Ayaw mo nang naglalaro sa labas. Natakot ako na baka maging ganoon ka na lang habang-buhay," sabi nya at hinawakan ang kamay ko.
Tumingin ako sa kanya.
"Ngayon, nakikita ko ulit sa mga mata mo ang saya na gustong-gusto kong bumalik. Nakikita ko ulit ang masayhin kong Antoinette. Kung ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit ka masaya, kung napapasaya ka nya, sino ako para pigilan iyon? Hanggang sa ligtas ka sa kanya, kung pinagkakatiwalaan mo sya, ayos lang sa akin na lagi kang pupunta roon," sabi nya at ngumiti.
Napangiti rin ako ng malaki at hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin sya.
"Salamat papa. Salamat at pagbibigyan nyo ako ulit. Napakabuti nyo," sabi ko.
"Pupuntahan mo pa ba ang lalaking iyon? Baka mahuli ka na sa lakad nyo? Bihis na bihis ka pa naman," sabi nya kaya kaagad kong inaayos ang sarili ko at nagpaalam ng aalis.
Tumakbo ako kahit masakit pa ang paa ko. Mahuhuli na ako at baka iwanan ako ni Manong. Nakabukas ang gate paakyat pagdating ko sa burol.
Doon na ako dumaan paakyat, pagkarating ko sa tuktok ay kaagad kong hinanap si Reynard.
"Manong! Manong, nandito ka pa ba?"
Tinignan ko sya sa loob ng bahay pero walang tao roon. Pumunta ako sa garden pero tahimik roon at halatang wala ring tao.
"Iniwan na yata ako ni manong," sabi ko.
Bumuntong-hininga ako at naglakad sa kabilang parte ng burol. Lumiwanag ang mga mata ko at lumakas ang t***k ng puso ko nang makita syang naroon sa baba katabi ang isang itim na sasakyan. Kahit malayo at malabo ang paningin ko ay kitang-kita kong ibang-iba ang suot nyang damit ngayon kumpara sa mga sinusuot nya noon.
"Manong!" sigaw ko para makuha ang atensyon nya.
Mabilis akong bumaba at muntik pang madapa sa harap nya. Buti na lang ay nasalo nya ako kung hindi ay sumubsob na ang mukha ko sa putikan.
"Hi," nahihiyang bati ko.
"Buti naman at nandito ka na," galit nyang sabi at tinulak ako palayo sa kanya.
"Akala ko ng iniwan mo na ako," sabi ko at ngumiti.
"Malapit na kung isang minuto ka pang nahuli," sabi nya at binuksan ang pinto ng sasakyan.
Sumakay ako at sinara na nya ang pinto pagkatapos ay sya naman ang sumakay. Sya ang magmamaneho at ako naman ay nasa tabi nya.
Tumingin ako sa kanya nang isang minuto na kami sa loob ng sasakyan ay hindi nya pa rin iyon pinapaandar. Nagulat ako ng nakatingin rin pala sya sa akin, nakakunot ang noo.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko ng unti-unti syang lumapit sa akin.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko ng wala ng isang pulgada ang lapit ng mukha namin.
"Kailangan mong isuot ito para makaalis na tayo," sabi nya at may narinig akong tumunog sa gilid.
Pinaandar na nya ang sasakyan. Tinignan ko naman ang seatbelt na nakapalupot sa katawan. Sa sobrang dalang kong magsuot ng ganito ay nakalimutan ko na. Akala ko talaga ay hahalikan nya ako.
"Reynard? Saan tayo pupunta?" tanong ko at tumingin sa kanya.
Nakanguso ang mga labi nya at parang malalim ang iniisip na nakatingin sa daan.
"Sa mall na nasa lungsod," sabi nya kaya kaagad akong kinabahan.
Ano? Lungsod?
"Bakit hindi mo kaagad sinabi? Sana nakatanggi pa ako! Ayoko sa lungsod, Reynard. Bumalik na tayo!" sabi ko, halos nagmamakaawa.
"Antoinette, kumalma ka. Ako ang bahala sa iyo. Hindi mo kailangang matakot. Hindi ko man alam kung ano ang kinakatakot mo sa lungsod pero wag kang mag-alala, nandito ako," sabi nya at hinawakan ang kamay ko.
Hindi ko alam kung bakit kumalma ang puso ko. Nang ngumiti si Reynard ay wala sa sariling napangiti na rin ako. Buong byahe namin ay nakahawak lang ang mga kamay nya sa akin. Binibitawan nya lang iyon kapag may gagalawin sya sa sasakyan pagkatapos ay ibabalik nya ulit.
Tama si papa, napapasaya nga ako ni Reynard ng wala akong kamalay-malay. Sana palagi na lang syang nasa tabi ko.
Napatingin ako sa bintana ng sasakyan ng makita ang mga nagtataasang mga buildings. Marami ring mga sasakyan na katulad ng kay Reynard. Maraming mga tao at iba't-ibang mga tindahan. Kakaiba rin ang mga suot nila kumpara sa suot ko.
"Reynard?" tawag ko ulit sa kanya.
"Bakit?" sagot nya nang hindi tumitingin sa akin.
"Okay lang ba talaga itong suot ko? Hindi ba pangit? Yung mga babae doon, ang gaganda ng suot nila." sabi ko at itinuro ang mga babaeng nakakumpol sa isang gilid ng kalsada.
Tumingin sa akin si Reynard at tinignan ang suot ko. Bigla akong nahiya dahil hindi talagakagandahan ang suot ko ngayon. Wala akong magagawa dahil ito na ang pinakamaganda kong damit.
"Ayos lang naman yang suot mo. Nagmukha ka talagang manang," sabi nya at tumawa ng mahina.
Sinimangutan ko sya at inirapan. Kainis sya.
"Magandang manang," mahinang sabi nya at kaagad dumiretso sa puso at isipan ko.
Bumilis ang t***k ng puso ko at nag-init ang pisngi ko. Si Reynard naman eh! Biglang ganon! Walang pasabi!
Pigil ang malaki kong ngiti dahil baka makita nya at inisin na naman ako. Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking building. Ito na yata ang mall na sinasabi nya.
Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami ng isang matandang babae. Ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko rin ito.
"Magandang umaga mga hijo at hija. Hayaang nyo akong ilibot kayo rito sa mall. Ako si Clara, natutuwa akong makilala ka Antoinette," sabi ng matanda.
Nagulat ako dahil sa pagbanggit nya ng pangalan. Hindi pa naman ako nagpapakilala, eh.
"Manong, bakit alam nya ang pangalan ko?" bulong ko kay Reynard.
"Sinabi ko," sabi nya at hinila ako papasok sa loob ng mall.
Normal lang ba sa isang mall na walang katao-tao sa loob nito?
Dinala nya ako sa isang tindahan ng mga magagandang damit. May dalawang babae roon na mukhang kaedad ko lang.
"Buenas dias!" masayang bati sa amin ng dalawa.
"Hello," bati ko rin sa kanila.
"Antoinette," tawag sa akin ni Reynard kaya napatingin ako sa kanya.
"Ano iyon?"
"Pumasok ka sa loob at piliin lahat ng mga gusto mong damit. Tutulungan ka ni Clara at ng dalawang sales lady na iyon," sabi nya.
Nagtaas ako ng kilay. "Tapos?"
Kumunot ang noo nya sa tanong ko.
"Anong 'tapos'?" tanong nya.
"Tapos anong gagawin ko sa mga napili ko? Baka ipabayad mo sa akin, wala akong ibabayad," sabi ko.
Tumawa sya.
"Ako ang magbabayad, 'wag kang mag-alala. Sige na!" sabi nya at tinulak na ako sa loob.
Syempre, naninigurado lang. Baka pili ako ng pili rito tapos ako pala ang magbabayad. Pagkapasok ko sa loob ay maraming magagandang damit na mukhang mga mamahalin.
Seryoso ba si manong na manlilibre sya sa ganitong lugar? Pwede namang sa palengke na lang kami mamili.
"Ito, ma'am Antoinette. Bagay ito sa inyo," sabi ng isang sales lady at ipinakita sa akin ang isang magandang dress na beige ang kulay.
"Magkano ba iyan?" tanong ko.
"Sabi po ni sir Reynard ay 'wag po kayong magtanong ng presyo. Pili lang kayo. Isukat nyo na po," sabi nito at itinulak ako sa fitting room.
Inabot nya sa akin ang dress. Ni-lock ko ang pinto at sinukat ang dress. Walang sleeves iyon at medyo mababa rin ang cut sa may bandang dibdib, kita tuloy ng konti ang cleavage ko. Ang haba naman nito ay hanggang tuhod.
Lumabas ako ng fitting room at nakita ko ang tatlong babae sa loob at si Reynard sa labas na naghihintay.
Tinakpan ko gamit ang aking palad ang bandang dibdib ko at nahihiyang ngumiti sa kanila.
"Ayos lang ba? Baka pangit," sabi ko at kinagat ang ibabang labi ko.
Tinitigan lang ako ni Reynard kaya na-conscious ako. Mas lalo ko tuloy tinakpan ang nakikitang cleavage ko.
"Hindi ko yata bagay. Magpapalit na ako, magtitingin na lang ako ng ibang designs," sabi ko at mahinang tumawa.
"You look different. You are not a 'manang' anymore, Antoinette," sabi ni Reynard at hinila ako papalapit sa kanya.
Tinanggal nya ang kamay kong tumatakip sa may cleavage ko at tinignan ang kabuuan ko. Nagtagal ang titig nya sa may bandang dibdib ko kaya kinurot ko sya.
"Ouch!" daing nya sabay tawa.
"Bastos ka," sabi ko at tinakpan ang dibdib ko.
"Sorry, hindi ko naman akalain na ang manang na katulad mo ay sexy pala," sabi nya.
Nag-init ang pisngi ko at hinampas ang balikat nya.
"Ito pa po ang ibang design, ma'am Antoinette," sabi ng isang sales lady habang pinapakita sa akin ang iba pang mga damit.
Sa sobrang dami kong gusto ay inabot yata kami roon ng dalawang oras doon. Pagkatapos ay lumipat pa kami sa ibang tindahan ng mga pambahay naman daw na damit na mukhang pang-alis rin.
"Hoy! Manong? May pera ka pa ba? Ang dami na nating pinamili," sabi ko.
Tumingin ako sa dalawang lalaking tinawag nya kanina para dalhin ang aming pinamili.
"Bakit mo ba inaalala iyon? Una pa lang yan, pupunta pa tayo ng shoe shop," sabi nya at hinawakan ang kamay pagkatapos ay hinila sa tindahan ng mga sapatos.
Halos lahat ng mga nakita ko roon ay may mga takong na sapatos kaya ayun na lang pinili ko. May mga flat shoes rin naman kaso konti lang. Ang dami ring binili ni Reynard, hindi pa kaya ubos ang pera nya?
"Kain munat tayo," sabi nya.
"Sige," sabi ko at sumunod sa kanya.
Pumasok kami sa isang restaurant na walang katao-tao. May isang lalaki na malaki ang ngiti ang sumalubong sa amin.
"Hello, ma'am and sir. I'm Walter, the manager of the restaurant. Let me guide you to your seats," sabi ng lalaki.
Dinala nya kami sa isang lamesa na may mga nakahanda ng pagkain. Nagningning ang mga mata ko at kumalam ang sikmura ko.
"Enjoy your meal, ma'am and sir," sabi ni Walter at umalis.
"Nagde-date ba tayo?" sabi ko ng maka-upo kami.
Umiling sya at sumubo ng pagkain.
"Hindi pa ba ganito ang date?" tanong ko sa kanya.
"Kung magde-date tayo ay hindi kita sa mall dadalhin. Sa isang espesyal na lugar dito sa Prass," sabi nya at pinagpatuloy ang pagkain.
Kumain na lang ako at inisip ang espesyal na lugar na iyon. Panaka-naka ang tingin ko sa gwapong mukha ni Reynard hanggang matapos kaming kumain.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ko habang naglalakad kami papunta ng kanyang sasakyan.
"May pupuntahan pa tayo," sabi nya.
Huminto kami sa isang maliit na building. Puno ng mga nakasalamin na litrato ng isang babae at lalaki ang nasa pader.
"Dito ang clinic ni Dr. Grethel Yarte, isang ophthalmologist. Ipapatingin natin ang mga mata mo," sabi nya at hinila ako papasok.
"Hello, sir Reynard and ma'am Antoinette. I'm Dr. Grethel Yarte, I'm here to help you, Antoinette. Ang sabi ni sir Reynard ay malabo na raw ang paningin mo, nakikita mo pa ba ang facial features ko?" sabi ng doktor.
"Hindi na po," sabi ko.
Tumango sya at giniya ako sa isang kwarto. Marami syang ginawang test sa akin. Pinabasa nya pa ako ng wala at merong salamin. Sobrang tuwa ko ng makita ng malinaw ang paligid ko, parang biglang nag-iba ang paligid ko.
"Salamat po, doktor," sabi ko nang paalis na kami.
Nagtanguan ang mga si Reynard at ang doktora. Hinila na ako ni Reynard patungo ulit sa kanyang sasakyan.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ko ulit.
"Bakit ba tanong ka ng tanong? Kung nag-aalala ka na baka gabihin tayo ay sinukat ko na ang oras. Saktong alas-kwatro ay makakauwi ka na. May isa pa tayong pupuntahan bago tayo umuwi." sabi nya.
Tumigil ako sa paglalakad kaya napatingin sya sa akin. Tumingin ako sa kamay naming magkahawak pagkatapos ay sa mukha nyang naghihintay sa akin.
"Bakit mo ito ginagawa, Reynard? Para saan lahat ng ito?" tanong ko.
Tumitig lang sya sa akin at huming ng malalim bago sumagot.
"I want to help you," simpleng sabi nya pero hindi ako kuntento.
"Yun lang?"
Umirap sya at bumuntong-hininga.
"I want you to be happy with all these things. Gusto kong magkaroon ka ng maraming utang na loob para puntahan mo ako araw-araw. Para makita kita palagi," sabi nya at hinila ako papalapit sa kanya.
"Bakit?" sa dami ng gusto kong sabihin ay yaan lang ang lumabas sa bibig.
"Because I like you, Antoinette," sabi nya na nagpatibok ng malakas sa puso ko.