Halik
Ayos na sana yung 'I like you, Antoinette' nya eh kung hindi nya lang dinugtungan ng 'as a best friend'. Kaloka! Asang-asa pa naman ako.
"Bakit ka nakasimangot dyan?" tanong nya na hindi ko pinansin.
Naiinis ako sa kanya.
Hininto nya ang sasakyan sa isang salon. Tinanggal nya ang kanyang seatbelt at tumingin sa akin.
"Tara na," sabi nya at aalisin sana yung seatbelt ko nang pigilan ko sya.
"Ayoko. Ayokong magpa-ayos," sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
Bigla syang tumawa at umiling-iling. Mas lalong nag-init ang ulo ko. Anong nakakatawa?
"Kung iniisip mo ba na ipapagalaw ko iyang mukha mo? Hindi, ipapa-ayos ko lang yang buhok mo, ang bruha mo kasi," sabi nya at inalis na nang tuluyan ang seatbelt ko.
Lumabas sya at pinagbuksan ako ng pinto. Hinawakan ko ang buhok bago lumabas. Bruha ba talaga ako?
Pumasok kami sa loob at kagaya ng mga unang pintuhan namin ay kami lang ang nandoon.
Pinaupo ako ng isang babae na malaki ang ngiti sa akin sa isang malambot na upuan na nakaharap sa isang malaking salamin.
"Hija, kailan ka huling nagsuklay?" tanong ng babae.
Ha? Ano bang klaseng tanong iyan? Syempre pagkatapos kong maligo kanina.
"Kanina lang po pagkatapos kong maligo," sabi ko.
"Ah, ganoon ba? Parang isang taon kasi ang lumipas," sabi nito.
Anong sabi nya? Grr..
Kumuha sya ng isang suklay at nilagay iyon sa buhok ko. Napadaing ako ng masabunutan ako ng suklay.
"Aray ko," sabi ko at pekeng ngumiti.
Parehas kaming nagulat ng maputol ang suklay. Narinig kong natawa si Reynard at ang isang kasama nitong babae.
"Uhm, sir? Idadag ko ito sa babayaran nyo," sabi ng babae kay Reynard.
Saktong alas-tres y media ng matapos sila sa akin buhok. Ang sabi ng babae ay ginawa nyang wavy ang hanggang balikat kong buhok. Pumayag na lang ako sa gusto nya dahil wala naman akong alam doon sa sinasabi nya.
Nasa sasakyan na kami at wala pa rin kaming imikan ni Reynard. Sinuklay-suklay ko gamit ang aking mga daliri ang aking buhok. Ngayon ko lang na-realize na pangit pala ako, hindi ko naman kasi nakikita ang sarili ko.
Kaya pala lagi akong tinataboy ni Reynard noon tapos ngayon gusto nya na akong makita palagi dahil mukha akong payaso. Para lagi nga naman syang masaya.
"Reynard?" tawag ko sa kanya.
Nakatingin lang sya sa kalsada.
"Bakit?" sabi nya ng hindi tumitingin sa akin.
"Salamat sa mga binili mo para sa akin. Pinatingin mo pa ang mata ko tapos ay pinaayos ang buhok ko. Baka naubos ko na ang pera mo?" sabi ko.
"Kanina mo pa sinasabi iyan. 'Wag kang mag-alala sa mga ginastos ko, barya lang iyon," sabi nya.
Barya? Ibig sabihin mayaman itong si Manong.
"Reynard, may isa pa akong tanong."
"Ano iyon?"
"May nobya ka na ba?" sabi ko kahit na bilis ng t***k ng pusok ko. Buti na lang at hindi ako nautal.
"Meron," sagot nya.
Tumango ako at ngumiti kahit hindi naman saya ang nararamdaman ko. Bakit ako nalulungkot? At saka naiinis?
"Taga- saan sya?" tanong ko ulit.
"Taga-dito lang din," sagot nya at ngumiti.
"Baka magalit iyon kasi lagi kitang pinupuntahan sa bahay mo?" sabi ko at hinawakan ang dibdib ko.
"Hindi naman iyon magagalit, mabait iyon, makulit nga lang. Parang ikaw, kaya lang mas maganda," sabi nya at mas lalong lumaki ang ngiti.
"Okay," sabi ko at tumingin na lang sa bintana ng sasakyan.
Pagkarating namin sa baba ng burol kung saan ako dumadaan ay kaagad akong bumaba.
"Nagmamadali ka ba, Antoinette? Maaga pa naman, kumain muna tayo sa bahay." sabi nya at hinawakan ang kamay ko.
Mabilis kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak nya at kinuha na lang ang mga pinamili namin kanina.
"Maaga pala akong pinapauwi ni papa. Pasensya na at hindi na kita masasamahan. Baka wala ako ng ilang araw dahil aalis ang papa ko. Salamat sa mga ito," sabi ko at tinalikuran na sya.
"Ganoon ba? Samahan na lang kita sa bahay nyo, tutulungan kita magbuhat ng mga iyan," sabi nya at kinuha ang iba sa mga kamay.
"Hindi na, kaya ko na ito. Salamat na lang," sabi ko at kinuha pabalik lahat ng kinuha nya.
"Ano bang nangyayari sa iyo? Anong problema mo?" galit nyang sabi at marahas akong hinila.
"Nasasaktan ako, Reynard," sabi ko.
"Bakit ka nagkakaganyan? Nagmamadali ka ba talaga?!" sigaw nya.
Tumulo bigla ang mga luha ko kaya nanlaki ang mga mata nya at kaagad akong binitawan.
"Iiwan ko na lang ang mga ito rito. Salamat sa araw," sabi ko at tumakbo paalis.
Ilang beses nya pang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko sya pinansin. Ang sakit ng dibdib ko at parang hindi ako makahinga. May kakaiba sa akin at hindi ko iyon nagugustuhan. Mali ito, ayoko nito.
Kahit masakit pa ang paa ko ay hindi ko iyon ininda. Dire-diretso ako papasok ng bahay hanggang sa aking kwarto. Doon ko binuhos ang lahat ng sakit sa puso ko.
Bakit ako nasasaktan na may nobya na sya?
Bakit ako naiinis dahil gusto nya lang ako bilang kaibigan?
Bakit naninikip ang dibdib ko tuwing lumalapit sya sa akin?
Gusto ko ba sya?
Umiling ako. Hindi ko alam!
Ang alam ko lang ay masaya akong kasama sya at gusto kong lagi syang kasama.
Gusto ko na nga yata talaga sya. Pero hindi pwede ito, may nobya sya at saka hindi rin naman nya ako magugustuhan.
Buong gabi kong inisip iyon sa aking kwarto hanggang sa makatulugan ko na. Nakalimutan ko na ngang kumain at hindi ko na rin namalayan ang pagkatok sa akin ni papa.
Napagdesisyonan kong hindi ko na talaga pupuntahan si Reynard. Bahala na sya kung hintayin man nya ako doon. Hindi ko naman ginusto ang mga binili nya sa akin kaya wala akong utang na loob sa kanya. Kinabukasan naman ay hindi rin ako lumabas ng kwarto at lalabas lang ako kapag kakain kaya masama ang tingin sa akin ng dalawang bruha.
Ngayong araw ay umalis si papa upang magpunta ng kanyang opisina kaya naging katulong na naman ako sa bahay.
Tulala ako habang nagluluto ng pagkain, wala ako sa sarili. Iniisip ko kung ano kaya ang ginagawa ni manong Reynard doon. Hinihintay nya kaya ako?
Pinilig ko ang ulo ko. Bakit ko pa ba sya iniisip?
"Hoy! Bilisan mo naman! Nagugutom na ako," sabi ni Ambrina.
"Luto na ito," sabi ko at hinain na ang niluto ko.
Tinitigan ako ni Ambrina at nagtaas ng kilay.
"Parang may iba sa iyo?" sabi nya at hinawakan ang buhok ko.
"Wala namang iba sa akin. Ano bang sinasabi mo?" sabi ko at iniwas ang ulo ko sa kanya.
"Bakit mas malambot na ang buhok mo kesa sa akin? May ginawa ka sa buhok mo, no?" sabi nya at hinila ang buhok ko.
"Aray! Ambrina, masakit!" sabi ko at hinila pabalik ang buhok ko.
"Talagang masasaktan ka! Ano nagpapaganda ka na? Aagawin mo na sa akin si Leon?! Ha?!" sabi nya at sinabunutan ako
Sya lang naman ang may gusto sa mayamang taga-bayan na iyon. Hindi ko iyon gusto kaya bakit sya nagagalit sa akin?
"Nasasaktan na ako, Ambrina!" sabi ko pero hindi sya nakinig sa akin at mas lalo pa akong sinabunutan.
Sa sobrang inis at galit ko na siguro kaya ko sya nagawang itulak dahilan para masubsob sya sa lamesa at ang lahat ng niluto ko ay sumabog sa mukha nya.
"Sorry! Hindi ko sinasadya! Patawad," sabi ko at nilapitan sya.
Sinampal na nya ako ng malakas bago pa man ako makalapit sa kanya.
"Dahil wala si mama rito ay lumalaban ka na?! Hindi mo ako kaya, Antoinette!" sabi nya at pinaghihila ang buhok ko na halos maalis na sa anit ko.
"Tama na! Ambrina! Ayoko na!" sigaw ko at pilit na inaalis ang kamay nya sa buhok ko.
"Kakalbuhin kita at wala kahit isang hibla ng buhok mo!" sabi nya at kinaladkad ako.
"Ouch!" sigaw ko at naluha ng makitang nalalagas na ang mga buhok ko.
"Antoinette!"
Isang pamilyar na boses ang narinig naming pareho ni Ambrina kaya nnapahinto sya.
Nabitawan ni Ambrina ang buhok kaya bumagsak ang ulo ka sa sahig ng aming bahay. Sobrang sakit ng ulo ko at hindi man lang ako makatingin sa tumawag na iyon.
"Sino ka?" gulat na tanong ni Ambrina sa kanya.
Hindi ko sya narinig na sumagot bagkus ay naramdaman ko lang ang isang matipunong braso ang pumulupot sa aking katawan.
"Antoinette," tawag nya sa akin.
Hindi ko alam kung magpapasalamat ba akong dumating sya o hindi. Tumitig lang ako sa kanya habang walang tigil sa pagbuhos ang luha ko.
Wala sa sariling niyakap ko sya at umiyak sa kanyang dibdib. Hinaplos nya ang aking buhok kaya napakislot ako sa sakit.
"You will pay for this," galit nyang sabi at walang sabi-sabing inangat ako sa lupa.
Nilabas nya ako ng bahay at sinakay sa kanyang puting kabayo. Nagtagis ang bagang nya nang tignan ang aking paa at tuhod na may mga sugat. Mabilis syang sumakay sa kabayo at pinatakbo iyon nang mabilis patungo sa burol.
Walang nagsasalita sa amin. Nakatingin lang ako sa kanya habang ang mga luha ko ay walang tigil sa pagbuhos.
Nakarating kami sa kanyang bahay at mabilis nya akong pinasok roon. May tinawag syang pangalan na hindi ko alam kung kanino.
"Selena, madali ka. Magdala ka ng first aid kit," sabi nya.
Ibinaba nya ako sa malambot na kama at tinignan ng mabuti ang mga sugat ko. Minasahe nya pa ang ulo ko na sobrang masakit talaga. Dumating ang isang matandang babae na may dalang first aid kit.
Lumapit iyon sa amin at inabot kay Reynard ang dala. Marahan at maingat ang paggamot nya sa mga sugat ko habang si Selena ay nilagyan ng ice pack ang ulo ko.
"Maghanda ka na ng pagkain, Selena. Ayos na kami rito, salamat sa tulong," sabi ni Reynard pagkatapos nyang gamutin ang mga sugat ko.
Umalis ang matandang babae at naiwan kaming dalawa sa kwarto. Sya na ang naghawak ng ice pack sa ulo ko at marahang dinadampi iyon.
"Ayos ka lang ba? Wala na bang ibang masakit sa iyo?" tanong nya.
Iling lang ang sinagot ko. Sa totoo lang ay nahihiya ako sa kanya, nakita ko pa ang mga paper bag ng mga pinamili naming damit noong isang araw dito sa may kwarto.
"Lagi bang ganoon ang ginagawa ng babaeng iyon kapag wala ang papa mo?" tanong nya ulit na hindi ko na sumagot.
Pumunta sya sa harapan ko at hinaplos ang pisngi ko na basa sa luha. Mas lalo tuloy akong naiyak.
Niyakap nya ako at hinayaan akong umiyak sa kanyang dibdib. Bakit ba pagdating sa kanya ay bigla akong nagiging ganito?
"Ang madrasta mo ba ang dahilan kung bakit hindi ka na nakakapunta rito?" tanong nya at inangat ang mukha ko.
Tumitig lang ako sa mukha nya. Paano ko ba sasabihin na hindi na ako pupunta rito kahit kailan? Na ito na ang huli at hindi na ulit ako tatapak rito?
"Antoinette, you can say anything to me. Pwede mo akong lapitan kahit kailan mo gusto. Ano na lang ang nangyari sa iyo kung hindi ako dumating? Baka napatay ka na ng babaeng iyon," galit nyang sabi.
"Bakit ka pa nagpunta roon? Sana hindi ka na lang nagpunta," sabi ko.
Napalayo sya sa akin at kumunot ang kanyang noo. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Ano? Imbis na magpasalamat ka ay yaan pa ang sasabihin mo sa akin? Alam mo bago tayo maghiwalay noong isang araw ay ganyan ka na! Ano bang nangyayari sa iyo? Simula noong magtanong ka kung may nobya na ba ako ay lumayo ka na sa akin--"
"Yun naman talaga ang dapat ang gawin ko, hindi ba? Ang layuan ka kasi hindi maganda sa isang katulad mong lalake na may nobya na lumalabas at nakikipagkita sa isang babaeng katulad ko! Ano lang ang sasabihin ng nobya mo kapag nalaman nya na ganito ka sa akin?!" galit kong sigaw sa kanya pero hindi man lang sya natinag.
"I told you, wala syang sasabihin--"
"Paano mo alam? Tsaka hindi rin naman ito tungkol sa kanya. Kailangan kitang layuan dahil may mali sa akin! Mali ito!" sabi ko at hindi na mapigilan ang luha.
"Anong mali, Antoinette? Anong mali sa iyo?" takang tanong nya.
"Mali, maling-mali na magkagusto ako sa iyo. Gusto kita at nagalit ako sa iyo nang sabihin mong gusto mo lang ako bilang kaibigan! Sumakit ang puso ko ng malaman kong may nobya ka na. Kaya gusto ko ng lumayo sa iyo kasi mali ito!" sabi ko at lumayo sa kanya.
Mabilis nya akong hinigit at nilagay ang dalawang palad sa magkabila kong pisngi.
"Walang mali doon, Antoinette. Walang mali.l," sabi nya pagkatapos ay sinakop ng mga labi nya ang sa akin.
Napapikit ako nang maramdaman ang matamis nyang halik. Ang una kong halik...