TWO

1962 Words
Ninya Buenavidez NAPALINGA-LINGA AKO sa kabuuan ng sala. Hindi siya ganun kaganda kumpara sa bahay namin na tinayo ni Rico. Ngunit mamahalin din ang mga muwebles at kapansin-pansin din ang chandelier sa may hagdanan. Nalalasahan ko ang pait sa sistema ko, I want to question Rico how did he automatically find someone and live with her. In one roof… “Maganda ang bahay nila. Baka tinayo ni Rico sa kanya? Pero ang rinig ko ay binili niya ito.” Napairap ako sa sinabi ni Aubs. Hindi ko gustong pag-usapan ang bagay na ito sa loob ng bahay mismo ng babae. Nakakahiya. “Pero mas maganda pa rin yung bahay niyo. Mas malaki. At mas… mahal.” May ibang kahulugan ang huling salita nito. I just groaned in annoyance on her teasing voice. Lumapit si Aubrey sa mga larawan sa naka-display sa counter. Mas marami ang mga paintings kaysa sa mga pictures. “She is a Ballerina,” Aubrey suddenly said in amusement. “At nagpipinta pa. Kaya siguro ang daming artwork!” “Tigilan mo na yan, Aubs. Maupo kana rito.” Hindi siya nakinig sa akin at mas lalo lang lumakas ang curiosity nito sa babae. “Hindi lang pala maganda ang babae. Mabait at sopistikada pa,” parinig ni Aubrey sa akin. May kinuha siyang larawan kaya umalma ako ng konti sa inuupuan ko. “They look cute together here in the picture!” Pinakita sa akin nito ang frame at mapanuya akong nginisian. Bumagsak ang tingin ko sa larawan nilang dalawa. It was captured in museum. Rico is not smiling on the picture. Ngunit ganun naman talaga ito tuwing kinukuhanan ng larawan. Hindi ngumingiti, suwerte na lang kung ngumiti ng tipid, but he seems happy. Ang palad nito ay nasa baywang ng babae na may malaki at mataming ngisi sa labi. “Kailan pa siya nahilig sa mga artwork?” I mumbled to myself. “I don’t even remember him appreciating history.” Mukhang hindi naman narinig ni Aubrey dahil abala ito sa pagsuri ng mga larawan. “They love backhorse riding. So romantic! Hindi ba ginagawa niyo rin ito noon?” “No, ibang pangangabayo ang ginawa namin.” I smirked at her kaya napanganga ito at natawa sa iniisip. Nang makita ang nobya ni Rico na paparating ay mabilis niyang binaba ang frame at naglakad papunta sa tabi ko tsaka umupo. Napailing na lang ako sa kanya. I saw the woman holding a tray walking towards us. Binaba niya ang tatlong baso at umupo sa harapan naming dalawa. Habang pinapanuod ko ang bawat galaw niya ay pansin ko kung gaano karahan ang kilos nito. This is exactly Rico’s type of girl. Malayo sa babaeng pinakasalan niya. That’s explain why she is a ballerina and a painter. Bagay sa kanya. She is wearing a long fitted white dress na umaabot sa kanyang paa, ang buhok ay malinis na nakatali. Payat man ngunit bumabagay naman ang kanyang katawan sa maliit at maano nitong mukha. Namumula ang pisngi na walang kahit anong make up na suot, her natural pink lips are thin and small. “It’s quite surprising to see you here. If you don’t mind to ask me this pero bakit mo hinahanap si Jericho at napapunta ka rito ng walang pasabi? I’m thinking that this must be an emergency, right?” I saw a glimpsed of bothered on her face. She is not threatened, ngunit may pagkabahala siya sa pagpunta ko rito. Rico seems giving her enough assurance dahil hinayaan niya kaming pumasok dito sa loob ng tahanan nila. “Amara, right?” paniniguro ko dahilan para mapawi ang ngiti sa labi nito. “I would like to discuss that with Rico. It’s our personal issues, and yes, this is an emergency. Don’t worry, wala naman akong balak na manggulo rito.” “Wala naman sa akin kung ano ang pakay mo. I’m just asking because I hope this is not about me.” Natahimik ako roon at saglit na namangha sa pagiging diretsa nito. She is soft-spoken, I didn’t know that she can also be this straightforward. “Alam ko rin na hindi pa kayo legally separated. I trust my boyfriend. But I don’t trust you, Mrs. Buenavidez.” “What do you mean?” natatawang tanong ko. Nahahalata na ni Aubrey ang pagbabago ng aura ko kaya nahihirapan itong napalunok at siya naman ngayon ang gusto akong pigilan. “Iniisip ko lang naman na baka you’re here to take your revenge. By what? Suing us? Or your husband? Gathering evidences.” Marahan siyang ngumiti. “I hope not. If you are already over him, hindi mo gagawin yun. Unless hindi ka masaya after you broke up with Rico.” It was like a slap to my face. To be honest, hindi naman dapat ako maapektuhan sa mga sinabi niya. Dahil sa totoo lang ay iba ang sadya ko rito at hindi ang bagay na yun. Pero bigla yata akong natameme kasabay ang pagsikip ng dibdib ko. I’m happy. But why I felt that someone just pinched my heart? Hard ane emphatically. Unti-unti naging bahaw ang ngiti ko sa labi at dinaan na lamang iyun sa peking marahan na tawa. “You involve yourself between our relationship. Pero huwag kang umasa na pati sayo sasabihin ko ang pakay ko rito. Si Rico ang gusto kong makausap. Hindi ikaw.” I stood up and fixed my bag. Hindi niya ako tinignan bagkus ay malalim ang titig sa juice na hinain nito na hindi naman nagalaw. “Maybe we should go. I’ll just talk to my husband in another place. Mukhang nagpadalosdalos ako sa pagpunta rito.” Nang makalabas kami ni Aubrey at nagmamadaling pumasok sa loob ng sasakyan ay hindi maaalis ang iritasyon sa mukha ko. I groaned in annoyance and took a heavy sigh. Napasulyap sa akin si Aubrey bago pinaandar ang sasakyan. “She is quiet… fearless,” she mumbled unsure of her words. “O baka hindi lang natin nilinaw ang sayda natin kay Rico kaya iba ang iniisip niya.” Iritabli akong napairap at isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan. Her last words still running on my head, tila sirang plaka na nagpapaulit-ulit sa pag-play sa tainga ko. I WAS ABOUT to take another shot of my tequila while dancing gently moving with the rhythm of the music when Siv suddenly appeared in front of me. Binati siya ng mga kasamahan namin at inaya na umupo tsaka uminom pero tumanggi ito. Madiin ang titig na binaling niya sa akin at sa alak na hawak ko. “Get yourself together, nasa labas ang asawa mo,” iritabling paalam sa akin ng pinsan ko na malapit na kaibigan ni Rico. Visenti Montalbo. Natigilan ako roon. Biglang humina ang malakas na ingay sa bar. Para akong nabingi panandalian. “What?! What is he doing here?!” gulat at hindi makapaniwala. Ang mukha ni Siv ay hindi maipinta nang makita ang suot ko. He removed his black suit and almost throw it in my face. Nang mahawakan ko yun ay hinila niya ako sa gilid at kaunting tao. “What is wrong with you?!” I hissed. “Suotin mo yan. Ako ang mapapagalitan ni Rico sa damit mo kapag nakita ka niyang ganyan—“ “What?” natatawang tanong ko sa kanya. Mas lalong hindi makapaniwala. “My sweet and concern cousin. Baka nakakalimutan mo na halos isang taon na kaming hiwalay.” Alam ko na nasanay lang siya sa ganung pag-uugali ni Rico na tila hanggang ngayon iniisip siguro na yun pa rin ang magiging reaksyon nito. “Just… just wear it. Dito ka pa niya maaabutan! Wala na ba talagang patawad ang nightouts mo? Ano na lang ang sasabihin niya? Baka isipin nun, hindi kita—“ “Will you shut up, Siv? Lagi kang concern sa iniisip ng best friend mo. Walang sasabihin yun, hindi yun magagalit. Kung magalit man siya, sa akin siya dumiretso.” Masama niya akong tinignan. Ang bawat babaeng dumadaan ay napapabaling sa kanya. May gusto pang lumapit pero ng makita ang masungit kong mukha ay natakot. “At ano ang sabi mo? Nandito si Rico? Ano naman ang ginagawa niya rito?” Sinuot ko na ang jacket nito. I suddenly feel alarmed and not prepared. Malayo sa ginawa ko kanina na pagpunta sa bahay niya. “Hi, Siv! I saw Rico outside, kasama mo ba siya?” hindi kilalang grupo ng mga babae ang lumapit. I crossed my arms and they noticed me. “May kausap ka pala. See you around na lang.” Marahan nitong pinasadahan ng palad niya ang balikat ni Siv. I saw how Siv smirked and a curved of playful smile appear on his lips. Napairap ako. Ano kaya ang gamit na pagkokontrol ang iniinom ni Rico at hindi siya nahawaan ng matalik niyang kaibigan sa pagkababaero? “Hey, Siv! I’m talking to you.” I snapped my fingers to his face. “Hindi ba gusto mong kausapin si Rico? Pumunta ka pa nga sa kanila, diba? Nasa labas na siya at hinahanap ka.” Napanganga ako. Sinapo ko ang ulo ko sa kapalpakan ni Siv. “Ang sabi ko, kapag may oras siya puntahan niya ako para mag-usap kami. Hindi ko sinabi na puntahan niya ako agad ngayon mismo. Kaya nga I told him to schedule our meeting!” Ang mga mata ni Siv ay malikot, hindi ko alam kung nakikinig ba ito. “Well, it’s not me to decide. Siya ang nagdesisyun na pumunta rito. Kaya lumabas kana dahil galing pa yun ng trabaho at pagod. And please, Ninya.” He dramatically closed his eyes tightly. “Ayusin mo naman yung sarili mo sa harap ni Rico. Nakakahiya. Tsaka yung damit mo.” Tinuro-turo niya pa ang suot ko na hindi naman niya napupuna pero dahil nandito ang kaibigan ay mukhang isusumpa na ang suot ko. “What’s wrong with my clothes?!” I know it’s revealing. And I understand where he is coming from, especially that we all know how possessive Rico to me back then na pati sila ay napagdidiskitahan. Pero sana maisip din niya na iba na ngayon. May iba na siya! “Baka isipin nun na nandito ka para maghanap ng lalaki.” His eyes suddenly landed to a woman who passed us, sexy at halos kita ang maputing balat. “Bakit? Hindi ba?” Marahas siyang bumaling sa akin at malamig akong tinignan. It must be good when all of the people around us approved and supporting our relationship. Pero, sadly… nasa amin ang desisyon na hindi magbalikan. Nasa amin ang problema. “Look at you, for sure may babae kanang prospek para iuwi ngayong gabi.” Ngumisi ako. He pointed at me and let out an unbelievable laugh, hindi niya na rin naman tinanggi pa dahil tama ako. Palabas na kami ni Siv nang mamataan ko si Rico na nakahilig sa kanyang sasakyan suot ang formal na coat nito habang may kausap na babae. Malayo pa lang ay alam ko na ang kilos at tindig nito. His arms are crossed and his hair is a bit messy that made him look hotter. His formality doesn’t suit this place, the place is fun while he is so damn serious that will blow away the playful fire of the night. Sobrang seryoso nito nang mahagip ako ng malalim at nangungusap niyang mata. Mas lumamig ang titig niya sa akin hanggang sa pasimpling pinasadahan ang suot ko. Dahil sa pagdaan ng titig nito sa suot ko ay bigla yatang kumalabog ang dibdib ko. I want to slap myself when different ideas appeared on my head just because he scanned my clothes. I don't want to overthink. Ayokong isipin na apektado siya o ano. Dahil hindi naman talaga dapat...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD