bc

The BORROWED Husband

book_age18+
2.9K
FOLLOW
26.3K
READ
billionaire
love-triangle
HE
second chance
powerful
heir/heiress
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

FALLACY OF MARRIAGE SERIES 01:

The Borrowed Husband (Jericho Buenavidez)

.

.

.

.

May malaking problema ngayon si Ninya Buenavidez, kinakailangan nitong kontakin ang dating asawa na si Jericho Buenavidez na halos isang taon na niyang hindi nakikita. Kasal man sila sa papel at mata ng mga tao ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay hiwalay na sila. Pareho ng may sariling buhay ang mag-asawa sa loob ng isang taon na paghihiwalay. Dahil sa pagbabalik ng matandang Donya na may sakit sa puso upang magbakasyon ng dalawang buwan ay kailangang pabalikin ni Ninya ang asawa sa kanilang bahay. Parehong hindi pa handa kung paano sasabihin na ang dating matamis nilang pagmamahalan ay unti-unting naglaho hanggang ang pagsasama nila ay napalitan ng pait. Kung kaya sa dalawang buwan ay hihiramin ni Ninya ang asawa nito na si Jericho sa kanyang nobya upang magpanggap na maayos ang kanilang pagsasama. Habang hindi pa sila handa sa pag-amin ng tunay na estado ng kanilang relasyon ay kinakailangan nilang magsinungaling. Ito na nga ba ang solusyon upang sila ay magkabalikan? Sa pangalawang pagkakataon, kaya na bang itama ang mga pagkakamali noon? Ngunit paano ang nobya ni Rico na naghihintay sa pagbabalik nito? Hanggang hiram na asawa na lamang ba si Ninya sa parte ng buhay ni Rico? O tuluyan na ngang mapasakanya ulit ito hindi lamang sa mata ng batas kundi sa puso ng kanyang asawa.

chap-preview
Free preview
ONE
Ninya Buenavidez I WOKE UP from a hangover because of last night. Sapo ko ang ulo ko nang bumangon sa sofa at nilibot ang tingin sa sala. Then I realized the reason why I suddenly woke up even though it was still early is because my phone kept on ringing. Kahit antok na antok pa ay kinapa ko ang sofa na hinigaan ko. Hanggang sa bumagsak ang tingin ko sa carpet kung nasaan umiilaw ang phone ko. I probably dropped it here. “Hello?” paos at wala pa sa tamang wisyo kong bungad. Gusto kong murahin kung sino man ang tumawag na ito. If this is Aubrey, I will definitely curse her to death. Alam niyang nag-inuman kagabi tapos tatawag siya ng maaga para mambuwisit? “Iha! I missed you! You’re not calling me. Ilang buwan na at wala akong balita sayo. Buti na lang sinagot mo na ang tawag ko ngayon!” Tunog pagtatampo ng matandang boses sa kabilang linya. Napaayos ako ng upo at nahihirapang napalunok. Tinignan ko ang caller at napanganga sa tumawag. Donya Celestial Buenavidez, I just freaking answered her call. I was ignoring it since last week kahit panay ang tawag nito. Sinasabi ko na lamang na abala ako. Mariin akong napapikit at kinalma ang sarili ko bago nagsalita. “I’m fine, Lola. Kayo ho?” marahan kong usal at peking ngumiti kahit alam kong hindi niya ako nakikita. Donya Celestial is very close to my heart. Talking to her right now made me realized how I also missed her much. “Ayos lang. Panay ang tawag ko sayo pero sabi nina Adeline ay abala ka. Ngunit hindi ko puweding idaan sa mensahe ang magandang balita na sasabihin ko. That’s why I kept on calling you!” “What’s the good news po?” puno ng pagtataka kong tanong. Hindi ako interesado sa anumang sasabihin niya dahil kabado ako kapag pumunta ang pag-uusap namin tungkol kay Rico. I can’t lie! Kaya nga iniiwasan ko ang mga tawag niya. I stood up and took the cans of beer under my table. May mga kalat pa roon at mga iilang boxes na ang laman ay tirang pagkain na in’order pa namin sa labas. “I already got a ticket back there in the Philippines. I’ll be visiting both of you, apo! Isn’t that exciting?!” My jaw dropped and my eyes rounded of her biggest news. Pati ang hawak kong cans of beer ay nabitawan ko dahilan para maglikha ito ng ingay na pati sa kabilang linya ay nakarating. It was a long silence when she speaks again. “Are you alright, iha? What’s the noise about?” “A-ano ho yung sabi niyo? Babalik kayo ng Pilipinas? Bakit ho?” I laughed nervously while swallowing hard like I’m preparing for myself for the storm coming in my life. Nakikita ko na, mas makalat at magulo pa sa bahay ko ang mangyayari kapag tumuloy dito sa Pilipinas ang Donya. “Nabingi ka yata, Ninya, apo.” She laughed and sighed dramatically. “I know. I know. You’re excited just like me. Hindi ako makapaniwala na pumayag ang mga anak ko sa pagbisita ko muli riyan. Alam mo na, may sakit ako at tumatanda na. Nais kong bisitahin kayo ng apo ko riyan sa Pilipinas. I realized that I should spend my remaining days here on Earth being with the people I love,” she explained like a poetic who wants a meaningful journey on her life. Masyadong madrama ang pananalita niya, ngunit dahil kilala ko si Donya na ganun ay sanay na ako. “Bakit naman ho biglaan? Masyadong mabilis. Sana nakapaghanda kami ni Rico.” Napairap ako matapos banggitin ang pangalan ng asawa ko. DATING asawa. But, yeah. We are still legally married to each other, thing that we cannot deny. “We should not waste our time, iha. Dapat gawin na natin ang mga gusto nating gawin. At ang gusto ko lamang ay makita kayong dalawa,” she put emphasized on her last two words. I can feel the genuine happiness from Donya Celestial. Ngunit hindi rin maipagkakaila ang kagustuhan kong makita siya. Pero paano namin siya haharapin ni Rico? f**k! Dahan-dahan akong napaupo matapos ibaba ang tawag. Ang isip ko ay naglalakbay na kasabay ang sakit ng ulo dahil sa maraming naimom kagabi. Napasabunot ako ng buhok ko. I let out a frustrated groaned. Dumagdag pa ang makalat kong sala. Ngayon hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. Maglinis? Tawagan ang pamilya namin? O… puntahan at kausapin si Rico? Tutal siya naman ang totong apo at kadugo ng matanda! THE CAR STOPPED in front of a nice and comfortable house. Hindi ko maiwasan na mapabaling sa kaibigan ko na siyang nagmamaneho ng sasakyan. She is also curious looking in the house, halos kulang na lang ay dumungaw na sa bintana malapit sa akin. “Are you sure this is Rico’s house?” paninigurado ko sa kanya. “I’m not sure, Ninya. Pero siguro hindi naman tayo lolokohin ni Siv, diba?” She looked at me and brought her stare back to the house. “And Siv mentioned that Rico buys this house. He is currently living with his kirida,” Aubrey added and give me a grimaced expression on her face. “We already broke up, Aubs. Kaya huwag mong tawaging kirida ang nobya ngayon ni Rico,” I responded without bitterness on my voice and face. She scrutinized my facial expressions but rolled her eyes when she found nothing. “Anumang pagpapaganda ang gawin at itawag mo sa babae. Kirida pa rin yun dahil kasal kayo at legal na mag-asawa. Kayo ang totoong may relasyon, legally.” Hindi na ako umimik pa dahil alam kong hindi papatalo si Aubrey sa akin. Sabay kaming lumabas ng sasakyan at nagkatinginan muna sa isa’t isa bago pindutin ang doorbell. Rico is too private and secretive to his life, bagay na natutunan ko sa kanya nung kami ay nagsasama. Kaya halos bilang lang ang nakakaalam ng paghihiwalay namin. At kung narito man ang babae niya, ito ang unang beses na makikita ko siya. “Bakit ako ang kinakabahan? My ghaad, Ninya. Dapat tinawagan mo muna ang asawa mo bago ka pumarito. Sana naman hinanda mo sila sa pagbisita mo, diba?” she is sweating, marahil dahil na rin sa init. “Mamaya kung ano pa ang maabutan natin,” she mumbled. Napakagat ako ng labi. Mukhang nagpadalos dalos ako sa desisyon dahil sa balitang pinarating sa akin ni Donya Celestial. Ayan tuloy! Hindi ako nakapag-isip ng maayos at ura-uradang dumiretso rito. Bumukas ang gate dahilan para pigilan ko ang paghinga ko, hindi ko rin naman maipagkakaila na kinakabahan ako. What if I will offend Rico’s girlfriend? Pero kahit na, asawa pa rin ako. Oh my gosh! Do you even hear yourself, Ninya? You’re really using that as defense? Na asawa ka niya? Hiwalay na kayo! I’m not even here to take Rico from her. I won’t be a pathetic wife. “Yes?” A woman with delicate smile and beautiful brown eyes appeared in front of us when she opened the gate. “How may I help you?” Tinignan ako ng babae at ngayon ay tipid na ang ngiti. Nakitaan ko ng panandaliang pagkagulat ang mukha niya, probably she already knows me? Wow! Hindi ko siya kilala pero kilala niya na ako. “I’m looking for Jericho Buenavidez,” matapang kong pahayag sa kaswal na boses. “And… who are you?” she asked politely. Hindi nalalayo ang edad ko sa kanya, but she looks more elegant, matured, and prim. I look… younger? Or maybe because she has this lady and a mature aura. I heard Aubrey laugh because of the question. Nang sulyapan ko ang kaibigan ko ay napatikom ito ng labi. “I am Ninya Montalbo BUENAVIDEZ.” Nginitian ko siya dahilan para matigilan ito at saglit na napaawang ng labi. Her bright smile slowly disappears. Nakita ko ang nahihirapan nitong paglunok. She looks soft and fragile. Tila kung hahamunin ko ito ng away ngayon ay ako na ang susuko at maaawa sa kanya. Pero syempre, hindi ko gagawin yun. “Ri-rico is not here,” she answered faintly. Nagkatinginan kami ni Aubrey. Tama siya, dapat nagpaalam muna ako bago pumunta rito. “But you can come in and wait him inside.” Bumalik ang ngiti niya, ngunit sa pagkakataong ito ay kontrolado na at tipid. “That’s a better idea. Masyadong malayo ang biniyahe namin. By the way, I’m Aubrey. Kaibigan ng mag-asawa—I mean, dating mag-asawa. Pero you they are still married, right? So basically, mag-asawa pa rin sila—“ “Enough, Aubrey.” Makahulugan ko siyang tinignan. “Nice meeting you. I’m Amara Ibardaloza… Rico’s girlfriend,” she said with hesitation and looked away. “We know! Ano ka ba.” Sinabayan iyun ni Aubrey ng tawa. Gusto ko na lang siyang sakalin, she may be blunt and straightforward sometimes, pero sana huwag sa sitwasyong ito. Hindi ko alam na ganito pala ito ka-uncomfortable. I wish I knew and just let Rico come into our house instead.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook