Ninya Buenavidez I POUTED MY lips when Rico poured my glass of water on the pitcher. Hindi ko maiwasan na pansinin iyun, kung wala lang ang Donya rito ay aasarin ko siya. Pero dahil ito naman ang dating gawain niya ay acceptable naman lalo na at nandito kami sa sitwasyong ito. “Imagine, we are just in the same age pero nauna siyang mawala sa akin,” malungkot sa mukha ni Donya Celestial nang ibaba ko ang baso matapos uminom. “She is strong and healthy, akala ko nga ako pa ang mauuna sa kanya!” she hissed and shook her head in disbelief. Humina ang pagnguya ko sa pagkain nang magkatinginan kami ni Rico. Tinaasan ko siya ng kilay dahil naabutan ko itong nasa akin ang tingin. “Enough of that. Why don’t we go on vacation? Saan mo ba gustong pumunta?” Rico casually asked. “Are you both

