Jericho Buenavidez SA ILANG ARAW na lumipas ay hinayaan ko si Amara sa bahay ko kung kailan niya gusto, maliban sa kuwarto ko na siyang naroon na rin ang opisina ko. The only room she must not enter, my only privacy. I don’t know how many times she slept in my house. In the guest room. Pero hinayaan ko. Naghihintay ako kay Lucan, pero ang huling narinig ko na lang sa kanya ay ang pagbabakasyon nito sa ibang bansa. “Why are you here?” takang tanong ko sa kanya sa biglaan nitong pagpasok. Kakagaling ko lang sa kusina at papunta ng sala ng maabutan ko itong nakatayo. “Nakipagkita ako kay dad. And his wife was there in the same mall. Nagkasalubong kami pero si dad ay iniwan ko sa isang restaurant. She was looking for him.” May kaba sa kanyang mukha at takot. “Baka may alam na siya? She as

