bc

LAST SWEET GOODBYE

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
fated
bxg
mystery
ambitious
female lead
small town
betrayal
wild
victim
like
intro-logo
Blurb

A 17-year-old teenage girl fall in love with a 22-year-old man whose named Eviel Fourth-the hot and famous security guard in Breacon High School. His manly and sweet voice makes the girls alive even the straight man who hears his angelic laugh.

*****

Exrielle Elaine DelaPaz is a non-popular student who lives at Breacon Village. She was adopted by her auntie, Mathilde, the most influential woman in their Village. She has a twin cousin known as the most famous spoiled twin with unpleasant behavior.

After the unexpected incident, Exrielle became the center of attention. Most of the young girls blame her because of the sudden changes and disappearance of Eviel. Because of the shame she's struggling with every day, she had decided to stop in her study. Her auntie, stopped her to continue her dream to find her biological mother.

What will happen if Exrielle finds out the truth behind those charming eyes of Eviel? Could she be able to handle the pain? Will they be able to live together if there's someone who's against their relationship?

chap-preview
Free preview
Chapter 01: Who's Mr. Fourth?
"Exrille!" Kakabangon ko lang sa higaan ngunit sigaw na ni auntie Mathilde ang sumalubong sa akin. Masama ang tingin niya na parang ano mang oras ay handa na niya akong saktan. "Anong oras na?" tanong niya, lumingon ako sa buong silid at hinanap ang maliit kong orasan na nakalagay pala sa maliit na mesa. "Alas sais po, auntie." Pumupungas kong sagot. Gusto ko pang matulog. "Anong usapan natin? Diba ikaw ang mauunang gumising sa amin. Bakit nakahiga kapa rin?" "Pasensiya na po, auntie, napagod po kasi ako kahapon dahil sa paglalabada." "So, kasalanan ko pa na napagod ka?" "Hindi po, auntie, wala naman po akong sinabi na kasalanan mo kung bakit ako napagod at tinanghali ng gising." Kung hindi ko lang kailangan ng matutuluyan matagal na akong umalis sa bahay na 'to. Kaya lang hindi ko pa nahahanap ang mga magulang ko. Wala akong choice kun'di ang mag stay sa kanila. "Lilinawin ko lang sa iyo Exrielle, hindi ka bisita rito. Pumayag ako na tumira ka sa puder ko para manilbihan. Pasalamat ka nalang at pinayagan pa kitang mag-aral." "Alam ko po iyon, auntie Mathilde, hindi ko naman po nakakalimutan ang usapan natin." "Mabuti naman at nagkaintindihan tayo. Magluto kana habang hindi pa lumalabas ng kwarto ang kambal." "Opo, auntie." Pagkalabas ni auntie Mathilde saka lang ako nagmadaling ayusin ang mga susuotin ko para sa pagpasok. Lunes ngayon at ayaw kong mahuli sa flag ceremony. Dumiretso na ako sa banyo nang matapos ako sa pag-aayos. Maliligo na muna ako bago magluto. 6:05am palang naman at 6:40am gumigising sina Marina at Marvi kahit na 7:30am ang flag ceremony sa Breacon Senior High School. "Exrille!!" Mabuti nalang tapos na ako maligo nang marinig kong sumigaw si auntie. Sakto naman na tumunog ang alarm clock ko bandang 6:10am. Pilit akong ngumiti nang lumabas ako sa banyo. Nakapamaywang siya na mukhang kakatapos lang uminom ng tubig. Malapit lang sa kusina ang banyo kaya sinaglit ko lang maligo. Dumiretso ako sa refrigerator at kinuha ang ham, hotdog at itlog. Ito ang lulutuin kong almusal nila auntie at mga pinsan ko. "Bilisan mo magluto!" "Opo, auntie!" Napakurap pa ako nang mapagtantong napagtaasan ko siya ng boses. "Sinisigawan mo ba ako?" "Hindi po, auntie, nagulat lang po ako. Ito na po magluluto na ako. Tatawagin ko nalang po kayo kapag tapos na ako magluto," nahihiya akong humarap sa kanya. Mabuti nalang at umalis na siya kundi malilintikan na naman ako. Inuna ko muna lutuin ang itlog, sunod ang hotdog at ham, nilagay ko na ang mga pagkain sa mesa at nagluto ng fried rice. Saktong 6:40am nang lumabas sina Marina at Marvi kasama si auntie Mathilde. Nang makaupo na sila nilagay ko na ang kape ni auntie sa gilid niya. Sunod kong ginawa ay nag timpla ng juice at nilagay sa mesa. Kumakain na sila kaya umalis na ako kasama ang binalot ko na itlog at ham. Sa school nalang ako kakain. "Saan ka pupunta, Exrielle?" Kakalabas ko lang ng silid nang magsalita si Marina. "Papasok na ako, Marina." Nakangiti kong sagot sa kanya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Kinuha niya ang bag at libro na hawak ko. Tinapon niya iyon pabalik sa bodega na tinutulugan ko. "Maghugas ka muna ng plato at ayusin mo ang kwarto ko bago ka pumasok sa school." sabi niya saka ako nilampasan. Nanlulumo ko siyang pinagmasdan habang umaakyat sa pangawalang palapag. "Ayusin mo rin ang kwarto ko bago ka umalis. Kapag naabutan kong magulo pa rin iyon malilintikan ka sa akin." Seryosong sabi ni Marvi habang hawak ng mahigpit ang braso ko. "Oo, a-ayusin ko." Naluluha kong sagot. Mahuhuli na ako sa klase nito. Dalawang linggo palang ang nakakaraan nang mag start ang klase tapos male-late pa ako. Patay ako nito kay Mr. Duegaz. "Exrille, ayusin mo na 'to, sasabay na ako kila Marina at Marvi umalis. Huwag kang aalis hangga't hindi mo pa nagagawa ang inutos sa iyo." "Opo, auntie." Saktong alas syete ng umaga nang umalis sila auntie at kambal sa bahay. Inumpisahan ko ng ayusin ang mesa at naghugas ng plato. Sampung minuto ko rin ginawa iyon at mabilis na umakyat sa silid ni Marina. "s**t!" Saad ko nang makitang malapit na mag alas otso. Sa sobrang kalat ng silid ni Marina hindi ko na magagawang linisin pa ang silid ni Marvi. "Bahala na!" dagdag ko pa. Sinara ko na ang pinto ng silid ni Marina at pumasok sa silid ni Marvi. Magkatabi lang ang silid nila kaya mabilis kong nalinis ang silid ng panganay sa kambal. Bandang 8:30 nang lisanin ko ang bahay ni auntie Mathilde. "Oh, Exrielle, late kana ata." Salubong sa akin ni Manang Josefa. "Pinagtulungan ka na naman ng kambal?" Yumuko lang ako sa sinabi niya. "Mauna na po ako, Manang." Pag-papaalam ko. Hindi ako pwedeng magtagal at makipagchismisan kay Manang Josefa. Kaibigan niya si auntie Mathilde baka kung ano pa ang masabi ko at siraan niya pa ako kay auntie. Last time na nakipagusap ako sa kanya siniraan niya ako kay auntie kaya isang linggo akong kinulong sa bodega na tanging tinapay at tubig lang ang kinain ko. Matapos ang isang linggo na iyon ang siyang pagdating ni tiyo Marino, masakit din ang natamo ko sa kanya nang malaman niya ang kasinungalingan ni Manang Josefa. Lakad takbo na ang ginawa ko para lang makarating sa Breacon Senior High School ngunit nahuli pa rin ako. Sarado na ang gate at alas nuebe na ng umaga. Kung papasok ako ngayon tiyak na absent na ako sa first class kay Sir Duegaz. So, maghihintay pa ako ng isang oras hanggang sa matapos ang klase sa history. "Miss, saan ka pupunta?" Rinig kong tanong sa akin ni kuyang body guard. Balak ko sanang umikot nalang at dumaan sa likod ngunit nakita naman niya ako. May hawak siyang pandesal at tasa–natitiyak ko na may laman iyon na kape. "Ah, eh.." Nahihiya kong sagot sa kanya nang lumapit siya sa gate. "Pumasok kana." Saad niya, pinagbuksan niya ako ng gate. "Hindi ka pwede rito sa labas–ako ang malalagot kapag nakita ka ni Mr. Duegaz." "Eh, saan naman po ako pupunta?" "Sumunod ka sa akin." Gaya nga nang sinabi niya sinundan ko siya hanggang sa pinakalikod. Wala akong ideya kung ano ang gagawin ko rito kasama niya. Lalo na't first time ko lang magawi rito. Hindi ko rin siya kilala. "Pumasok kana muna." Pinagbuksan niya ako ng pinto. "Dito ka nakatira?" Kuryos kong tanong. "Ha? Hindi." Sagot niya saka tumawa. Ano naman ang nakakatawa sa tanong ko? "Anong nakakatawa?" Iretable kong tanong. "Wala lang. Ayaw mo ba umupo? Mangangawit ka niyan." "Aalis na ako." Naiilang ako sa taong 'to. Baka kung ano pa ang magawa niya sa akin. "Aalis kana agad? Umupo ka muna." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. "Aray! Bakit mo naman ako sinampal?" "Dahil hinawakan mo ako." Pinandilatan ko siya ng mata. "Bawal kaba hawakan?" Tinanggal ko ang salamin ko dahil sa bastos niyang tanong. "Bastos!" Muli ko siyang sinampal pero sa kabilang pisngi na. "Para saan naman 'to?" Tanong niya habang hawak ang pisngi na sinampal ko. Halatang halata ang bakat ng pagkasampal ko dahil sa kulay niya. Mas maputi pa siya sa akin. "Dahil ang bastos ng pagkakatanong mo." "Ano? Anong bastos doon?" Tinalikuran na niya ako saka pumunta sa kinauupuan niya kanina. "Makiramdam ka naman. Hindi lahat ng babae pwede mong hawakan o isama rito sa silid na 'to. Malay ko ba kung matino kang lalaki." Hindi ko na siya tiningnan at tumalikod na. Aalis na ako rito baka kung ano pa ang gawin niya sa akin. "Ikaw lang naman ang dinala ko rito." Awtomatiko akong tumigil nang sabihin niya iyon, "Matino rin akong lalaki pero ikaw bahala kung iyan ang tingin mo sa akin." Hindi ko pa siya kilala kaya hindi ako pwedeng magpadala sa parang anghel niyang boses. Oo aaminin ko gwapo siya pero hindi ko siya type. Hindi siya pasok sa standard ko. Mukha pa siyang babae kaysa sa akin. "My name is Eviel Fourth." "Hindi ko tinatanong." "Gusto ko lang malaman mo pangalan ko, in case, magkita ulit tayo." "Hindi na tayo magkikita at hindi ko gugustuhin na makita kapa." Nanatili akong nakatalikod sa kanya. Hindi ko alam kung saan nangaling ang mga lumabas sa bibig ko.. "Bakit ba ang init ng ulo mo? Ano bang ginawa ko sa iyo?" Nabitiwan ko ang libro na hawak ko nang hilahin niya ako palapit sa kanya. Magkaharap na kami ngayon. "Bitiwan mo nga ako!" "Ang pangit mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Anong sabi mo?" Tanong ko. "Ang pangit mo." Sa pangatlong pagkakataon muli ko siyang sinampal. "Wala ka na bang alam kundi ang sampalin ako?" "Isusumbong kita kay dean." Pagbabanta ko. "At ano naman ang sasabihin mo sa kanya?" "Sasabihin ko na binabastos mo ako." "Wala kang ebedensiya na binastos kita." "Mayroon. Itong pasa na 'to." Pagdadahilan ko. "Bakit may pasa ka? Hindi naman mahigpit ang pagkakahawak ko sa iyo kanina." Tiningnan niya ang pasa na tinutukoy ko. "Anong nangyari sa braso mo?" Tanong niya nang tingnan ang kabuoan ng braso ko. Ngayon ko lang napansin na hindi pa gumagaling ang pasa na natamo ko noong nakaraang linggo. "Sino ang gumawa niyan sa'yo?" Muling tanong niya. Nakaramdam ako ng hiya. "Huwag mo ng tingnan." Hinawi ko ang braso ko. "Ayos ka lang ba?" Lumungkot ang tono ng pananalita niya. "Ayos lang ako. Aalis na ako." "Ayos lang sa akin kung ayaw mo mag kwento. Hindi naman kita pinipilit." Hinatid niya ako sa labas ng silid na tinutuluyan niya. "As if naman na mag ke-kwento ako sa iyo, hindi naman kita kilala." "Kagaya nga nang sinabi ko, ako si Eviel, Eviel Fourth. And you are?" Inabot niya sa akin ang kamay niya. Tatanggapin ko ba iyon? "I'm Exrielle DelaPaz." "Oh nice name. Can I call you, Ex?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook