WARNING: Mature Content. “Sweetheart, hindi ka pa ba nagugutom? Anong oras na, ah,” tanong ni Silver kay Darling nang hindi pa rin bumababa ang babae para maghapunan sa gabing iyon. Tumabi ito sa kasintahan na naabutan nitong nakasuot na ng pangtulog at kasalukuyan nang nakahiga sa kama habang hawak ang remote control at nanonood ng tv. Napatingin lang si Darling sa binata noong maamoy niya ang aroma ng alak sa hininga ng lalaki. “Uminom ka?” instead na sagutin ito ay isang tanong rin ang ipinukol niya dito habang magkasalubong ang mga kilay. Buong maghapon siyang nagkulong sa loob ng kanilang silid at hindi pinansin ang lalaki dahil sa galit na nararamdaman niya dito at sa ex-girlfriend nito. “Isang bote lang. Hindi kasi ako sanay na ganito tayo. Sweetheart, ayokong nagkakagan

