PROLOGO
Kasalukuyang binabayo ng may kalakasang hangin at ulan ang maliit na barong-barong na natagpuan ni Silver sa liblib na bahagi ng kanyang pag-aaring lupain noong gabing iyon. Mabuti na lamang at nakahanap siya ng bahay na matutuluyan bago pa siya naabutan ng bagyo sa kakahuyan, kung hindi ay siguradong basang sisiw siya ngayon.
Kung bakit pa kasi lumakad siya mag-isa noong hapong iyon at tinungo ang parte ng kanyang hacienda na hindi niya pa talaga napupuntahan. Tuloy ay hindi niya natandaan kung anong daan ang tatahakin pabalik sa kanyang mansion. Nagkataon pa na iniwanan siya ng kanyang kabayong si Thor noong kumaripas ito ng takbo nang makarinig ito ng malakas na tunog ng kulog sa kalangitan. Mabuti na lamang at may lalaking tumulong sa kanya na siyang nagmamay-ari ng barong-barong na ito. He was surprised at hindi siya nito nakilala. Marahil isa ito sa mga pamilya na sikretong nagtayo ng bahay sa kanyang lupain na akala niya noon ay kuro-kuro lamang.
Malalim na ang gabi.
Habang nakahiga sa papag ay nilingo-lingo niya ang paningin sa paligid ng tila isang maliit na kahong bahay na iyon. Napakapayak ng pamumuhay ng pamilyang nakatira doon. Mula sa kinalalagyan ay tanaw niya na agad ang dining table ng mga ito na sadyang ginawa lamang mula sa retaso ng mga kahoy. Tanaw niya rin ang kusina ng mga ito na puno na ng uling ang dingding dahil ang gamit lang ng mga ito sa pagluluto ay mga panggatong.
Nakakaramdam na siya ng pananakit ng likod mula sa pagkakahiga sa matigas na katreng iyon. Kumilos siya ng kaonti nang maramdamang lumikha rin ng maliliit na paggalaw ang kanyang katabi sa higaan. Si Darling, ang asawa ni Rodolfo na siyang nakakita sa kanya sa kakahuyan kanina. Ito lang ang bukod tanging lalaking nakilala niya na walang kamali-malisya na ipinatabi sa ibang lalaki ang kanyang asawa. Especially na ngayon lang nila nakilala. Isa lang ang higaan sa bahay na iyon at sa kapayakan ng pamumuhay nila ay ni isang upuan sa sala ay wala ang mga ito. Hindi rin naman siya pwedeng humiga sa sahig dahil diretso lupa na iyon at maputik pa gawa ng basa na rin mula sa tulo ng tubig ulan.
Kumilos ang babae at tumagilid paharap sa kanya. Nagkaroon siya ng pagkakataon na pakatitigan ang maamong mukha nito. Actually noong una, ang buong akala niya talaga dito kanina ay anak ito ni Rodolfo, malaki kasi ang agwat ng edad ng mga ito at halata na bata talaga tingnan ang babae. Nagulat na lamang siya nang hagkan nito iyon sa labi na sinundan din ng pagyakap ng isang batang lalaki dito. Si Utoy, ang nag-iisang anak ng mga ito na pinaggigitnaan ng dalawa sa higaan.
Bumaling siya ng pagkakahiga at humarap sa kabilang side ng bahay. Awkward naman na pakatitigan niya pa ang babae na mahimbing ang pagkakatulog noon. Ngunit nagulat siya nang mayamaya ay maglikot ang kamay nito at biglang yumakap sa kanya. Agad niyang nilingon ang babae ngunit tila ba nananaginip ito na noo'y nagsimula nang himasin ang kanyang dibdib at tyan.
Parang binuhusan siya ng isang timbang tubig na may yelo at hindi nakaimik sa mga oras na iyon. Naglikot pa ang kamay nito at dumapo sa bandang puson niya na tuluyang pumasok sa kanyang pantalon. Hindi pa nakuntento ay sinakop na rin ng kamay nito ang Isang bagay sa loob ng kanyang underwear.
Nanlaki ang kanyang mga mata at pigil ang ginawa niyang paghinga. Ano ba ang dapat niyang gawin? Gigisingin niya ba ang babae o hahayaan na lamang ito, tutal naman ay hindi nito alam ang ginagawa dahil kasalukuyang nakapikit pa rin ito at tila nanaginip?
Nagsimulang gumawa ng movement ang kamay ng babae sa loob ng kanyang kapiranggot na kasuotan. Napakagat siya ng labi. Tutol man ngunit hindi niya makakaila na nagugustuhan na ng kanyang katawan ang ginagawang paghagod doon ng kamay ng babae. Wala na siyang nagawa noong maghumindig ang kung anong laman na nandoon sa loob ng suot na pantalon, dahilan upang maipikit niya ang mga mata at i-enjoy pa lalo ang kasalukuyang ginagawa sa kanya ng babae. Nang maya-maya ay huminto ang kamay ng babae mula sa paggalaw. Narinig niya ang tila mahinang pagmumurang sinabi nito at mabilis pa sa kidlat ay hinugot agad nito ang kamay mula sa loob na kinalalagyan nito kanina. Nanginginig ang boses at pabulong na humingi ito ng paumanhin sa kanya at agad na bumaling ng paghiga sa kabilang side kaharap ang anak.
He was certain na nagkamali lang si Darling at baka napagkamalan lang siya na asawa nito. Pero from that moment ay hindi na siya pinatahimik ng tagpong iyon. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya kung paano siya hawakan ng babae.
Sa pag-okupa nito sa kanyang isipan, tuluyan na ba nitong nabihag ang pihikang puso ng torpeng haciendero na si Silver? Kakatwa mang isipin ngunit papayag bang maging isang kabit ang isang haciendero ng isang simpleng babaeng hirap sa buhay para lamang maranasan ang pag-ibig na inaasam-asam?