Malamig ang may kalakasang hangin na sumalubong kay Silver nang buksan niya ang pintuan pagkalabas ng bahay. Mag-aalas otso na ng gabi ngunit kailangan pa niyang bumalik sa rancho para ipagpatuloy ang nabinbing trabaho. Sinarado niya ang pintuan at naglakad papunta sa sasakyang nakaparada sa harapan. Nang may maramdamang patak ng ulan sa kanyang braso ay tiningala ang kalangitan. Sa mga liwanag na likha ng kidlat na sinundan ng malakas na tunog ng kulog ay hindi sinasadyang makaramdam siya ng pagkayamot. Sa pakiwari kasi niya’y mukhang magsisimula na naman ang ulan na katunayan ay kahihinto lang mga ilang minuto pa lamang ang nakakalipas.
Sa totoo lang ay hindi pa siya nakakapagpahinga. Umuwi lang siya sandali para makapagpalit ng damit dahil sa maghapong pagtatrabaho sa rancho. Dalawang araw na nilang inaasikaso ang pag-rescue sa mga alagang hayop na nabasa sa magkasunod na araw na walang tigil na pag-ulan. Mabuti na lamang at tapos na ang malaking barn na ipinagawa niya kung saan ililipat ang iba’t ibang uri ng hayop na kanilang inaalagaan. Ang mga kabayo na lubos na naapektuhan dahil sa binahang kulungan ay ipinalipat na niya sa bagong gawang kuwadra na hindi kalayuan sa kanyang bahay.
Wala pa man sa loob ng sasakyan ay bumuhos na agad ang malalaking patak ng ulan. Nagkumahog siyang sumakay sa four wheeler truck para makabalik na sa rancho at matulungan ang mga trabahador na siguradong hindi pa tapos hanggang ngayon dahil may kahirapan din pasunurin ang mga alagang hayop. Balak nilang tapusin iyon ngayong gabi para makapagpahinga sila kinabukasan.
Hindi pa man nangangalahati ay zero visibility na ang daan, naging mahirap tuloy ang pagbibyahe niya lalo na at hindi naman patag ang kalsada papunta roon, gayunpaman ay ipinagpatuloy niya ang pagmamaneho hanggang sa makarating na sa mismong site.
“Sir, may nakawala pong tatlong baka kanina. Hindi na po namin nahabol pa sa lakas ng ulan.” Iyon ang ibinungad agad ni Mang Kanor sa kanya pagkababa sa sasakyan..
“Hayaan n’yo muna ang mga iyon. Unahin natin ang nakararami. Babalikan rin natin sila pagkatapos,” habang isinusuot ang rain coat ay sagot niya. Sumunod siya sa matandang tauhan para tingnan kung marami na ba ang naisilong na mga alagang hayop. Nakahinga siya ng maluwag nang makita na konti na lang ang natitirang aasikasuhin.
Agad na pinuntahan niya ang mga tauhan upang tumulong.
“Sir, pwede ho bang umuwi muna?” tanong ng isa pang tauhan na tila kanina pa ito hinihintay. Bahagya pang pinalakas nito ang boses dahil sa ingay na dulot ng ulan ay hindi sila magkarinigan. “Kakatanggap ko lang ho ng text galing sa asawa ko, mataas na raw ho ang baha sa lugar namin,” may pag-aalalang dugtong pa nito.
“Saan ka ba nakatira?” pasigaw rin tanong ni Silver habang inihaharang ang isang palad sa mga patak ng ulan na bumabasa sa mukha.
"Sa bandang Norte po sa dulo ng rancho. Malakas daw po ang agos ng tubig doon at medyo mataas na po ang baha sa ilan naming kalapit na kapitbahay.”
Natigilan siya sa isinagot nito at sandaling nag-isip. Hindi nga ba doon rin nakatira sina Darling at Rodolfo? Hindi kaya isa ang bahay ng mga ito sa kaalukuyang binaha na rin? Sa pagkakaalam niya ay pinataasan naman ang sahig ng bahay ng mga ito noong ipinagawa iyon. Pero hindi rin lingid sa kaalaman niya na may kababaan talaga ang bahaging iyon ng kanyang lupain.
Pinayagan niyang makauwi ang nagpaalam na tauhan ngunit hindi na natahimik ang kanyang isipan. Balisa na siya habang nagtatrabaho at hindi na maalis ang pag-aalala kung ano na ang kasalukuyang kalagayan ng tatlo, lalo na si Darling na medyo matagal na ring hindi nakikita.
Ilang araw na rin na hindi niya nasisilayan ang mukha ng babae. Magmula pa noong isang gabi na hindi man lang sila nakapagpaalam sa isa’t isa dahil kinailangan niyang samahan ang kapatid sa pagsugod sa ospital sa asawa nitong manganganak na noong gabing iyon. Naging abala din siya sa mga sumunod na mga araw sa pagtulong sa kapatid para alagaan ang mga bagong silang na mga pamangkin. Dumagdag pa ang ilang araw na hindi magandang panahon dahilan ng hindi pagpasok sa trabaho ng babae. Aminado siya na nasasabik na ulit siyang makita si Darling lalo na pagkatapos ng naging kaganapan sa pagitan nila noong nakaraan. Ang pagtugon ng babae sa kanyang mga halik ay palatandaan na may espesyal din itong nararamdaman para sa kanya. Walang paglagyan ng tuwa ang puso niya noon. Pagkatapos ng mahabang panahon ay heto at umiibig na siyang muli. Oh, how he misses her so badly. He was longing to feel those kisses once again. Naalala niya pa na napakabanayad ng mga iyon. Parang ang sarap lang papakin ng halik ang malalambot na mga labi ng babae. Bigla siyang napabuntong hininga. Hindi na siya makapag-antay pa na makita at mahawakan ito, pero sa ngayon namamayani ang pag-aalala niya sa babae.
Halos tatlumpong minuto rin ang itinagal ng biyahe niya para lang makarating sa bahay nila Darling. Tama nga siya dahil isang kilometro pa ang layo sa bahay ng mga ito ay parang dagat na ang daan. Pagkarating ay ipinarada niya ang sasakyan. Hindi na niya pinatay pa ang makina at ang headlights noon para magsilbing liwanag sa labas ng bahay. Dagli siyang pubumaba hindi na alintana ang hanggang tuhod na tubig .
Kumatok siya sa nakasaradong pintuan. Lubos na pag-aalala ang naramdaman niya dahil sa taas ng tubig ay baka hindi na mabuksan iyon. Nakiramdam siya sandali. Nang walang nagbukas ng pinto ay tinawag na niya ang pangalan ng babae.
“Darling!” sigaw niya kasabay pa ng ilang malalakas na pagkatok. Ngunit nang wala pa rin siyang sagot na natanggap ay pinihit na niya ang hindi naman naka-lock na pintuan ng bahay, buong lakas na itinulak niya iyon at ilang sandali pa ay bumulaga sa kanyang harapan ang tatlo na nakapatong sa itaas ng papag na ilang inches na lamang ay maabutan na rin ng tubig baha.
"Sir Silver," sambit ng babae nang masilayan ang mukha ng binata. Mahahalata na tila nakahinga ito ng maluwag ng makita ang lalaki.
"Anong nangyari?" tanong niya ng maabutang nakahiga si Rudolfo at may benda sa bandang dibdib nito.
"Nadaganan po ako ng puno kanina. Hindi ko po maigalaw ang katawan ko sa sakit," daing ng lalaki habang pinipilit na makabangon.
Dagli siyang lumakad papalapit sa mga ito. "Tara at dadalhin kita sa hospital," saad niya na agad na kinarga si Utoy upang isakay sa sasakyan. Pagkabalik ay isinunod niya si Rodolfo na maingat na inalalayan sa pagtayo maging sa paglalakad sa tubig. Hinuli niya ang babae na noong balikan ay nakita niyang nagkukumahog ito habang nagbabalot ng nasalbang tuyong damit na pwedeng dalhin.
Wala nang pag-aalinlangan na mula sa likuran nitoy mahigpit niya itong niyakap. May ngiti sa mga labi at nakapikit ang mga matang dinama niya ang init ng katawan nito nang walang ano-ano ay biglang magpumiglas ang babae.
"Sir," inalis ni Darling ang mga braso ng binata mula sa pagkakayakap sa katawan nito sa pag-aakalang baka makita sila ni Rodolfo. Pumihit ito paharap sa lalaki upang pagsabihan sa inakto nito ngunit nang makita ng malapitan ang binata na basang-basa ng ulan at puno ng pag-aalala ang reaksyon sa mukha ay bigla itong nakaramdam ng awa. Tila nakunsensya ito na pagkatapos silang puntahan upang i-rescue na heto nga at nilusong pa ng binata ang baha ay iyon pa ang isasalubong ng babae dito. Sa puntong iyon ay kinabig na nito ang lalaki upang ikulong sa mga braso.
"Are you okay?” tanong ni Silver dito habang pinapakiramdaman ang yakap nito.
“I’m okay,” sagot lang ng babae na tila ba may tamlay sa boses. Sandali itong kumawala upang pakatitigan ulit ang lalaki.
Hindi mawari ni Silver kung bakit may lungkot siyang nasilip sa mga mata ng kaharap. Ngunit dahil nasasabik sa babae ay binalewala niya lang iyon bagkus ay hindi na napigilang kunin ang mukha nito at pupugin ng halik.
“Sir,” saway ulit ni Darling dito. “Not here,” may pagdiing sambit nito sa mga salitang binitawan.
“Why not? Wala naman si Rodolfo,” nakangiti ang lalaki na tila ba sinasabing ok lang ang lahat.
Napatingin si Darling sa gawing pintuan. Oo nga at wala doon ang asawa pero isang kabastusan na gawin nila iyon sa loob ng pamamahay nito. Subalit hindi na ito nakapalag pa nang hapitin ng lalaki ang mukha nito at muling bigyan ng halik ang mga labi.
At first ay may pagtutol si Darling sa ginawa ng lalaki ngunit nang tumagal ay tila nadarang na rin ito sa init ng halik ng binata. Awtomatikong pumulupot ang mga braso nito sa matipunong katawan ng kaharap. Hindi na rin nito namalayang naiawang na ang bibig na tila ba isang imbitasyon sa dila ni Silver na kanina pa nangangahas na pumasok roon. Hindi na nito napigilan pang magpalabas ng mahinang pag-ungol ng iparamdam ng lalaki ang mapupusok na mga halik. Sa kagalakan ng puso noong mga oras na iyon ay naglaho ang mga agam-agam nito na kanina pa gumugulo sa isipan. Subalit sandali lang din iyon ng may biglang maalala. Napahinto ito sa ginagawa at kumawala sa pagkakayakap sa lalaki.
“Sir, about this..” saad nito na pilit nang iniiwas ang mga mata sa kaharap. Baka kasi magbago pa ulit ang isipan sa mga nabuong desisyon nitong mga nakaraang araw kapag pinakatitigan pa ulit ang lalaki.
“About what?” mausisang tanong ni Silver.
“Kailangan na po nating itigil ito,” deretsahang sambit ni Darling.
“What?” napakunot ang noo ng binata sa narinig. “Why? What’s wrong?” naguguluhang tanong niya. Ang buong akala niya ay okay na sila noong nakaraan.
Hindi nagsalita ang babae bagkus ay bahagyang tumalikod. Hinawakan niya ito sa kamay upang muling paharapin at kausapin. Bagamat hindi niya nagustuhan ang sinabi nito, gusto niyang marinig ang dahilan kung bakit bigla na lang itong nagbago ng isip. Nang walang ano-ano ay nakarinig sila ng malakas na pagragasa ng tubig kung saan. Sabay silang napatingin sa bandang pintuan. Nakita nila doon ang malakas na pag-agos ng baha papasok sa loob ng bahay.
Mabilis silang kumilos upang makalabas na mula roon ngunit bago pa man lumusong sa baha ang babae ay binuhat na ito ni Silver.
“Sir, ano ba!” pigil ulit ni Darling sa ginawa ng binata. Nagpumiglas ito upang ibaba ng lalaki ngunit mahigpit ang pagkakakapit ng mga kamay ni Silver sa katawan at hita nito.
Halata sa mukha ang pagmamatigas ng lalaki. Ipinagpatuloy pa rin niya ang ginagawa. Inayos niya ang pagkakagarga kay Darling at nagsimulang humakbang patungo sa pintuan, tuloy-tuloy papalabas ng bahay. Wala na siyang pakealam sa kung anong maaaring sabihin ng asawa ng babae basta naghihimutok ang puso niya noong panahong iyon at sa pamamagitan ng pagbubuhat dito ay gusto niyang iparating na tutol siya sa sinabi nito.
Samantala, blanko lang naman din ang naging reaksyon ni Rodolfo sa nakita. Sa isip siguro nito ay isa iyon sa pagmamagandang loob ng lalaki.
Ilang minuto pa ang lumipas nang magsimula na siyang paandarin ang sasakyan at tahakin ang alam niyang mas safe na daan.
Hindi na sila nakapag-usap pa pagkatapos ng tagpong iyon. Hindi na maipinta ang mukha ng binata na idiniretso ang tatlo sa bahay nito upang doon na muna palipasin ng buong magdamag. Ipinagpabukas na rin nito ang pagpunta sa ospital para matingnan si Rodolfo ng doktor dahil sa hindi pa tumitigil na ulan ay siguradong delikado na rin magbiyahe sa mga busy road.
Sa mga nagdaang oras ay napuno ang bahay ni Silver ng mga trabahador na ipinatuloy rin doon yakag ang sari-sariling pamilya. Lahat ay binaha rin ang mga bahay at walang matutuluyan. Buong pasasalamat ang ipinahatid ng mga ito sa lalaki dahil sa hindi pagdalawang isip nito na ipagamit ang mga kuwartong nandoon sa kabila nang hindi naman talaga sila espesyal na bisita.