Isang nakakabinging pagsarado ng pintuan ang nagpagising kay Silver. Pinakiramdaman niya sandali ang sarili. Wala na siyang sakit na nararamdaman sa dibdib ngunit tila ba napakabigat ng parteng iyon ng kanyang katawan. Maliban sa pagkahilo ay masakit rin ang kanyang balikat, panga at pati na ang mga braso. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mabibigat na yabag ng mga paa papalapit sa kanyang kinaroroonan. Agad nyang nakita si Ibrahim na binubuksan ang pintuan ng kulungang kinapapalooban, may dalang baril sa kaliwang kamay. “P*t*ng inang buhay ito! Dahil sa inyo napurnada pa ang mga binabalak ko!” may galit sa boses nito habang sinususian ang may kalakihang padlock. Kahit masama pa rin ang pakiramdam ay mabilis siyang napabangon at inalerto ang sarili. Lumapit sa kanya ang lalaki at

