Hinanap ng mga pulis si Rodolfo pagkatapos ng tagpong iyon. Kasama ng mga tauhan ng binata ay sinuyod ng mga ito ang kasulok-sulukang parte ng buong lupain ni Silver ngunit hindi na naabutan ng mga ito ang lalaki. Maging ang bahay nito'y hinalughog rin ng mga kinauukulan ngunit nakaalis na ito bitbit ang anak.
Silver was disappointed. Pakiramdam ng binata ay nabigo nito si Darling dahil hinayaan nitong makatakas ang lalaking nagtangkang gumahasa sa kasintahan. He can’t imagine kung ano ang nararamdaman ngayon ng babae. Darling was traumatized sa nangyari. Sa ilang araw na nakalipas ay madalas ayaw nitong makakita ng ibang tao, lalo na kapag bago sa paningin nito. Ngunit mabilis rin naman itong nakabawi lalo na at hindi umaalis sa tabi nito ang kasintahang si Silver. Hindi nito hinayaan na magmukmok lamang sa isang sulok ang dalaga. May mga araw na isinasama nito si Darling sa rancho at sa iba pang parte ng taniman ng iba’t ibang uri ng prutas para malibang ito, pero siyempre hindi naman pwede na sa lahat ng oras ay magkasama ang dalawa. May mga pagkakataon na kailangang umalis mag-isa ni Silver para asikasuhin pa ang ibang mga bagay na ngangailangan ng solong atensyon nito. Sa mga pagkakataong iyon ay naiiwang mag-isa sa bahay ang kasintahan kaya naman hindi na ito nagdalawang isip na kumuha ng magbabantay dito para na rin mapalagay ang kalooban. He hired three security guards para palibutan ang kabuuang vicinity ng bahay, iba pa sa mga security guard na pinagbantay nito sa bawat sulok ng sariling lupain. He doesn’t wanna take risks anymore na habang wala ito'y baka masalisihan ulit ng mga taong nakaaway. Bagay na iniiwasan nitong mangyari.
"Nandito ka lang pala," napawi ang pagkataranta ng binata nang matagpuan ang kasintahan na nililinis ang isang abandonadong kuwadra, hindi kalayuan sa bahay nito. Lately, dahil sa mga nakaraang nangyari ay agad na itong kinakabahan sa tuwing hindi mahagilap ang babae sa loob ng pamamahay, lalo na at hindi naman talaga palalabas si Darling. "Sweetheart, you don't have to do this," kapagkuwan ay hinawakan nito sa kamay ng dalaga upang ipatigil sa ginagawa.
"Hayaan mo na ako, mahal ko. Wala naman akong pinagkakaabalahan eh," pagkatapos lingunin ang lalaki ay ipinagpatuloy ang pagwawalis at pag-iipon ng nakakalat na dayami sa sementadong sahig.
"Tsk. Pagpapawisan ka lang dito. Bumalik ka na sa loob ng bahay. Si Aling Auring na ang bahala dito," kinuha nito ang hawak ng babae upang itabi sa gilid.
Napalabi siya sa tinuran ng binata. "Ok lang, mahal ko. Para naman ma-exercise ang katawan ko. Palagi na lang akong nakaupo."
Hinawakan nito si Darling sa kamay, at bahagyang hinila papalapit. "Hindi mo naman na kailangan mag-exercise, you're too sexy to do that," walang ano-ano ay itinaas nito ang laylayan ng maikling bestida ng babae upang salatin ang umbok ng pwetan ng dalaga.
"Mahal ko, baka may makakita sa atin," pinamilugan niya ito ng mga mata at hinawi ang kamay ng lalaki. Kasunod noon ang pag-ayos ng damit.
"I’m sorry sweetheart, I just really can’t resist everytime suot mo ang damit na iyan," isang pilyong pagkindat ang ibinigay nito sa dalaga habang yakap na ito sa bewang.
"Umalis ka na, sabi mo marami ka pang gagawin ngayon, di ba?" napapailing lang niyang turan. Umiral na naman kasi ang pagka-clingy ng lalaki.
"Oo, pero mas masarap yata kapag nandito lang ako sa tabi mo," paglalambing pa nito kasabay ng pagdampi ng halik sa leeg ng kasintahan.
"Mahal ko," napangiti siya kasabay ng pag-iwas ng katawan sa naramdamang kiliti mula roon.
"Oh sige na. Hahayaan na kita dito. Basta, keep your phone with you all the time. Kapag may emergency, call me right away," kumawala ito sa dalaga kapagkuwan. Sa mga nagdaang araw noong pinapasyal nito ang babae ay namili sila ng mga pangangailangan nito kasama na ang telepono na alam nitong makakatulong sa babae.
"Yes, mahal ko. Naka-isang daang paalala ka na yata sa akin niyan," natatawa lang niyang turan.
"I'm just making sure. Kung pupwede nga lang na ibulsa kita, ginawa ko na," sumeryoso ang mukha nito sa sinabing iyon.
"Hmm, masarap siguro kung nasa bulsa mo ako palagi noh?" biglang panunudyo naman niya dito.
"Sweetheart, akala ko ba pinapaalis mo na ako, hmm?" sa narinig mula sa babae ay hinapit ulit nito ang kaharap.
"Biro lang, mahal ko. Sige na pumunta ka na sa rancho. Are you going back for lunch?"
tanong niya na pagkatapos abutin ulit ang gamit na panglinis.
"Yes, sweetheart. Hindi ko pa pala nasasabi sa iyo, darating mamayang gabi ang mga kapatid ko. Copper will introduce her girlfriend to us," anito.
"Okay," maikling sagot niya lang.
Pagkatapos noon ay tuluyan nang nagpaalam ang lalaki na datapwat bago pa maghiwalay ay binigyan muna nito ng halik sa labi ang kasintahan.
Ipinagpatuloy ni Darling ang ginagawa. Sa ilang minutong kaabalahan ay hindi na niya napansin ang pagdating ng isa pang babae.
"So, it's you. Yung puno't dulo ng kaguluhan dito sa hacienda?" saad ng bagong dating na babae pagkatapos ng ilang minutong pagmamasid sa dalaga.
"Excuse me?" itinaas niya ang paningin at nagpalingo-lingo sa paligid baka sakaling may iba pang kinakausap ang kararating lang na babae. "Ako ho ba ang kinakausap ninyo?" tanong niya pa. Pamilyar sa kanya ang mukha nito, ito ang Doktor na gumamot kay Utoy noong nakaraan.
"Ikaw nga, sino pa ba? Alangan namang makipag-usap ako sa pader!" pagsusuplada nito.
Sandali siyang natigilan sa inakto ng kaharap. "Ah, may ginawa ho ba ako sa inyo, bakit ganyan ho kayo magsalita sa akin?" pag-uusisa na niya.
"Hindi ba ikaw ang Nanay ng batang ginamot ko noong nakaraan?" nameywang ito sa harapan ni Darling.
Hindi siya nakasagot. Sa tono kasi ng pagsasalita nito'y tila may ginawa siyang hindi kaaya-aya.
"May asawa't anak ka na pero nakikipaglandian ka pa rin sa iba?" itinaas nito ang kilay sa pagsasabing iyon.
Napakunot ang noo niya. "Mali ho yata ang nakarating na balita sa inyo," paglilinaw niya.
"Anong mali doon? Alam ba ng asawa mo ang ginagawa mo?" patuloy ang pagtataray ng babae.
Inilagay niya ang walis sa gilid ng kuwadra at nagpasya na lang na umalis. Sa mga ganitong sitwasyon, mas pinipili niya na lang ang manahimik kesa makipagtalo sa isang tao na wala namang basehan ang mga ibinibintang sa kanya. “Mauna na ho ako,” saad niya na lang.
“Teka. Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap,” hinarangan siya nito sa kanyang daraanan at tiningnan mula ulo hanggang paa. “Sa lahat ng tao dito si Silver pa talaga ang pinatos mo, ha. Ang galing mo namang pumili,” sarkastiko itong nagtatawa.
"Pwede ho ba, mag-imbestiga muna kayo bago n'yo ako paratangan ng kung ano-ano," hindi sinasadya ay naitaas na rin niya ang isang kilay.
"Aba, ikaw pa ang may ganang magalit ngayon,” anito. “At anong klase pa bang pag-iimbestiga ang kailangan kong gawin? Halos lahat ng mga tao dito kayo na ang laman ng mga kwentuhan. Isa pa, ang mga mata ko na ang nakasaksi sa paglalampungan ninyong dalawa. Hindi pa ba sapat iyon na ebidensya para sabihing totoong may namamagitan sa inyo ni Silver?”
Pinili niya ulit na manahimik kahit pa nag-aalburuto na ang damdamin na sagutin ang babaeng gumamot sa anak-anakan niyang si Utoy. Ilang minutong katahimikan ang sumaklob sa kanilang dalawa, pinakatitigan siya nito, palipat-lipat ang mga mata sa kanyang mukha at sa suot na damit na kulang na lang ay binabasa na rin ang kalooblooban niya. Nagdesisiyon siyang huwag nang magpaalam at magsimula na lang na lumakad papalayo.
"At sinuot mo pa talaga ang damit na iyan, ha. Para ano? Para mapansin ka pa lalo ni Silver? As if may panama ka naman sa totoong may-ari ng damit na ‘yan," sabi pa nito.
Napatigil siya sa paglalakad.
"Kilala mo ba kung sino ang may-ari niyan?" tanong pa ng babae na sinundan siya. Inihalukipkip pa nito ang mga kamay sa dibdib habang inikutan siya.
Hindi siya umimik. Ang natatandaan niya’y kinuha niya lang iyon sa isang kabinet sa loob ng isang kuwarto. Ang Nanay pa nga nito ang nagutos na kunin niya iyon. Malay niya ba kung kanino ‘yun eh madalas niya lang suotin iyon dahil puro papuri ang natatanggap niya mula sa lalaki kapag suot niya ang dress.
"Ex lang naman ni Silver ang nagmamay-ari niyan. Ang kauna-unahang babae na minahal niya ng lubos. Na hanggang ngayon ay alam kong siyang laman pa rin ng puso niya. Well, isn’t it ovious na pinakatago-tago pa talaga niya ang damit na iyan ‘di ba,” may pagtawa pa itong ginawa pagkatapos binitawan ang mga huling sinabing salita.
Napasimangot siya sa narinig mula sa babaeng kausap.
"Kung ano man ang pakay mo kay Silver, please huwag mo nang ituloy. Hindi katulad mo ang type niya. Ako nga Doktor na hindi pa pumasa sa taste niya, ikaw pa kaya na--" itinigil nito ang pagsasalita at tumawa. "And for your information hindi bagay ang damit na iyan sa iyo," saad pa nito. "You look so cheap!" Kumibot ang gilid ng mga labi nito sa pagsasabing iyon kasunod ng pagtalikod kay Darling at paglakad palayo.
Samantalang ang pagkunot ng noo niya kanina ay napalitan ng pagsalubong ng kanyang kilay. Napakuyom din ang kanyang mga kamay. Sino ba ang babaeng ito para sabihan siya ng ganoon? Ni katiting nga ng pagkatao niya ay hindi nito kilala.
Mabibigat ang kanyang mga paa na ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa likurang pintuan ng bahay ng lalaki. Nagtagis ang kanyang bagang. Bakit nga ba hindi niya muna inalam kung kanino ang damit na iyon? Hindi yung basta-basta na lang niya sinuot iyon ng paulit-ulit. Sandali siyang napaisip. Imposible naman na pag-aari iyon ng mga kapatid ng lalaki eh puro barako ang mga kapatid ni Silver. Imposible rin na galing iyon sa nanay ng lalaki eh matagal na itong patay. Isa pa napaka-sexy naman ng damit na iyon, at may modernong pagkaka-style.
Ipinihit niya ang door knob at binuksan ang pinto para makapasok sa loob. Madilim ang kanyang mukha nang pumaakyat sa hagdanan papunta sa second floor ng bahay. Sa inis, hindi pa man nakakapasok sa kuwarto ng lalaki na siyang kasalukuyang tinutulugan niya na rin ay hinubad na niya ang bestidang suot. Kailangan niya talagang alamin kung pag-aari ba talaga iyon ng ex-girlfriend ng lalaki, dahil kung makumpirma niya nga iyon ay siguradong malilintikan ang lalaki. Katakot-takot na tanong ang ipupukol niya dito. At hindi na siya makapaghintay pa para kausapin ito.