“Sir!” napaatras ang lalaki nang agad na itutok dito ni Silver ang hawak na baril nang buksan nito ang pinto.
“Sorry ho, Mang Kanor,” ibinaba ng binata ang sandatang hawak nang makilala ang lalaking nasa labas ng bahay na kasalukuyang tinutuluyan nito. “Ang aga n’yo naman mamulabog. Ano ho bang problema?”
“Sir, bumalik na po si ma’am,” humahangos ito sa pagsasalita.
“Ano ho?” dahil kagigising pa lamang ay hindi pa talaga nag-sink in sa utak ang sinabi ng may kaedaran na rin na tauhan.
“Si Darling po, kasalukuyang naghihintay sa inyo sa harapan ng bahay ninyo.”
Agad na namilog ang mga mata ni Silver nang marinig ang pangalan ng kasintahan. Bumalik ito sa sala kung saan kita ang isa pang tv monitor na ang mga camera ay nakatutok naman sa paligid ng malaki nitong bahay na ilang araw na ring pansamantalang hindi tinutulugan para sa pansariling kaligtasan. Mula doon ay nakita nito ang babae na nakatayo sa madilim na bahagi ng porch, tila ba takot at may pinagtataguan.
Wala pang suot na pang-itaas ay nagdesisyon na itong puntahan ang dalaga. At dahil hindi pa masyadong magaling ang sugat sa dibdib ay pinili nitong sumakay sa truck na agad ding pinaandar patungo sa malaking bahay.
“Sweetheart?” nagmamadali itong bumaba nang huminto ang sasakyan. Buong pananabik na sinalubong ang ilang araw na ring nawawalang kasintahan. “Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba?” tanong pa nito sa babae bago pa man malapitan.
Samantalang nangingilid na ang luha sa mga mata ni Darling habang pinagmamasdan ang paparating na binata. Finally, pagkatapos ng katakot-takot na kaba na pinagdaanan kanina ay nakabalik na rin siya sa poder ng lalaki. Patakbo niya itong nilapitan ngunit agad ring natigilan nang makita ang kulay puting benda sa dibdib nito.
“Anong nangyari sa iyo, mahal ko?” buong pag-aalalang tanong niya na doon lang napako ang tingin nang bahagyang yakapin ng lalaki.
“Tsaka na natin pag-usapan ‘yan. For now, let’s get out of here,” kinuha nito ang isang kamay ni Darling upang akayin papunta sa sasakyan.
“Huh? Saan tayo pupunta?” naguguluhang niyang tanong.
“May isa pa akong bahay dito sa hacienda. Maliit lang pero mas safe mag-stay doon kesa dito,” saad ng lalaki na binuksan na ang pintuan ng passenger seat.
Napatulala lang si Darling nang mula sa liwanag na nanggagaling sa ilaw sa labas ng bahay ay naaninag niya rin ang sugatang mukha ng lalaki.
“C’mon, sweetheart,” bahagya nang hinila nito ang kamay ng kasintahan at pagkatapos pasakayin sa sasakyan ay tsaka umikot sa kabilang side upang makapwesto na rin sa driver's seat.
Ilang sandali pa ay tinatahak na nila ang daan pabalik sa pinanggalingan kanina.
“Who did this to you? Si Ibrahim ba?” pigil ang galit na nararamdaman ni Darling habang pinagmamasdan pa rin ang lalaki. Sa kabila ng may kadiliman sa loob ng sasakyan ay halata sa maskuladong katawan nito ang mga pasa at papagaling pa lamang na mga galos.
“Si Rodolfo,” maikling sagot lang ng binata habang pinapalipat-lipat ang paningin sa daan at sa babaeng kasama sa loob ng sasakyan.
“Rodolfo?” naguguluhang tanong niya ulit.
“Yes. Umamin siya sa akin na siya ang kumuha sa iyo sa festival noong nakaraan,” kwento nito. "Did he do something to you?"
May kabagalan siyang napailing habang inaalala ang lahat. Sa pagkakatanda niya ay may isang taong tumakip sa kanyang ilong at bibig dahilan ng pagkawala ng kanyang ulirat at pagkatapos nga ng ilang oras ay nagising na lamang siya sa isang higaan katabi si Ibrahim. Pero wala naman siyang weird na naramdaman sa sarili, particular na sa pribadong parte ng p********e. "Not that I know of," sagot niya lang. "Ni hindi ko nga alam na kasabwat siya nila Ama sa pagkuha sa akin," esplika niya.
Napatango lang si Silver. At least now ay sigurado itong nagsisinungaling lang talaga si Rodolfo sa mga sinabi nito noong nakaraan tungkol sa ginawa raw nitong panghahalay sa babae.
Sa mga nagdaang minuto ay ikinuwento nila ang mga nangyari sa kanila noong nawalay sila sa piling ng isa’t isa. Hanggang sa makarating sila sa harapan ng isang maliit na konkretong bahay.
“I’m sorry about your mom,” pakikisimpatya ng lalaki nang malaman ang tungkol doon. Hinawakan nito ang kamay ng babae at marahang pinisil.
Simpleng ngiti lang naman ang isinagot ni Darling.
“I just couldn't believe na pagkatapos malaman ng iyong ama ang nangyari sa atin ay gusto ka pa rin niyang ipakasal sa lalaking iyon,” may galit na sambit nito na pagkatapos pumababa sa sasakyan at umikot sa kabilang side ay inilahad nito ang palad sa harapan ng babae upang alalayan naman ito sa pagbaba.
Doon ay muli silang nagyakap. Hindi man kahigpitan dahil sa sugat ng lalaki pero mas ramdam nila ngayon ang pagka-miss sa isa't isa. Bumilang iyon ng ilang minuto bago sila naghiwalay.
“Are you sure, you’re okay? Sinaktan ka ba nila?” hinawakan nito ang baba ni Darling at iniangat ang mukha. Aninag na nito ang anyo ng dalaga mula sa liwanag ng pasikat na araw.
“Huwag mo akong alalahanin, mahal ko. Ikaw nga diyan ang nasaktan dahil sa akin,” pinagmasdan niya ulit ang lalaki na sa kabila ng may mga sugat sa mukha at katawan ay napakagwapo pa rin at hindi pa rin nababawasan ang kakisigan.
“Wala ito,” saad nito kalakip ang simpleng pagngiti. Kumilos ito upang igiya na ang babae papunta sa harapan ng naiwan na nakaawang na pintuan ng bahay. “Actually, I am planning to get you back tonight. Nakaplano na ang pagpunta namin doon kasama ng mga kapatid ko,” wika nito habang itinutulak papasok ang pintuan.
Natigilan si Darling. Mabuti pala at nauna na siyang tumakas bago pa sumugod ang mga ito sa kanilang lugar. Sa narinig ay kinuha niya ang braso nito, at hinila upang paharapin ito sa kanya. “Promise me, mahal ko, whatever happens, may kasama ka man o wala, hinding hindi ka tatapak sa lupain namin. It’s too dangerous for you to go there,” seryosong saad niya dito habang pinakatitigan ito sa mga mata.
“Sweetheart, kung para sa kaligtasan mo, yes I will definitely do it, without a doubt. Whatever it takes. At hindi mo ako mapipigilan, Prinsesa Amira,” seryosong turan ng binata na may pagpisil pa sa ilong ng kaharap. “But dahil nandito ka na, hindi na ako papayag na kunin ka ulit nila sa akin,” hawak ang kamay ng babae pumasok sila sa loob ng bahay. “I hate to say this but sabi mo dati, kung ang pagtatago lang ang magiging paraan para sa katahimikan ng buhay natin, gagawin ko iyon basta makasama ka lang.”
Napangiti lang siya sa tinuran ng binata. Paano’y inagaw na ang atensyon niya ng studio type na bahay na iyon. It was a small and simple house pero parang may touch ng isang babae ang pagkaka-style ng loob ng bahay.
“Pasensya ka na dito. Halos isang dekada ko na yatang hindi ito nadadalaw, kaya makapal na ang alikabok,” wika ng binata habang inaalis ang mga itinabon na puting tela sa mga upuang nasa kalapit na sala at dining table na may bulaklaking style ng table runner. Ilang araw pa lamang itong nag-stay doon at madalas ay ginagamit lang nito ang bahay na iyon kapag matutulog.
“It’s okay. Mas pipiliin ko naman na ganito ang maging bahay ko kesa sa malaki nga pero hindi ko naman mahal ang taong makakasama ko doon,” sagot niya rin.
Pagkatamis-tamis ang pinakawalang pagngiti ng lalaki. “Halika ka nga dito,” umupo ito sa corner ng higaan at hinila ang kamay ng babae papalapit dito. Sa pagitan ng mga hita ay doon nito ipinapwesto si Darling. “Do you know that we have a lot of catching up to do?” pagkatapos sabihin iyon ay kinagat ang pang-ibabang labi habang ang mga kamay ay tumungo sa batok at sa may kaliitang bewang ng babae.
Pilyong napangiti lang din si Darling.
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang lalaki at agad nang hinapit ang mukha ng kasintahan upang mahagkan ang mga labi nito. Awtomatikong pumikit ang kanilang mga mata at ipinaling sa magkaibang direksyon ang kanilang mukha. Nag- lock agad ang kanilang mga labi at nagsimulang kumilos ng marahan. Bagamat mararamdaman ang pagkasabik sa bawat isa ay hindi nila minadali ang sandaling iyon. They are taking time to feel those warm kisses. Ang mga halik na tanging nagpapainit sa kanilang buong katawan. Kumilos si Darling upang dahan-dahang pumaupo sa kandungan ng lalaki. Agad namang naglakbay ang mga kamay ni Silver at tila ba may sariling isip na mula sa labas ng suot-suot na damit ay dinakma agad ang dibdib at puwetan ng babae. Napakapit naman ang mga kamay ng dalaga sa matitipuno nitong mga balikat. Maya-maya pa ay gumawa na rin ito ng maliliit na pag-indayog ng katawan lalo na nang maramdaman ang bukol ng lalaki sa harapan. Humigpit ang pagkakapisil ni Silver sa pwetan nito na may pagdiin na rin sa pribadong parte ng katawan. Hanggang sa dahan-dahan na itong pumahiga habang iniibabawan ng kasintahan. Papunta na sila sa kasarapan nang marinig ni Darling ang pag-aray ng lalaki nang madaganan niya ang sugat nito sa dibdib, dahilan ng pagtigil nila sa ginagawa.
“I'm so sorry, mahal ko,” paumanhin niya na inayos ang pagkakaupo sa puson ng lalaki.
“It’s okay, sweetheart,” natatawa lang na pakli ni Silver na hahatakin na sana nito ulit ang babae upang muling mahagkan nang biglang matigilan.
Sa gilid ng mga mata ay napansin ng binata ang tv monitor na nasa dingding. May kung anong pagkilos ng bagay ang nakita nito roon. Binigyan nito iyon ng pansin nang makita ang pagparada ng dalawang sasakyan sa harapan ng malaking bahay na pinanggalingan ng mga ito kanina. Napakunot ang noo nito kaya natuon na rin doon ang pansin ng dalaga. Pagkaharap doon ni Darling ay nakita niya ang paglabas sa sasakyan ng kanyang ama at ni Ibrahim kasama ang ibang mga tauhan nito. At walang sabi-sabi na pumwesto ang dalawang lalaki sa harapan ng pintuan upang pagsisipain iyon.
Halos sabay silang napatayo sa nasaksihan.
“Amira! Alam ko nandito ka! Alam ko itinatago ka na naman ng gagong lalaking ‘yan. Kung ako sa iyo ay magpakita ka na kung ayaw mong pagsisihan ang muling pagpunta mo rito,” sigaw iyon ni Ibrahim nang makapasok na ito sa loob ng bahay. Inilibot nito ang paningin doon na tila ba naghahanap ng palatandaan kung nandoon nga ang babaeng hinahanap.
Samantala, napapanood nila ang lahat ng pinaggagawa ng mga ito sa mga kagamitan ni Silver. Pinagbabasag ng mga ito ang mga display doon at pinagsisira ang anumang mahawakan ng mga kamay. Nang maya-maya pa ay tumunog ng malakas ang security alarm ng bahay at ilang minuto pa ay awtomatikong inabisuhan ang mga pulis. Balewala naman ang malakas na tunog na iyon sa mga ito na nagpatuloy lang sa panloloob sa bawat kuwartong naroroon.
“We need to get out of here, right now,” saad ni Silver na mabilis na kumilos. Kinuha nito ang baril na dinampot kanina at isinuksok sa tagiliran. Sa pagmamadali naman ni Darling ay hindi na nito nadampot pa ang bag na daladala. Mabilis nilang ini-lock ang pintuan at agad na sumakay sa kabayo na nasa likuran lang ng bahay. Kahit pa sumasakit ang sugat sa dibdib sa tuwing nasakay doon ay tiniis iyon ng lalaki. Pinabilis nito ang pagpapatakbo sa kabayo papunta sa maze garden kung saan hindi sila makikita ng mga humahanap sa babae. Pagdating doon ay mabilis pa sa alas kuwatro nang makapasok ang mismong kabayo sa underground stairs ng hidden pod ng lalaki at mula sa tv monitor na nandoon ay pinanood nila ang bawat pagkilos ng mga ito.
Dismayado si Ibrahim at ang ama ni Darling nang hindi nakita doon ang dalaga. Pagkalabas ay napansin ng mga ito ang mga marka ng gulong ng sasakyan at nagdisiyon na sundan iyon. Wala pang tatlumpong minuto nang matagpuan ng mga ito ang sasakyan sa tapat ng maliit na bahay na kapagkuwan ay sapilitan ding pinasok. Doon ay natagpuan nila ang bag ni Amira. Kumpirmado na nandoon nga ang babae. Napangiti si Ibrahim sa isiping mapapasakamay na ulit nito ang babae ngunit nang makita rin ang tv monitor sa dingding ay galit na galit itong kinuha ang isang upuan para ihagis doon. Ngayon nito napag-alaman na kanina pa pala sila pinapanood ng dalawa at dahil doon ay maaring kanina pa nakalayo ang mga taong hinahanap. Ilang sandali pa ay narinig ng mga ito ang malakas na ugong ng police siren. Ngunit hindi nagpatinag ang mga ito at pilit hinanap pa rin ang dalawa.
Dahil sa walang makitang bakas kung saang parte ng napakalaking haciendang iyon naroroon sina Silver at Darling ay naghiwahiwalay muna ang mga ito. Sakay ng isang sasakyan na papunta sa rancho ang matandang Datu, at si Ibrahim naman sa isa na papunta sa direksyon kung saan naroon ang maze garden. Walang pakealam ang mga ito na sagasaan na lamang ng sasakyan ang ibang maliliit na tanim na madadaanan. Pati ang ibang mga hayop na malayang nakakagala sa hacienda ay nabulabog rin sa mabilis na pagpapaandar ng mga sasakyan.
Ilang minuto rin ang lumipas nang marating ng grupo ni Ibrahim ang pinaka bungad ng hardin. Nagtaka pa ito kung paano makakapasok roon dahil hindi naman kasya doon ang dalang BMW kung kaya nagdesisiyon na lamang itong bumaba at bagtasin ang daan. Dahil hindi sigurado kung saan patungo ang may kakitirang daan na iyon ay nagsama na lamang ito ng dalawa pang tauhan.
Samantala patuloy lang naman ding mino-monitor nina Silver at Darling ang mga kaganapan sa kabuuang hacienda, partikular na sa mismong itaas ng kanilang kinalalagyan. Napahawak si Darling sa braso ni Silver nang maramdaman ang takot nang simulang pasukin ni Ibrahim ang hardin.
“Don’t worry, sweetheart. Hindi nila malalaman na nandito tayo,” saad ng lalaki na hinimas pa ang kamay na iyon ng babae.
Mula sa maliliksing mga paglakad na ginawa ni Ibrahim kanina ay napalitan iyon ng mabibigat na pag-angat ng mga paa. May edad na rin ito kaya hindi na rin ito makalakad ng malayo lalo na at hindi naman nito alam kung saan dadalhin ng nakakalitong daanan ng hardin na iyon.
“Parang nanggaling na tayo dito kanina ah!” magkasalubong ang mga kilay na saad nito.
“Parang pabalik-balik nga lang ho tayo,” susog rin ng isa na inilibot pa ang paningin sa paligid.
“Dumito ka lang, at hintayin mo kami,” utos nito sa isang kasama.
“Teka ho, paano ho kung hindi tayo magkita at maligaw ako,” pagrereklamo naman nito
Napakamot lang ng ulo si Ibrahim sa isinagot ng isang tauhan. May point nga naman ito, paano kung sila man ay maligaw rin?
May naisip na idea ang isang lalaki, minarkahan nito ang daanang iyon sa pamamagitan ng pagputol sa malaking tangkay ng halaman na bumabalot sa buong pader. Palataandaan na nanggaling na sila sa lugar na iyon.
Nagpatuloy sila sa paglalakad, hanggang sa may narinig silang malakas na tunog kung saan. Lingid sa kaalaman ng mga ito ay gumalaw ang isang pader ng hardin at hinarangan ang isang direksyon na kanilang daraanan. Nagpatuloy ang mga ito sa paglalakad at sa pangalawang pagkakataon ay narinig ulit nila ang misteryosong tunog na iyon na tila ba nagmumula sa lupa. Isang daanan muli ang nagbukas at isa pa ang nagsarado. Sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakad ay ibinalik sila sa lugar kung saan nila nakita ang pinutol na tangkay ng halaman.
“P*tang *nang yan! Pabalik-balik lang tayo!” napipikon nang saad ni Ibrahim . “Mabuti pa at lumabas na tayo rito at baka wala naman talaga dito si Amira!”
Pagod ang mga itong nakalabas sa hardin na iyon na pagkabalik sa malaking bahay na unang pinagsisira ng mga ito kanina ay nandoon na ang mga pulis, kausap ang matandang Datu. Nakita nitong pinipilit ipaliwanag ng ama ng dalaga ang nangyaring panggugulo sa lugar na iyon.
Ilang minuto pa nang malaman ang kaguluhan sa hacienda ay dumating rin sina Gold at Copper, dala ang mga abogado ng mga ito. Hindi na nakapag-isplika pa si Ibrahim kabilang na ang Datu at mga kasama nito ng papasukin ang mga ito sa loob ng police car at dalhin sa presinto.
Mula sa tagiliran ay nayakap naman ni Amira ang binata ng masaksihan ang paghuli sa ama. Hindi pangkaraniwan sa isang Datu ang makulong at masabit ang pangalan sa mga gulong nagawa nito kaya sigurado siyang abot langit ang galit nito ngayon. Sigurado siyang makakawala rin ang mga ito agad-agad dahil kaliwaan din ang mga koneksyon nito.
Samantala, tila nakahinga ng maluwag si Silver. Alam ng binata na hindi ito ang magiging huling pagsugod ng mga iyon sa kanyang lupain, pero dahil sa magagaling ang kanilang mga abogado, hindi man huli iyon ay sigurado siyang matatagalan ulit iyon dahil sa ipapataw nilang kaso kabilang na ang pagrestrikto sa mga ito mula sa pagpasok sa kanilang mga ari-arian.