“Fatima!” tawag ni Silver sa babae nang maaktuhang kakalabas pa lamang ng kuwarto nito. Pinigilan niyang mailakas ang boses dahil kasalukuyan pang himbing sa pagkakatulog ang kasintahan. Hindi ito nakatulog buong magdamag sa kakaisip sa nangyari at sa mga consequences na mangyayari pa sana kung nakita sila sa ganoong sitwasyon ni Darling. Binagabag siya ng kunsensya na huwag nang maulit iyon dahil halos lumabas na ang puso nito sa ginawang pagsisinungaling kagabi. Kaya naman maaga siyang tumayo upang abangan ito upang komprontahin. Habol niya ang babae na tila ba walang narinig. Pababa na ito ng hagdanan at hula niya ay papunta ng kusina. Usually kasi ay nauna na itong magkape bago pa makisalo sa kanila sa agahan. “Pwede ba, kausapin mo ako!” hinawakan niya ang braso ng babae at ba

