Sa huling pagkakataon ay ginawaran ni Silver ng halik sa mga labi ang asawa bago ito pumasok sa loob ng isang kuwartong nakabukas ang pintuan. Thirty minutes pa bago ang eksaktong oras ng paglipat ng mga cornea ni Dan dito ngunit dahil may iba pang preparasyon na gagawin sa babae ay pinapasok na ito sa operating room ng maaga. Ayon sa nurse ay dalawang oras lang naman daw ang itatagal ng operasyon kaya maghihintay na lang ang lalaki sa nakahilerang upuan sa gilid ng pintuan hanggang makalabas ulit ang asawa. Sa sumunod na mga minuto ay walang ginawa si Silver kung hindi tumayo, lumakad, umupo, at titigan ang pintuan ng kuwartong pinagpasukan ng babae. Iginiya si Amira ng isang nurse pahiga sa isang hospital bed. Nang komportable na itong nakahiga doon ay tinusukan ito sa punong kama

