Chapter 3: Tamaska, Wiltale

1640 Words
Nailabas na ni Joe ang mga maleta ko at ngayon ay hinihintay nalang namin kung sino man ang susundo sa akin. Hindi ko alam kung excited ba ako o kinakabahan. Nasa pagitan at hindi ko matantsa kung ano ang nararamdaman ko. "Magugustuhan kaya ako ni aunt Nina?" "Ilang beses mo na ba yan tinanong ngayong araw?" "Hindi ko alam Joe, ewan para akong ewan na kinakabahan." inikutan na lamang ako ng mata ni Joe at hindi na sumagot pa sa akin. Eksakto ng alas-nueve ay nag-ingay ang door bell. Agad akong pumunta sa intercom at tinignan kung sino ang mga naroon. Dalawang lalaki. Naka-itim na damit at parehong nakasuot ng leather jacket. Ang isa ay nakasuot pa ng sunglasses, ang isa naman ay nakasuot ng sumbrero. Magtatanong pa sana ako kay Joe kung sila na ba ang hinihintay namin pero ng tignan ko ito ay nakatayo na at hinahatak na ang isa sa maleta ko papunta sa may pintuan. "Ano?" tanong nito sa akin. "Sigurado ka bang sila yung susundo sa akin?" kumunot ang noo nito sa akin "Buksan mo na ang pinto." In-unlock ko na ang pinto para makapasok na ang dalawang lalaki sa loob ng apartment ko. Nagkatinginan sila Joe at ang dalawang lalaki. Hindi naman sa matagal ang nangyaring titigan pero bakit pakiramdam ko ay kilala nila ang isa't-isa? Para bang kahit walang salitaan na nangyari ay nagkaintindihan silang tatlo. Iniabot ni Joe ang isang maleta doon sa lalaking naka-salamin. Ang isa naman ay kusang kinuha noong lalaking naka-sumbrero. Ang pangatlong maleta na maliit ay si Joe ang humila. Dinampot ko nalang ang aking hand bag at ang aking telepono saka sumunod sa tatlong lalaki palabas. Ako na rin ang nagsara ng pintuan. Dumiretso kaming apat sa tapat ng elevator. Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin. Walang nagsasalita. Nakikita ko ang itsura ng dalawang lalaki sa harapan namin ni Joe. Diretso lang ang tingin nila sa repleksyon, napansin na rin siguro nila ang pagtingin ko. Ilang segundo ang lumipas, biglang natawa ang dalawang lalaki. Narinig ko din ang pigil ngunit biglaang tawa ni Joe. Tinignan ko si Joe na pilit na kinakagat ang kanyang labi para mapigilan ang tawa niya, ganoon din ang isa sa mga lalaki pero ang lalaking nakasalamin ay hindi na hindi napigilan ang pagtawa. Napakunot ng todo ang noo sa akto ng tatlo. Mayroon bang nakakatawa na hindi ko man lang alam? Anong mayroon? Naguusap pa sila pero hindi ko naririnig?. "Joe?" tumikhim si Joe at bumalik na ang seryosong mukha nito. Tumigil na din ang lalaking nakasalamin sa pagtawa, bumalik sila sa kaninang tindig na parang walang nangyari. "Pinagtatawanan niyo ba akong tatlo?" tanong ko at saka bumukas ang pintuan ng elevator. Walang sumagot sa tanong ko. Sunod-sunod silang pumasok sa elevator at parang hindi ako narinig. Umirap ako at inis na pumasok din sa elevator. Pinindot ni Joe ang buton para sa palapagan ng helicopter. "Bakit pataas? Wala naman na ang parking diyan sa taas." "Hindi tayo makakalabas kung sa kotse ka sasakay. Kilala ng mta reporters kung ano ang sasakyan mo, kaya panigurado kapag nakita nila yon ay susunod sila." "At tapos?" "Helicopter." "Ibig mong sabihin, helicopter...ang sasakyan ko?" "Oo." natahimik ako. Hindi naman sa hindi pa ako nakakasakay ng helicopter pero alam niyo ba kung gaano kamahal ang sakayan doon? Milyon! Gaano ka kayaman aunt Nina?! Matapos ang ilang minuto ay dumating na kami sa helipad. Nakaparada doon ang isang itim na helicopter. Isinakay nila ang nga maleta ko. Ang dalawang lalaki ay naupo sa harapan at ako naman ang mag-isa na nakaupo sa likod. Piloto sila?! *** Hindi ko alam kung dahil ba sa himpapawid kami dumaan kaya mas mabilis pero alam kong hindi na ito ang syudad. Papalapag kami sa gitna ng mga puno. Nasa gubat ba kami? Baka mali sila ng paglalandingan? May isang malaking pabilog na espasyo akong natatanaw at ang paligid nila ay mga puno. Tamang tama ang laki nito para sa helicopter. Kung gaanon, nandito na kami? Private property? Pagkalapag ay inalalayan nila akong makababa mula sa helicopter. Nang makakababa ay naglakad na sila. Para itong silang path walk pero ang mga haligi ay mga puno. "Sandali! Paano yung mga gamit ko?" lumingon sa ang nakasalamin. "May kukuha niyan mamaya. " tugom nito Napatakbo ako papalapit sa kanila dahil tila ang bilis at ang laki ng kanilang mga hakbang kaya ang layo na nila kaagad sa akin. Tahimik lang akong nakasunod sa kanila. Puno ang nagsisilbing haligi ng daanan namin. Tahimik silang dalawa at ganoon din ako. Pagkatapos ay lumiko silang dalawa, ganoon parin parang pasilyo ito at mga puno ang haligi. Napakatahimik. Buti nalang at hindi ako nagsuot ng patulis na heels kundi patay ako ngayon dahil lupa ang dinadaanan namin. Hindi naman malambot ang lupa, sadyang hindi lang madaling daanan lalo na para sa akin na sanay sa sementadong daan. Sa di kalayuan ay may natatanaw na akong mga tao na nakatayo sa dulo. Sa likod nila ay tila...palasyo? Kada hakbang ay tunog ng mga tuyong dahon na naapakan namin ang nag-iingay. Nang mapalapit na kami sa kung nasaan ang tila dulo nito kung saan may mga tao na naghihintay sa pagdating namin. May tatlong tao ang roon, ang isang lalaki ay nakaupo sa isang wheel chair at ang isa nama ay nakatindig sa gilid nito, at ang pangatlong tao ay si aunt Nina! Pinigilan ko ang gulat sa aking ekspresyon dahil doon sa picture ni mama kasama si aunt Nina ay ganoon parin ang itsura niya! Nagbago lamang ang ayos ng buhok. Pero ang mukha niya ganoon parin, walang pagbabago! Tila hindi siya tumanda, bakit? Tahimik parin akong sumusunod sa dalawang lalaki hanggang marating namin ang dulo kung saan nakatayo sila aunt Nina at sa likuran nila at isang makaluma na mansyon. Ngumiti sa akin ang lalaki sa wheel chair. Ang bata niya pang tignan kaya nakakapagtaka na naka-wheel chair na siya. Ang isa pang lalaki sa gilid ay nakatingin lamang sa akin, nagmamasid. "Masaya ako na nakarating ka ng ligtas dito sa Witale, Sol." bungad sa akin ng lalaki sa wheel chair. "Ganon ho ba? Salamat po kung ganoon." nahihiya kong tugon Tila ba hinihintay talaga nila ang pagdating ko dito. Sa pagka-ilang ay itinuon ko na lamang ang aking paningin kay aunt Nina. Hindi ito nakangiti sa akin at hindi rin naman masama ang tingin. Payapa ang ekspresyon niya, masaya pero hindi nakangiti. "Aunt Nina..." tawag ko sa pansin niya. Iginalaw lamang nito ang kanyang kilay ng saglit na tila hinihintay kung ano man ang sasabihin ko. May gusto akong sabihin pero tila nawala at nakalimutan ang kung ano man na sasabihin ko. "Pumasok na muna tayo sa loob para makapag-pahinga ka Sol." tawag pansin muli sa akin ng lalaki sa wheel chair. *** Iginaya siya ng limang tao papalapit sa engrandeng hagdanan ng mansyon kung saan sa tingin niya ay doon siya mamalagi sa loob ng isang buwan. Sa dulo ng hawakan ng hagdan ay nakaukit ang dalawang tila mga batang aso na nakaupo at nag-aanyaya ng kung sino man ang nais pumasok sa loob. Napansin din ni Sol na kung saan sila naglalakad mula sa kakahuyan ay puno ng tuyong mga dahon na tila matagal kung linisin pero ang daanan na nila papunta sa mansyon at malinis at palagian itong nalilinisan. Sa gilid ng hagdan ay may daanan para sa wheel chair, katulad ng disenyo ng hagdan kung saan sila dadaan patungo sa malaking pintuan ng mansyon. Luma ang disenyo ng mga haligi ng mansyon, kadalasang nakikita lamang ni Sol ang mga ganoong disenyo tuwing siya ay nasa Europe tuwing may fashion runway siya na pupuntahan. Kulay puti na may malalaking parte ng ginto ang haligi at pader ng mansyon. "Totoo kayang ginto ang mga 'yon?" hindi maiwasan na tanong ni Sol na sa kanyang isip niya lamang itinanong. Tinutulak ng binata kanina ang wheelchair samantalang, nasa harapan niya naman ang aunt Nina niya at sa likod niya ang dalawang lalaki kanina na sumundo sa kanya. Nasa harapan na siya ngayon ng pintuan ng mansyon. Triple ang haba o mas higit pa kumpara sa kanya ang laki ng pintuan. Nasa gilid ni Sol ang lalaking naka-wheel chair at ang lalaking nagtutulak dito, samantalang sa harap naman niya ang aunt Nina niya. Ang dalawang lalaki na sumundo sa kanya ay nanatiling nasa likod niya. Dahan-dahan ang pagbukas ng malaking pintuan sa harapan niya. Liwanag ang sumalubong sa kanya. Isang mataas ay mas engrandeng hagdan ang unang makikita pagbukas ng pintuan. Matataas na binta na mayroong nakahilis na mga bintana para makapasok ang sinag ng araw ang mas lalong nagpapaliwanag sa loob. Ang mga muwebles, display, mga frame at kung ano ano pang gamit sa loob ay makaluma ang mga disenyo pero puros elegante kung titignan. Isa lang ang nasa isip ngayon ni Sol. Hindi lang basta mayaman ang nakatira sa mansyon na iyon, kundo lubos-lubusan ang yaman nito. Sagad sa buto na yaman kumbaga. Hindi napansin ni Sol na napanganga siya ng kaunti. Isinara niya ang bibig ng mapansin na nasa paningin siya ng lahat. "Nina, ikaw na ang bahala kay Sol. Ituro mo ang kanyang kwarto." "Masusunod, Señor." "Ikaw din ang gusto kong aalalay sa kanya habang namamalagi siya dito." "Masusunod, Señor." "Sana panatag ang loob mo dito, Sol." Baling ng lalaki kay Sol. *** Ngumiti ako sa lalaki sa wheel chair at nagpasalamat. Nagpaalam na ito na aalis na muna at aakyat sa kanyang silid. Sumunod sa kanya ang tatlong lalaki at naiwan na kami ni aunt Nina. Sa unang pagkakataon ay ngumiti ito sa akin at inilahad sa akin ang kanyang mga kamay. Nagaanyaya ng isang yakap. Lumambot ang puso ko kaya't lumapit na ako at niyakap siya. "Maligayang pagbabalik sa Witale, Luna Sol." bulong ni aunt Nina at saka binigyan ako ng mahigpit na yakap. Pagbabalik? Ngayon palang ako nakarating dito, hindi ba?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD