Chapter 2; Aunt Nina

1658 Words
"Naalala mo yung sinabi mo sa aking kaibigan din ng mama mo? Yung sumuporta sayo pero hindi nagpapakita? Doon ka muna!" "Ano?!" "Ano na nga bang pangalan 'non?" "Hindi! Hindi ako aalis! Haharapin ko 'to ngayon!" "Hindi nga pwede Luna Sol Heartleaf! Makinig ka muna sakin!" kinagat na lamang ni Sol ang kanyang labi at hinayaang magsalita ang kanyang manager. "Isang buwan. Kahit isang buwan lang, doon ka muna sa kaibigan ng mama mo na 'yon habang inaayos ko ang gulo dito." "Pero Joe..." "Please, Sol?..." * * * * * * Tinapos nila ang usapan. Walang nagawa si Sol sa desisyon ng kanyang sariling manager. Nakaalis na si Joe sa kanyang apartment habang si Sol ay tulala parin sa kawalan. Medyo lumalamig na ang toasted na tinapay na inilabas niya kanina sa toaster bago umalis si Joe. Bumalik ang tingin niya sa inihahandang pagkain para sa kanya. Nawalan siya ng gana. Umalis siya sa kusina at dumiretso sa kwarto. Ibinagsak ni Sol ang kanyang katawan sa kama at isinubsob ang mukha sa kanyang comforter. Umiinit ang pisngi niya at humahapdi ang kanyang mata. Hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha. Tahimik na humikbi si Sol sa kanyang kwarto. Gusto niya man tumigil sa pag-iyak ay parang mas lalo lamang siyang naluluha. Hindi siya naiyak dahil sa eskandalo. Naiyak siya dahil sa nararamdaman niyang takot. Kadalasan kapag may ganito sa industriyang ginagalawan niya ay wala na itong binabalikan. Sa dami ng tao sa gustong pumalit sa kanya, maaaring sa isang buwan na pagkawala niya ay mapalitan siya. Pero sikat siya, marami ang humahanga sa kanya hindi lang bilang isang artista kundi pati na rin isang modelo. Mapapalitan ba siya sa loob lamang ng isang buwan? Hindi niya alam. Tanging oras at panahon lamang ang makakapag-sabi. Sabi ni Joe ay isang buwan lang at babalik din agad siya. Hindi siya sisikat ng ganito kung hindi dahil kay Joe, siguro naman ay tama ang desisyong naisip nito? *** Pagkalipas pa ng ilang oras na pakikipag-usap sa sarili ay tinawagan niya si Joe. "Sana tama ang desisyon mo na magtago na muna ako Joe kaysa sa harapin na ito ngayon." "Magtiwala ka lang sa akin, Sol." "May tiwala ako sa iyo na maayos mo 'to, pero...baka wala na akong balikan." "May babalikan ka at sisiguraduhin kong babalik ka. Isang buwan lang naman Sol, hindi ka nila kayang palitan ng ganoon na lamang." "Sana nga, Joe." Pagkatapos nilang mag-usap ay may isa pang kailangan tawagan si Sol at ito ay ang kaibigan ng kanyang ina na tinutukoy ni Joe. *** Nakapag-usap na kami ng maigi ni Joe tungkol sa pagtatago ko dahil sa eskandalo. Bukod pa roon ay may mga proyekto akong hindi na muna itutuloy dahil sa nangyari. Hindi na rin nagsalita ang panig ng senador tungkol sa issue, siguro ay naintindihan niya na mas maganda na munang manahimik. Napansin ko lang na pinipilit talaga ni Joe na sa kaibigan ni mama ako magtago. Walang nakakaalam tungkol doon, o kung sino siya katulad na lamang sa pagkakaibigan ng senador at ng aking ina. Ang sabi kasi ni Joe, mas mainam na walang gaanong alam sa akin ang mga tao lalo sa na mundong ginagalawan ko. Pero ngayon, hindi ko na mabilang kung ilang buntong hininga na ang nagawa ko habang pabalik-balik ang tingin sa telepono. May isang tao akong kailangan tawagan sa oras na ito pero hindi ko alam kung bakit kabado ako, simpleng tawag at paghingi ng pabor lamang ang gagawin ko pero hindi ko mawari kung saan nanggagaling ang kaba ko. Mas kinakabahan pa ako ngayon kaysa tuwing may kissing scene sa telenovela na ginagampanan ko o tuwing kailangan kong rumampa sa harap ng maraming tao. "Dapat talaga ay magsalita nalang ako." tila suway ko sa sariling desisyon. "Hindi ko naman kailangang itago kung ano man ang relasyon namin ng senador." "Kaibigan siya ni Mama...pero baka ang sabihin nila ay naging anak ako ng senador at ni mama?" "Pero may tatay ako...hindi ko nga lang nakilala" Nababaliw na ata ako, kinakausap ko na mag-isa ang sarili ko mismo. Hindi ko alam kung ano ang nagpapakaba sakin. Dahil ba hindi ko pa nakilala ang kaibigan ni mama na tatawagan ko ngayon o dahil nahihiya na ako sa dami ng tulong niya sakin simula pa noong nawala ang aking ina tapos hanggang ngayon ay siya parin ang tatakbuhan ko? Hindi ko ba kayang ako lang mag-isa? Isa pang buntong hininga at napagdesisyonan ko na hanapin sa telepono ang numero na kailangan kong tawagan. Si aunt Nina... Hindi ko pa siya nakita kahit minsan sa personal. May larawan ako pero kasama niya si mama doon at sobrang bata nila doon, kaya paniguradong iba na ang itsura niya ngayon. Dalawang beses sa loob ng tatlong buwan lang siya tumawag noon sa akin. Siya ang sumuporta sa pag-aaral ko at pangangailangan nang mawala ang ina ko. Boses niya lamang ang pamilyar sakin, malambing ngunit tila malamig kung mangusap. Tatawag lamang siya tuwing magtatanong kung mayroon akong kailangan at kung sapat pa ba sa akin ang mga ipinapadala niyang pera. Ayon lang at wala na, hindi rin siya tumatawag kahit may okasyon o kung kaarawan ko. Kaya ngayon ako ang tatawag sa kanya ay hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Pinindot ko ang buton at itinapat sa aking tainga ang telepono. Matagal bago ko narinig ang ring sa kabilang linya. Naka-ilang ulit ang pag-ring at kada ring at sabay sa t***k ng dibdib ko. Ilang ring pa pero walang sumagot sa kabilang linya. Sinubukan ko na ito noon, na ako ang tatawag kay aunt Nina pero hindi ito sumasagot kung ako ako ang tatawag. Pakiramdam ko ay napahiya ako sa hindi niya pagsagot. Binitawan ko ang aking telepono sa gilid ng kama at pabagsak na nahiga. Saan ba ako pwedeng magtago? Sinabi ko naman na kasi kay Joe na hindi sasagot si aunt Nina pero pinipilit niya na doon ako magtago. Ilang minuto pa akong nakahiga at nakatitig lamang sa kisama ng maramdaman ang pag-vibrate ng aking telepono. Bumangon ako at tinignan kung sino ang tumatawag. Ganoon nalang ang paglaki ng mata ko nang makita ang pangalan ni aunt Nina sa screen. Dali ko itong sinagot at bumati. "Aunt Nina!" "May problema ba Sol? Anong kailangan mo?" malambing pero tila malamig na tugon nito "Ah kasi aunt Nina..." hindi sumagot ang nasa kabilang linya, tila naghihintay lamang ng idudugtong ko. "Kailangan ko pong umalis ng syudad, pwede po bang manatili muna ako diyan sa inyo?" tahimik parin ang nasa kabilang linya kaya mas lalong dumagdag sa kaba ni Sol "Gaano katagal?" "Ang sabi po ng manager ko ay kahit isang buwan po?" "Alam mo ba kung saan ako nakatira?" "Hindi po. Hindi niyo po kasi nabanggit sa akin at nahihiya din po akong magtanong." "Ipapasundo na lamang kita. Bukas ng umaga, alas nueve, sana ay handa ka na sa pag-alis." "Sige po aunt Nina! Salamat po!" Hindi na sumagot ang nasa kabilang linya at pinatay na lamang ang tawag. Nagkibit balikat na lamang si Sol bago tinawagan ang manager na si Joe. "Bukas ay ipapasundo na lamang ako. Wag ka na mag-abala. Ako na ang mag-aayos ng gamit ko." "Buti naman. Sige, mag-iingat ka doon. Tatawagan kita kapag pwede kana ulit bumalik ng syudad." "Dalian mo at baka walang gaanong gagawin doon kila aunt Nina, ma-bored ako. " "Mag-ayos kana diyan para makatulog ka ng maaga. Mag-set ka rin ng alarm!" "Oo naman! Sige, mag-aayos na ako!" Nang matapos ang tawag ay pumasok na si Sol sa kanyang walk-in closet. Inilabas niya ang dalawang malaking maleta at isang kalahati ang laki kumpara sa dalawa. Hindi niya alam kung malamig ba sa lugar na pupuntahan niya o mainit kaya naman nag-handa siya ng parehong nga damit para sa magkaibang panahon. Sa sapatos namab ay hindi na siya gaanong nag-abala, boots, heels at mga sandals na lamang ang iniayos niya na dadalhin. Napuno niya na ang dalawang maleta ng kanyang mga damit at sapatos. Sa tingin niya ay sapat na ang mga 'yon para sa isang buwan. Hindi naman siya pupunta sa isang taping o kung ano man, magtatago siya sa mata ng kamara. Sunod naman na inayos ni Sol ay ang mga gamit niya para sa kanyang katawan at mukha, pati na rin ang mga vitamins niya para sa buhok at balat. Dinala niya rin ang isang camera at laptop, pati na rin ang isang journal at mga ballpen. Kung ano-ano pa ang inilagay niya sa pangatlong maleta. Nang matapos sa pag-aayos ng mga gamit naghanda na siya para makatulog na sa gabi na 'yon. *** Ang ingay ng doorbell ang muling gumising kay Sol kinabukasan. Tinignan niya ang orasan sa kanyang telepono at nakitang alas-sais pa lamang ng umaga. Nakita niya rin ang ilang missed calls at text galing kay Joe. Bumangon siya upang pag-buksan si Joe ng pintuan. May dala itong pagkain para sa kanya para hindi na siya mag-abala sa pagluluto. "Sabi na nga ba at hindi ka nag-alarm." "Nawala sa isip ko dahil sa pagod sa pag-aayos." "Kumain kana muna, ilalabas ko na ang mga dadalhin mo dito sa salas." "Salamat Joe!" Naglabas ako ng fruit juice at nagsalin sa dalawang baso. Isa para sa akin at isa para kay Joe. Habang kumakain ay natanaw ko siya na walang kahirap-hirap na inilabas ang isa sa aking maleta. Iyan din ang isang katangian ni Joe na napansin ko, tila ba sobrang lakas niya. Ewan, baka dahil lalaki siya kaya ganoon? Ipinagkibit-balikat ko na lamang kung ano man ang napansin ko at saka nagpatuloy sa pagkain para makapag-handa na rin ako sa pag-alis. Ilang oras nalang ay baka dumating na ang susundo sakin at makikita ko na rin sa personal si aunt Nina... Magkikita na kami sa unang pagkakataon. Ano kayang itsura niya ngayon? Magkwekwento kaya siya tungkol kay mama? Anong sasabihin ko pagdating ko doon? Ito nanaman, dumating muli ang kaba sa aking dibdib sa biglaan kong naisip. Aunt Nina... Nina Stone...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD