Chapter 1; The Scandal

1500 Words
Ibinato nito sa kanya ang limang iba't-ibang diyaryo kung saan pagmumukha niya ang laman ng headline. "SOL HEARTLEAF, KABIT?" "SENATOR VILLEGAS AT SOL HEARTLEAF, MAY RELASYON!" Nanlaki ang mata ni Sol sa nabasa sa una at pangalawang dyaryo sa sahig. Dinampot niya ang nga ito at isa-isang binasa ang headline at lahat ay iisa ang ibig sabihin ng headline. ISA SIYANG KABIT?! Hindi siya makapaniwala sa kanyang nabasa sa mga dyaryo na 'yon. Para siyang nanghihina at parang nawala ang laman ng kanyang tiyan. "H-how?" nanginginig na tanong niya sa sarili. Tinignan niya si Joe tapos balik muli sa mga dyaryo sa kanyang kamay. Hindi siya makapaniwala sa kung ano man ang nabasa niya. Ano bang ginawa niya kagabi? Pumili siya ng isang dyaryo para basahin. Dahan-dahan siyang naupo sa sofa habang nakatayo parin at nakatingin lamang sa kanya ang manager na si Joe. "Sikat na modelo at aktres na si Sol Heartleaf, nahuling kasama ang senador na si Villegas sa bar. Ayon sa mga saksi ay naunang dumating ang aktres sa bar ng mag-isa, wala itong kasamang assistant o kahit ang manager nito. Nang sumapit ang ika-11 ng gabi naman dumating ang senador at dumiretso sa VIP lounge ng bar." "Wala umanong tigil sa pag-inom at pagsayaw ang aktres. Nang mapagod ang aktres ay umakyat ito sa VIP louge kahit na hindi ito miyembro." "Nagkaroon ng komosyon ng nagpumilit ang aktres na pumasok sa VIP area pero nawala din agad nang sabihin ng senador na papasukin na ito at ang senador na raw ang bahala sa aktres." Bumuntong hininga si Sol dahil sa mga nabasa niya. Ngunit pinagpatuloy niya ang pagbabasa ng laman ng dyaryo. "Simula nang pumasok sa VIP room ng senador ang aktres ay hindi na ito lumabas hanggang sa umabot na sa pagsara ang bar ng alas-kwatro ng umaga kung saan nakita na inalalayan ng senador ang aktres na tila hilong-hilo pa palabas ng bar at isinakay ito sa kanyang sasakyan." "Ano nanaman 'tong nagawa ko?" Tanong ni Sol sa kanyang sarili at sa kanyang manager. "Pero magkaibigan si mama at si senator Villegas!" giit niya sa kanyang manager. "Alam ba nila 'yon Sol? Ha?" "Hindi! Pero---" "Alam mo namang may issue sa mag-asawang Villegas! Pero bakit dumikit ka pa!" "Kaibigan siya ni mama!" "Sa mata ng publiko, isa kang batang aktres at isa siyang politiko!" paliwanag sa kanya ng kanyang manager. "Hindi ko na alam Sol! Isa-isa na ang pag-pull out ng mga sponsor mo! May dalawa kang teleserye na ika-cancel na ata at yung movie niyo ni Jacob, papalitan ka na siguro dahil sa issue na 'yan!" "Edi magpaliwanag tayo! Linawin natin!" "Hindi ka pa ba nanood sa news? Or nagbukas man lang ng social media mo?" tanong ng kanyang manager. Umiling siya bilang pagtanggi sa mga tanong nito. "May sinagot si senador Villegas sa isang mga tanong kaninang umaga ng habulin siya ng mga reporter." "Ano? Ano yung tanong sa kanya?" "Kung ano ka para sa kanya." "Anong sinagot niya?" "Ang sagot niya ay, special ka daw para sa kanya. Ayon lang ang sinabi niya at wala nang sinagot pa na ibang tanong ng mga reporter!" "WHAT IN THE---!" hindi makapaniwalang sabi ni Sol Oo, espesyal siya para sa senador dahil kaibigan nito ang kanyang ina at ninong niya ito sa kanyang binyag pero sikreto ito sa publiko dahil sa mundong ginagalawan nila. Pero bakit hindi nilinaw ng senador ang kanyang sagot? Hindi niya ba alam na dahil sa sinabi niya ang daming pwedeng mangyari at spekulasyon ang mabubuo? Lalo na ngayon na may issue sa relasyon ng senador at ng kanyang asawa na ninang niya. Tapos ngayon, paparatangan siya na kabit? Bumuntong hininga si Sol bago binaba ang dyaryo na binabasa. Inayos niya ang kanyang roba saka sinenyasan ang kanyang manager na maupo sa katabi niyang single sofa. Naupo ang kanyang manager. Sabay silang bumuntong hininga at sabay din na napasandal ng maigi sa mga inuupuan. Matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nilang dalawa ay nagdesisyon na magsalita si Sol. "Magdaos tayo ng press conference." "Hindi magandang ideya. Sa tingin mo ba hindi ko naisip 'yan?" "Why?" "YOU ARE THE TALK OF THE TOWN SOL!" "Haharap naman ako. Kaya nga gusto ko magkaroon ng press conference!" "Kung hindi lang dahil sa mga guard ng apartment building mo hindi ako makakapasok! You are guarded! Kahit saan may paparazzi, may camera! They all want an exclusive from you dahil kahit ano man ang isagot mo ay magiging kontrobersyal!" "But, what should--" hindi na naituloy ni Sol ang sasabihin niya nang may mag-ring na telepono. Tinignan niya ang kanyang manager. "No. Hindi sa akin 'yon. Pinatay ko na ang telepono sa dami ng tawag at text dahil sa issue mo!" Tumayo si Sol at pumasok ng kanyang kwarto. Nakita niya ang telepono na nag-iingay sa sahig sa gilid ng kanyang kama. Dinampot niya ito at tinignan kung sino ang caller. Building Manager Kumunot ang noo niya. Bakit naman tatawag sa kanya ang manager ng apartment building niya? Pwede naman itong tumawag sa manager niya? Ah, oo nga pala. Sinarado ng manager niya ang telepono nito kaya ngayon siya na mismo ang tinawagan. "Good morning! Si Ms. Heartleaf ba ito?" bungad mula sa kabilang linya. "Ah yes, speaking." "This is Mr. Lopez, Executive Manager ng Cleo Luxury. Gusto ko lang pong sabihin na ang dami na po ng natatanggap namin na reklamo sa inyo." "Anong inirereklamo tungkol sakin?" "Ms. Heartleaf, sobrang dami po ng reporter sa labas ng building at kahit sa parking lot. Marami sa neighbors niyo ang nagreklamo na dahil sa abala na nagagawa nila." "At bakit ako ang inirereklamo? Hindi ko naman pinapunta ang mga reporters na 'yan. Sa police kayo magreklamo at hindi yung ako ang inirereklamo!" "I want to inform you Ms. Heartleaf. Kung magpapatuloy po ang ganito, wala kaming pagpipilian kundi ang iterminate ang kontrata namin sa inyo sa sobrang dami ng complains!" "Hindi ko nga 'yon kasalanan kung nandito sila!" "Sorry Ms. Heartleaf, lahat ng complain ay para sa inyo. Sumusunod lamang kami sa protocol." "WHATEVER!" inis na sagot ni Sol at saka pinatay ang tawag. "Sino 'yon?" tanong ni Joe na narinit siguro ang inis na tono niya. "Manager of this building. Marami daw silang natanggap na complain tungkol sa akin!" "At bakit nanaman? Ano nanaman ang ginawa mo?" "Hindi ako! Ang complain ay tungkol sa dami ng reporters at sa mga abala nila pero ako ang inireklamo." "Pero ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit ang daming reporters! Kung hindi ako kilala ng mga tao dito ay baka hindi rin ako pinapasok!" litong tanong ni Joe. "Bakit naman kasalanan ko? Hindi ko naman sila pinapunta dito!" "Pero ikaw naman ang dahilan kung bakit sila nandito!" "WHATEVER JOE! WHATEVER!" panapos na sabi ni Sol at saka lumabas ng kanyang kwarto. Sumunod naman sa kanya si Joe. Napunta naman sila ngayon sa kusina ng kanyang apartment. Nakatira siya sa Cleo Luxury, isa sa pinakamahal na apartment buildings na pwede mong tirhan dito sa syudad. Isa siya sa nakatira sa top floor ng building. Bakit hindi? Bukod sa modelo siya ay isa rin siya sa pinipilahang aktres sa sariling bansa. Kilala naman siya sa labas ng bansa bilang isa sa pinakamahal na modelo. Kumbaga, kada galaw niya ay inaabangan kaya ngayong nasa headline siya at sinasabing kabit pa ng isang senador ay talagang isang malaking eskandalo. Maayos naman ito kung magkakaroon lamang siya ng oras at araw na masagot kung ano man ang mga tanong tungkol sa issue. Kung makakalabas nga lamang siya ng hindi naiipit sa bundok ng reporters sa labas. Nagtimpla siya ng kape at nagsalin naman siya ng juice para kay Joe. Naglagay siya ng tinapay sa toaster at saka kumuha ng avocado sa kanyang refrigerator. Tahimik silang dalawa. May mga naging issue na din naman si Sol dati pa pero hindi ganito kalaki at kadalasan sa mga issue na 'yon ay kusa naman ding nawawala pero ngayon, mukhang hindi ganon ang mangyayari. "Umalis ka muna." napatigil si Sol sa pagtanggal ng laman ng avocado sa biglang pagsasalita ni Joe. "Umalis ka muna dito habang inaayos ko ang issue na ito. Magpalamig ka muna." "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Joe?" "Oo, at ito ang desisyon ko para sayo. " "Huwag kang magbiro Joe! Alam mo ang mangyayari kapag ginawa ko 'yan!" "Hindi Sol. Hindi ka lulubog sa industriya kung magpapalamig ka muna. "At saan naman ako pupunta? Kilala ng lahat ang mukha ko. Kahit saan ako magtago, malalaman nila!" "Naalala mo yung sinabi mo sa aking kaibigan din ng mama mo? Yung sumuporta sayo pero hindi nagpapakita? Doon ka muna!" "Ano?!" "Ano na nga bang pangalan 'non?" "Hindi! Hindi ako aalis! Haharapin ko 'to ngayon!" "Hindi nga pwede Luna Sol Heartleaf! Makinig ka muna sakin!" kinagat na lamang ni Sol ang kanyang labi at hinayaang magsalita ang kanyang manager. "Isang buwan. Kahit isang buwan lang, doon ka muna sa kaibigan ng mama mo na 'yon habang inaayos ko ang gulo dito." "Pero Joe..." "Please, Sol?..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD