Chapter 3 -The New Me

4092 Words
High & Untouchable Gods Society Zeus Genesis Reiz GOD OF THE SKY written by: Blackrose Chapter 3 -The New Me -------'-,--'-,-{@ Catherine Lovely 'Madam President?' kumatok ng tatlong beses ang secretary kong si Pearl. 'Yes Pearl?' hindi ako sumulyap sa pinto bagkus ay nanatili ang aking mga mata sa pinag-aaralan kong proposal ng isang company na gustong mag-invest sa SKYLINE INTERNATIONAL. 'You have a meeting with Mr. Altamirano in an hour. It will be at Dusit Hotel, Madam President.' 'Dexter Altamirano? Of what company?' my gaze are still focus on the papers I am reviewing. 'Of REIZ AIRLINES, Madam President.' 'You will come with me later, Pearl.' 'Okay, Madam President.' 'What's my schedule this afternoon?' 'You have a meeting with the Department Of Tourism Secretary later at 3 then a dinner meeting with the President of AIRLINKS PHILIPPINES at exactly 7, Madam.' 'Okay. Coffee please, Pearl.' 'Right away, Madam.' Nang mahatid sa'kin ni Pearl ang aking kape ay nagsindi ako ng cigarette at sumandal sa leather chair ko. Nahilot ko ang sentido ko dahil kanina pa ito sumasakit, ang daming kailangan asikasuhin at ang daming kakumpetensya. Humigop ulit ako ng coffee then hinarap ulit ang proposal na pinag-aaralan ko. After almost 15 minutes ay hinubad ko ang reading glasses ko at minasahe ang pagitan ng mga mata ko. Ako nga pala si Catherine Lovely Laroza Wittsburg and I owned SKYLINE INTERNATIONAL but I was officially declared as owner January of 2015. I started working at SKYLINE INTERNATIONAL on 2008 bilang isang flight stewardess, tinulungan ako ng isang kaibigan ko na si Patricia na ngayon ay International Flight Manager na. I promoted her pagpasok ng year 2016, siya ang naging daan kung bakit ako nandito sa company na ito ngayon kaya bilang pagtanaw ko ng utang na loob ay tinaasan ko ang position niya. Paano nangyari na ako na bigla ang may-ari ng SKYLINE INTERNATIONAL? Simple lang, ginamit ko ang utak ko. After a year na nagsimula ako sa company na ito as flight stewardess ay niligawan ako ni Mr. William Wittsburg na owner ng SKYLINE. He courted me na umabot ng one year dahil alanganin ako noon sa nakasanayan kong paniniwala sa buhay na sasagutin ko lang dapat ang taong mahal ko, na hindi ako papasok sa isang relationship kung hindi ko rin lang mahal ang taong yun. Pero dahil narin sa kakapusan ng pera at sa akin lang umaasa ang aking mga magulang at tatlong kapatid ay sinagot ko na si William kahit na wala akong nararamdamang pagmamahal sa kanya. Then after 6 months, October 2009 ay pinakasalan ko siya. For me it was a marriage by convinience pero for William, according to him ay hindi. He loves me kaya niya ako pinakasalan. Alam niya na pinakasalan ko siya dahil kailangan ko ang makukuha ko once I became his wife, when I became Mrs. Wittsburg. Hindi ko yun nilihim sa kanya, when he asked me to marry him ay inamin ko sa kanya na pakakasalan ko siya dahil sa benefit that I will gain but since his love for me is pure and immeasurable ay inintindi niya ako at hindi nagbago ang pakikitungo niya sa akin. He still marry me, binigay niya parin sa'kin ang surname niya. Walang nangyari sa honeymoon namin, he didn't force himself on me at nirespeto niya ako. Tinanggap rin ako ng parents at kapatid ni William even his friends and colleagues, tinanggap rin niya ang anak kong si Ziggy like his own. As months passed by ay tinuruan ako ni William on how to manage the company, tinuro niya sa'kin ang pasikot-sikot sa business and how to handle people and investors properly. He trained me well, so well that in just a span of 2 years ay gamay ko na ang lahat ng dapat malaman sa business ni William. Sa 2 years na nag-aaral ako about sa company ay palaging sinasabi sa'kin ni William that I should know the ups and downs of the business, kung paano solusyunan ang mga problems, kung paano mag-excel against all the competitors and kung paano ako maging stable and strong dahil there are crabs and ravens everywhere na hihila at kakain sa akin the moment I became weak. At age 43, that was 4 1/2 years kaming kasal ay sinugod namin sa hospital si William. Bigla na lang siyang nag-seizure. He died a week after he was admitted to the hospital, may stage 4 brain cancer pala siya. That tells yung mga nararamdaman niyang sakit ng ulo na sinasabi niya sa'kin na migraine lang, na hindi ko sineryoso dahil he doesn't want me to worry about him. I was crippled when William died dahil I've lost a friend sa katauhan niya. The first 2 years of our married life ay para siyang stranger sa akin but the remaining 2 1/2 years of our married life was lighter na for me dahil naging magkaibigan na kami ni William nun kaya pinagluksa ko rin talaga ang pagkawala niya. Ganon naman talaga ang buhay, you will learn to appreciate someone or something when it is gone and taken from you. Malaki ang pasasalamat ko kay William dahil he helped me through this cruel world. Siya ang naging daan para makamit ko ang pangarap ko na maganda at maalwan na buhay na akala ko noon ay hanggang panaginip ko na lang. Because of William, sagana na ang buhay ko, nang dahil kay William ay tinitingala na ako ngayon na noon ay mababa ang tingin sa akin ng iba. Nang dahil kay William, I became the woman I never thought I can be. The new me now ay kaya ng humarap sa kahit na kanino, hindi na mahiyain, hindi na takot na sabihin ang nasa sa isip, hindi na nasisindak basta-basta, willing to risk for something new, mas focus na sa buhay at hindi na tatanga-tanga. I am not the same Catherine Lovely Laroza before, I am far more different now from the person I am before. 's**t!!' nasapo ko ang noo ko when I remember my past again. *FLASHBACK* Bagong lipat kami sa Las Piñas at wala akong nagawa kundi sumunod kila Papa at Mama kahit pa ayoko talagang lumipat. Panibagong pakikisama na naman kasi kami ng mga kapatid ko, panibagong surroundings, panibagong school na naman at mag-aadjust na naman kami. Mabuti pa si Kuya Carl ay nagtatrabaho na kaya hindi siya masyado apektado dahil may bisikleta siya pagpasok sa trabaho niya. Pero kailangan namin lumipat dahil dito na-assign si Papa sa Las Piñas sa bagong branch ng pinagtatrabahuhan niya. Mabuti na lang na isang buwan pa bago magpasukan kaya naasikaso pa ni Mama ang transcript namin sa bagong school na lilipatan namin. Tuwing weekends ay nakasanayan ko na sa dating bahay namin ang mag-jogging kaya tinuloy ko lang sa bagong tinitiran namin. At kagaya rin dati ay sa may park ako nagja-jogging kada Sabado ng umaga at Linggo. Simula ng nag-jogging ako sa bagong tiniran namin ay palagi akong may nakikitang lalaki na nakaupo sa same stone seat. Hindi siya nagja-jogging or walking sa park, nagdo-drawing siya sa sketchpad niya everytime I see him. Nang minsan na napadaan ako sa tapat niya ay nakita ko ang mata niya, he has beautiful eyes na noon ko lang nakita. Matangos ang ilong niya, manipis ang mga labi at makapal ang kilay. Wavy ang buhok niya, he has a solid jawline and he is tall. He is always serious in what he is doing, but one day ay nagulat ako when he talked to me the time I sat sa katabing upuan kung saan siya palaging nakaupo. 'I always saw you here Miss, what street do you live?' lalaking-lalaki ang boses niya, nakatingin siya sa'kin at halatang he is waiting for my answer. 'Sa Capricorn Street, malapit sa Basketball court.' 'Really? Sa Capricorn rin ako nakatira, also near the Basketball court. What's the color of your house? Ours is the brown with cream na two-storey Victorian house.' Brown with cream? Eh katabi lang namin ang bahay na brown with cream color. So meaning, kapitbahay pala namin siya. 'Yung white na bahay na green ang gate ang amin.' 'We are neighbors! Kayo ba yung bagong lipat lang?' tumango ako at ngitian siya. 'What's your name? I'm Zeus Genesis Reiz.' 'Lovely Laroza.' nagkamay kami, nakatingin siya sa'kin kaya kitang-kita ko ang mukha niya. He is handsome. 'You'll study where sa pasukan? Nag-aaral ka pa diba?' 'Yes, sa Las Piñas National High School. Ikaw, Zeus?' 'Umm, Genesis na lang ang itawag mo sa'kin. Ako sa Mariano Fausto College.' 'College ka na? Ilan taon ka na ba?' '18.' 'Ako 15.' Marami kaming napagkwentuhan. We became friends at naging magaan ang loob namin sa isa't-isa. Nakilala ko rin ang family niya at ganon rin siya sa family ko. Kapag may mga gatherings or celebrations like birthdays ay ini-invite namin ang bawat isa. Siya ang tinatanungan ko kapag may mga nanliligaw sa akin at kapag may assignments akong hindi ko makuha or maintindihan, ganon kami ka-close dalawa. Months had passed ay nagtapat siya sa'kin ng damdamin niya. Hindi mahirap mahalin si Gen dahil bukod sa kaibigan ko siya ay mabait, matalino, sweet at maalalahanin siya. Niligawan niya ako at dahil nga sa malapit kami sa isa't-isa ay sinagot ko siya after months of courting niya sa'kin. Being his girlfriend is tough rin dahil hindi lihim sa'kin na maraming nagkakagusto sa kanya but he never let me feel na mahalaga ang iba than me. It made me happy knowing na ako lang ang mahal niya. Sabay kaming nag-mature although he is ahead ng 3 years sa akin. We grew up together in love and friendship, habang tumatagal ang relationship namin ay nakikilala namin further ang isa't-isa. When we reach our 1st year Anniversary ay binigay ko ng buong-buo ang sarili ko sa kanya, we did a safe love making dahil gusto niyang makapagtapos ako ng pag-aaral ko before kami pumasok sa buhay mag-asawa. I was more happier when I've graduated a 2 years course in HRM. I would give everything for him, would give up everything for him and for his welfare. At dun sinubok ng pagkakataon ang pagmamahal ko kay Gen, when his mom talk to me and plead to me. Alam ko naman na ayaw sa'kin ng mommy ni Gen, una palang ay pinaramdam na sa'kin ni Mrs. Reiz that she doesn't want me for his son. It was clearer than crystal na may iba siyang nais para sa anak pero nagbulag-bulagan lang ako dahil narin sa pagmamahal na pinaparamdam at pinapakita sa'kin ni Gen. Pinakiusapan ako ng mommy ni Gen na i-give up ang anak niya dahil nga sa kailangan ni Gen na hawakan ang business ng family nila sa San Francisco. I was sad sa nalaman kong yun dahil ayokong mawala si Genesis sa akin. Sino bang tao na umiibig ang gustong mahiwalay sa taong minamahal nila? I am not an exemption dahil mahal ko si Gen. Pero his mom plead to me na kung talagang mahal ko raw ang anak niya ay magpaparaya ako para matupad ni Gen ang mga pangarap niya at pinangarap ng daddy niya sa kanya. Hindi ako selfish na tao at gusto ko rin na may marating pa si Gen kaya masakit man para sa akin ay pumayag ako. I believe that true love can wait. Na kung talagang kayo ng taong mahal mo at mahal ka ay walang distansya at walang panahon ang makakapagpabago ng nararamdaman niyo sa isa't-isa. Na kung totoo talaga ang pag-ibig namin ni Gen, it will surpass time and distance. Alam ko in God's perfect timing ay magkikita kami ulit upang ipagpatuloy namin ang pagmamahalan namin without barriers and hindrances that time. Pumayag akong pakawalan si Gen, sinabi ko kay Mrs. Reiz ang desisyon ko na lalayuan ko si Gen kagaya ng sinabi niya sa akin. Pinaunawa ko sa mommy ni Gen that my love for his son is unselfish, na kayang kong isakripisyo ang pag-ibig ko para sa kapakanan ng mahal mo. Ayokong tanggapin ang isang milyon, ayokong iba ang isipin sa akin ni Gen kung sakaling malaman niya ito. Humindi ako sa perang ibinibigay ni Mrs. Reiz, hindi ko gustong tanggapin yun pero iniwan niya ang pera sa upuan na katabi ko kung saan kami nagkita. That night ay hindi ako patulugin kakaisip sa pag-uusap namin ng mommy ni Gen. Hanggang sa dumating siya sa boarding house kinaumagahan upang sunduin ako dahil may usapan kami ng araw na yun. Nagpunta kami sa church and I cried habang nagdadasal ako. Naninikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Gen ang pinag-planuhan kong sabihin. Until we went sa may balon malapit sa church, hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Sobrang sikat ng puso ko sa nalalapit kong gawin, my mind and my heart are debating sa kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. In the end ay nasabi ko rin ang pinlano kong sabihin kay Gen. Pinalabas ko na lang na hindi ko siya minahal talaga. Daig pa ng namatay ako ang sakit na naramdaman ko when I am seeing Gen cry and beg to me. Hindi ko akalain na kaya niyang magmakaawa at lumuhod sa harap ko. Hindi ko akalain na ganon niya ako kamahal that he doesn't care if magmakaawa siya sa harap ko. I can't bear the pain I have caused kaya napagdesisyunan ko siyang iwan sa balon with tears in my face. Hindi mapanatag ang loob ko sa nagawa ko kay Gen kaya kinagabihan ng araw rin na yun ay nagpunta ako sa bahay nila dala ang traveling bag na balak kong ibalik sa mommy niya. Isasauli ko ang pera at kakausapin ko si Gen, magpapaliwanag ako at aaminin ko sa kanya ang totoo. Na mahal na mahal ko siya at ayokong magkalayo kami. Pero hindi ko akalain na ganon niya ako kadaling limutin, na ilang oras pa lang ang nakakalipas ay may iba na agad siya. I saw him kissing someone sa labas ng bahay nila, hindi lang sandaling halik yun. It was a long and hungry kiss. Nasaktan ako ng sobra kaya lumayo ako. Alam ko naman na nagkamali ako when I've decided to let him go pero my intentions are good dahil para sa kabutihan niya ang ginawa ko pero ang saktan niya rin ako at makipaghalikan siya sa iba, ibang usapan na yun. Pinuntahan ko ang kaibigan ko sa Sta. Mesa at dun ako tumuloy sa kanya. Tinulungan niya akong makapasok sa isang airline company, tinulungan niya akong mabuhay ulit. *END OF FLASHBACK* Nagtagal pala ako sa pagbabalik tanaw sa aking nakaraan na nang nakabalik ako sa kasalukuyan ay halos 11 na pala. I didn't worry dahil malapit lang naman ang Dusit sa SKYLINE INTERNATIONAL, it is located in Taguig City kaya malapit lang. Umalis na kami ni Pearl, ang secretary ko na secretary pa ni William when he was still in-charge of SKYLINE. Nang makarating kami sa isang coffeeshop sa loob ng Dusit ay nandoon na ang kausap namin. 'Good day, Ms. Catherine Wittsburg. The pleasure are all mine in this meeting of ours. My name is Atty. Dexter Altamirano of REIZ AIRLINES.' magalang na bati sa'kin ng lalaking kaharap ko. He look like a typical lawyer with eyeglasses and a three piece suit. 'Good morning, Mr. Altamirano.' I smile sweetly at him then we all sit sa mga upuan na nakapalibot sa isang round table. My secretary was a little bit away from me with a pen and a pad in hand. Nagtaas ng daliri si Mr. Altamirano at agad na lumapit ang waitress sa amin. I order for myself and for Pearl at ganon rin si Mr. Altamirano. We look at each other while waiting for our orders to arrive at nang nalapag na ang mga coffees namin ay agad ng nagsalita ang kaharap ko. 'Have you received my Boss' proposal, Ms. Wittsburg?' 'I've read about it, Mr. Altamirano. But you see, I'm not interested with your Boss' proposal. Pardon me for being so straight forward, ganito lang talaga ako ka-frank.' 'Okay. But may I know what is it that you are not interested at?' 'All of it, actually.' humigop ako sa kape ko and look straight in his eyes. Halata sa mukha niya ang pagkadismaya but he is trying to supress his dismay. 'I am also wondering kung bakit ang isang very well-known company like REIZ AIRLINES ay gustong makipag-merge sa SKYLINE. Where in fact number 1 sa England and San Francisco ang REIZ AIRLINES. Your Boss' company doesn't need my company to expand or to prosper because it's already at the top, sa ibang bansa nga lang. Could it be that the reason why your Boss' wants to have a merging with SKYLINE INTERNATIONAL is because my company is number 1 here in the Philippines? Kasi, that's the only reason na nakikita ko.' 'Hindi naman sa ganon, Ms. Wittsburg.' 'My company isn't declaring a bankruptcy para makisosyo ako sa isang company na kilala world-wide. What comes to your Boss' mind when he sent me an email of his proposal? I just don't get it, Mr. Altamirano.' 'His intentions are pure, Ms. Wittsburg. I knew my Boss well, he just want a concrete bond with other companies na kagaya ng line of business niya.' 'Concrete bond with other companies, huh? So maybe now that I've said that I'm not interested sa merging, maybe your Boss will find other companies to have concrete bond with.' 'My Boss won't settle for class A companies, Ms. Wittsburg. You will also find positive output if ever the merging between REIZ AIRLINES and SKYLINE INTERNATIONAL take place.' I look straight into Dexter Altamirano's eyes. Pinag-aaralan ko siyang maigi. Hindi siya ipadadala ni Genesis if this man isn't good as to what he looks. He is Genesis' Lawyer, he must really be good. Pero thinking about the proposal of REIZ AIRLINES, imposibleng yun lang ang dahilan ni Genesis kaya niya gusto ng merging. It's right in my eyes, kitang-kita ko ang hangarin niya. He wants to merging para kahit papaano ay may share siya sa number 1 Airline Companies dito sa Pilipinas. Or does he knew na ako si Lovely Laroza kaya gusto niyang makipag-merge sa akin? 'Does your Boss knew who am I, Mr. Altamirano?' he must not know na ako si Lovely Laroza. Naisip ko na noon pa na sa yaman at lawak na pwedeng abutin ng kapangyarihan ng mga Reiz, pwede niya akong mahanap. Kaya nga ginagamit ko ang first name ko sa trabaho at nagkataon pa na nagpakasal ako kaya naiba na talaga ang pangalan ko. Ayokong magkita kami ni Genesis, hindi dahil sa ginawa ko na pakikipaghiwalay sa kanya noon but dahil sa galit ako sa kanya. Dahil niloko niya ako at may babae pa pala siyang iba. 'Yes, Ms. Wittsburg. Supposedly ay siya ang kakausap talaga sa'yo but he need to be in England this week.' 'Tell your Boss na pag-aaralan ko ulit ang proposal niya. Sabihin mo rin sa kanya ang unang sagot ko about sa proposal niya. But for the sake of kagandang loob, I'll review again his proposal.' 'Thank you so much, Ms. Wittsburg for considering.' 'If there's nothing else that you want to say, I need to be back in my office. I still got things to do.' 'That would be all, Ms. Catherine Wittsburg. Thank you so much for your time.' 'It's a pleasure meeting you, Mr. Altamirano. Goodbye.' After sa Makati ay nagbalik na kami sa office sa Taguig. Mabilis lang lumipas ang oras then I went to my 3pm appointment with the Department Of Tourism saka sa dinner meeting ko. I arrive sa bahay in Mandaluyong around past 9 narin dahil sa traffic. Pagpasok ko pa lang sa bahay ay tinanong ko na agad ang katulong ko. 'Manang, si Ziggy po?' 'Nasa dining area, Mam. Halos kakagising lang kaya ngayon lang siya nag-gagabihan.' 'Paki na lang ito sa kwarto ko, Manang. Kumain na po kayo ni Mae?' inabot ko ang bag ko plus my atache case. 'Tapos na Mam. Si Ziggy na lang ang ngayon pa lang kumakain. Nandun rin si Mae, Mam.' 'Okay, salamat Manang.' Tumuloy ako sa dining area at nakita ko dun ang anak ko. Humalik ako sa pisngi niya kaya napatingin siya sa akin. 'Ma!' tumayo siya at niyakap ako. 'Bakit late ka na nakauwi? Have you had your dinner already?' 'I've had a dinner meeting kasi kaya ngayon lang ako nakarating plus the traffic. Bakit ngayon ka lang kumakain? It's too late for dinner, Ziggy.' 'I had a swimming class kanina after school kaya I am tired, Ma. Friday kaya ngayon! I have swimming class every Friday and Saturday, right? You forgot again, Ma.' umupo na ulit siya sa silya saka sumubo ng kanin at ulam. 'Dami kasing inasikaso ni Mama today kaya it slipped my mind.' 'Tomorrow is Saturday, Ma. Wala kang work right?' 'Wala.' 'Yes! Let's go sa Mall tomorrow. There's this new movie that I wanted to watch, nood tayo ng movie tomorrow Ma.' 'Sige! Bukas mag-date tayo!' 'Yes! Yes! Thanks Ma!' niyakap niya ako ulit saka sumubo ulit ng pagkain. 'Will you sleep over in my room tonight, Ziggy?' 'Syempre Ma! Today is Friday right?!' my son smiles at me. Every Friday talaga ay natutulog si Ziggy sa room ko or kung minsan ay ako ang natutulog sa room niya. Tapos kapag Saturday naman ay gala time namin dalawa then Sunday naman, we go to church then I cook for lunch then nagba-barbeque kami sa labas for dinner or we eat somewhere. Palaging ganon ang routine namin, that way ay nakakapag-bond kami ni Ziggy. 'Finish your food, aakyat na muna si Mama.' 'Okay, Ma.' Pagpasok ko sa room ko ay hinubad ko ang sapatos ko and my blazer then nagpunta ako sa terrace and lit a cigar. Napatingin ako sa kalangitan, maraming stars tonight. Naalala ko ang meeting ko kaninang 11am, ang lawyer ni Genesis na si Dexter Altamirano. As much as possible ay ayokong magkaroon ng anumang connection muli kay Genesis or sa REIZ AIRLINES. What happened 9 years ago nang ginantihan niya ang pagkakamali ko by kissing another woman ay nais ko nang kalimutan at hanggang maaari ay ayoko ng balikan. My son is already 9 years old at nakakaintindi na siya ng mga bagay-bagay. Ayokong maguluhan siya, ayoko rin na mag-isip pa siya about sa nakaraan ko at ayokong magkaroon siya ng connections sa ama niya. I don't want Genesis to know about Ziggy, we are better off without him. Kinaya ko nga noon when I was struggling for money, ngayon pa kaya na financially stable na ako? Yes, Ziggy is Genesis' son. Hindi ko rin alam na buntis pala ako the time na nakipaghiwalay ako kay Genesis noon. Maybe if I knew that I was carrying his son, hindi sana ako nakipaghiwalay sa kanya. Hindi sana kami nagkahiwalay at sana ay buo na pamilya ang nabigay ko kay Ziggy. Sana ay may kinalakihan siyang ama. I never lied to Ziggy, I told him the truth na nakipaghiwalay ako sa ama niya noon dahil sa pakiusap ng lola niya. Sinabi ko rin na kung alam ko lang na buntis ako ay hindi na sana ako nagsakripisyo. Ziggy understood me and he didn't hated me for what I've done before, isang bagay na ipinagpapasalamat ko sa Diyos. Alam kong he wanted to ask me about his father pero hindi ko siya naringgan ng mga tanong na ganon. Kapag dumating ang time na magtagpo kami ni Genesis at makita niya si Ziggy ay magiging selfish talaga ako. Patawarin na ako ng Diyos at ni Ziggy mismo pero hindi ko aaminin na mag-ama silang dalawa. Wala akong balak sabihin kay Genesis na may anak siya, ayokong isipin niya na ginagamit ko si Ziggy para magkaroon ulit kami ng connections dalawa. Akin lang si Ziggy, akin lang ang anak ko. Whatever happens sa amin ni Genesis noon, gusto kong hanggang dun na lang yun. Alam kong nagkamali ako sa pagkuha ko ng perang binigay ni Mrs. Reiz kung kaya nagtabi ako sa isang bank ko ngayon ng 1 million peso para maibalik ko ito kay Genesis kapag nagkita kami. Inaamin ko na nagamit ko ang perang iniwan ni Mrs. Reiz noon dahil narin sa nagbuntis ako at sa mga pangangailangan namin mag-ina pero ngayon ay kayang-kaya ko na itong ibalik sa kanila kahit pa doblehin niya ito. Masaya na ako sa buhay na meron ako ngayon, kung anong meron sa amin ni Ziggy ngayon kahit pa dalawa lang kami. Ayoko na ng gulo, ayoko na ng sakit. This is my life now, this is the new me. ------,-'--,-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD