ALEX'S POV Nakayuko siya. Nakapatong ang siko sa mga tuhod habang nakahawak sa noo niya. Pinagmamasdan ko siya kanina pa. Sobrang lungkot niya sa pagkawala ng mama niya. Walang lumalapit sakanya. Ni hindi ko pa siya nakikitang kumakain o tumatayo sa kinauupuan niya. Ganoon din ang gawa ng papa niya. Tanging si Minzy lang ang nakkikita kong kumakausap sa mga nakikilamay. Nasa lamay kami ng mama ni Marky. Kasama ko si Dave na dinadamayan si Minzy kasama nung mga nakasama namin dati sa beach. Nalulungkot ako para sakanila. Lalo na kay Marky. Ang isang kagaya niya ay may kahinaan ding tinatago. Akala mo ay sobrang tapang niya. Akala mo sobrang lakas niya. Pero, Pag dating sa pamilya niya ay napaptahimik siya. Inaamin ko na medyo dimonyo man ang ugali niya ay hinahangaan ko naman siya sa pa

