Marky's POV "Bye, Ma..." Nakangiti kong sabi sa harapan ng puntod niya. Ngiting pilit. Basa pa kami ni Alex dahil sa ulan. Nilingon ko siya at ngumiti. Niyayakap niya ang sarili niya dahil sa lamig. Kaming dalawa nalang ang nasa tent. Sila Minzy ay nasa van na kasama ang ilang kamag-anak at si Dave. "You okay?" Tanong ko kay Alex. "Gag* Ka ba? Kita mong nilalamig ako, Okay? Baliw!" Masungit niyang sabi. "Sungit! Meron ka ba?" Tanong ko. "Letse!" Sabi niya. Tumawa ako ng konti at bumaling uli sa puntod ni Mama. Patila na ang ulan at gabi na rin. Nilingon ko uli si Alex na niyayakap pa rin ang sarili. Bakit ang sexy niya kapag basa? Sh*t! Bakit umaandar nanaman ang pagkamanyak ko? Tss. Lumapit ako ng konti at umtras siya. "Gusto mo ba ng hug?" Seryoso kong tanong. Umatras siya uli

