The Forest

1598 Words
It was dawn already when I wake up. Hindi ko alam kong paano ako nakatulog ng naka sandal lang sa puno tapos umaabot pa dito sakin ang masangsang na amoy ng mga patay na hayop na nakambak. Maybe it's because I'm exhausted from crying last night. Tumayo ako sa pagkakaupo. Hinawakan ko ang kaliwang balikat ko, hindi na siya masakit. Nag lakad ako papunta sa sapang nakita ko kahapon para maligo. Nangangati at nangangamoy na ako eh. Pagkadating doon ay tinitigan ko munang maigi ang mukha ko. Namamantal ang mata ko. Madumi ang mukha. Buhaghag ang buhok. Maduming damit. Mukha na akong gusgusin. Halatang walang nag mamay-ari sakin. Well, maganda gusgusin actually. Sabi naman ng utak ko. Nakikita parin kasi ang ganda ko kahit na nga ba madumi ang itsura ko. Lumingon lingon ako sa paligod ko. Baka lang naman kasi may naligaw tapos makita pa akong hubad at naliligo. Nang walang makita, ay hinubad ko ang suot kong dress tapos sinunod ko ang chemise. Pagkatanggal ko ay napamulagat! Wala ang akong suot na underwear! Ayy s**t! Tang*ina! Saang lupalop ba tong lugar na to? Hindi manlang ba uso sa kanila ang panty. Hahanginin ako nito eh! Baka kabagin pa ako. Mabilis akong lumusong sa sapa ng makaramdam ako ng lamig dahil sa hangin. Kinuha ko ang dress na ginamit ko, balak ko itong labhan. Iyong chemise nalang muna ang isusukot ko habang basa pa itong dress. Wala namang ibang tao dito eh. Nilabhan ko muna ang dress bago maligo, pagkatapos ay inilagay ko muna siya sa may gilid. Mamaya ko na siya isasampay pagkatapos kong maligo. Nag hanap muna ako ng makinis na bato pang hilod ko. Kinuskos kong mabuti ang katawan ko. Medyo namumula na nga ang balat ko kakakuskus. In fairness talaga, ang kinis ng kutis ng katawan na ito. Walang sinabi ang mga kpop dito sa kutis ko. Ambisyosa! Hindi mo naman katawan yan! Kontra naman ng isipan ko. Bakit ba? Ako naman naman na ang may-ari ng katawan na to no! Sagot ko naman sa isip ko. Para naman akong nitong tanga. Kinakausap ko na pati sarili ko. Sinunod ko ay buhok ko. Ang haba pa naman niya at ang makapal. Magupitan nga to sa susunod. Nang makuntento na ako ay umalis na ako ng sapa. Pagkatapos kong mag bihis ay isinampay ko ang nilabhan kong dress. Medyo naiilang lang ako dahil wala akong suot na underwear. Hindi ko naman siya napansin kahapon dahil busy ako kakaiyak. Sinilip ko ang kaliwang balikat ko para tingnan kung anduon pa ang tattoo, nakita kong ganun parin ang itsura niya kahapon. Naisip kong mag hanap muna ng makakain dahil kumakalam na ang sikmura ko. Pinuntahan ko ang nakita akong prutas kanina na malapit sa sapa. Aantayin ko lang matuyo ang dress ko tapos mag hahanapin ko na ang labasan nitong gubat. Medyo natatakot na ako dahil puro kuliglig lang ang naririnig ko tapos ang baho pa. Sino kaya ang pumatay sa hayop na nakatambak doon? Sa pag iisip ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako dahil sa init, tanghali na pala at kumakalam narin ang sikmura ko. Pinuntahan ko ang dress kong nakasampay, medyo basa pa siya ng kunti pero okay narin to, nilalamig na ako eh.Sinuot ko ang dress tapos dumeretso sa puno ng prutas na kinuhanan ko kanina. Actually, hindi ko alam kong anong prutas ba tong kinakain ko, edible naman siguro to dahil hindi pa ako natitigi pagkatapos ko siyang kainin kanina. Nakapag desisyon na akong mabuhay ng walang pag sisi. Binigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon para mabuhay, hindi ko na to sasayangin. I will live this life without regrets. Ang panget kaya sa feelings na namatay kang may pinag sisisihan. First, I will explore this new world. Second, I will find the love of my here. Third, I will make sure that I will not die a virgin AGAIN.That's my new life resolution. I WAS walking nonstop. Dapit hapon na pero hindi ko parin makita ang labasan ng gubat. Naiinis kung tinadyakan ang bato na nasa paanan ko. Nakakainis na talaga! Kanina pa ako lakad ng lakad wala pari ang punyetang labasan na yun! Sigaw ko sa isipan ko. Pero tika lang, ang layo na ng nilakad ko tapos wala pa akong nakikitang kahit na anong hayop. Anong klaseng gubat ba to? Bat nandito ang katawan ko? Napansin ko kanina na may punit at mantsa ng dugo ang suot kong dress habang nilalabhan ko ito. Pinatay ba ang may-ari ng katawan na to? Bakit naman siya papatayin? Baka balikan ako pag nakita ako ng pumatay sa kanya. s**t talaga! Problem na nga na wala akong suot na panty tapos may dumagdag pang problema. Saan naman kaya ako mag tatago nito kung sakaling mahanap ako ng pumatay sa katawan nato? Wala nga akong kaalam alam sa lugar nato. Natigil ako sa pag iisip ng mamalayan kong nasa labas na pala ako ng gubat. I was amazed with what I'm seeing right now. Parang dalawang magkaibang mundo ang pagkakaiba ng gubat na pinang galingan ko kanina dito sa kinaruruonan ko ngayon. Green. Iyon ang nakikita ko ngayon. Everything is green. Pinag patuloy ko ang pag lalakad ko habang nag kakanda haba haba ang leeg ko kakatingin sa gubat. It was refreshing. Nakangiti kong idinipa ang kamay at tumatalon talon akong ang naglalakad habang kinakanta ang Freedom ni Jason Mraz. I see birds fly across the sky Everyone's heart flies together Food is frying and people smiling Like there is no other way to feel good And when I feel good, I sing And the joy it brings makes me feel good And when I feel good, I sing Of the joy it brings I say come on along I know you really wanna feel our song We've got some life to bring We've got some joy in this thing Come on along I know you really wanna feel our song We've got some life to bring We've got some joy in this thing Napatigil ako sa pag kanta ng makarinig ako ng kaluskos. Mabilis akong lumingon sa pinang galingan ng ingay. Takbo. Iyon kaagad ang pumasok sa isipan ko ng makita ang isang malaking osong nakatingin sakin. Nakalabas pa ang pangil niya. Para akong itinulos sa kinatatayuan ko, hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Nanginginig na ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko maiihi na ako sa kaba. Tang*ina Adelyn! Takbo! Sigaw ko sa isip ko nang makita kong palapit na siya sakin. Nang mahimasmasan ako ay mabilis akong kumaripas ng takbo. Takbo ako ng takbo. Naririnig ko ang tunog ng mga yabag niya. Halos hindi na ako huminga sa kaba. Tagaktak narin ang pawis ko. Shit talaga! Wala nabang katapusan ang kamalasan ko? Kahapon pa to ahh! Umiiyak na sabi ko sa isipan ko. Malapit na siya. Lumakas na ang tunog ng mga yabag niya. Mas binilisan ko ang pag takbo ko kahit na namamanhid ang mga paa ko, naramdaman ko ring mahapdi na ito dahil sa mga sugat ko sa. *Booggsshh* Bigla akong nadapa dahil sa ugat ng puno na hindi ko nakita sa pag mamadali. Lumakas ang pag iyak ko. Lumingon ako sa likod. Naaninag ko na siya. Malapit na siya. Sinubukan kong tumayo, pero natumba ulit ako. Hindi na kaya ng mga paa kong suportahan ako. Sugat sugat rin ang tuhod ko. Wala akong nagawa kundi ang gumapang nalang. Alam kong maabutan niya ako, pero hindi ko gustong sumuko. Nabubuhay pa nga lang ako, tapos mamatay kaagad. Hindi. Iniling iling ko ang ulo ko. Hindi ako susuko. Mabubuhay pa ako. Mag aasawa pa ako. Hindi ako papayag na mamatay na namang virgin. Nilinga linga ko ang paningin ko sa paligid para mag hanap ng matulis na bagay. Alam kong maabutan niya ako. Hindi ko na kayang tumakbo at kahit gumapang ako ng isang araw at maabutan at maabutan niya parin ako. Nang makakita ako ng kahoy ay mabilis ko itong inabot at patuloy paring gumapang. Napalingon ako ng marinig ang yabag niya. Thug! Thug! “H..help! Tulong! Tulong!" Umiiyak kong sigaw. Baka may naligaw dito sa parteng ito ng gubat at marinig ang sigaw ko. Patuloy na namamalisbis ang mga luha ko. Nan lalabo narin ang paningin ko dahil sa kakaiyak. Tumaas baba ang dibdib ko habang patuloy na gumagapang. Mamatay na naman ba akong virgin? Grabe namang kamalasan to, pati sa second life ko ganun parin ang nangyari. Mamatay na naman akong virgin. Ang sakit lang isipin. Nanigas ang katawan ko ng maramdaman ang hininga niya paa ko. "Ahhhhhhh!!!" Napasigaw ako sa sakit ng kagatin niya ang paa ko at hinila ito. Nag pumiglas ako habang umiiyak. Hindi niya binitawan ang paa ko, patuloy niya akong hinihila. Tiniis ko ang sakit sa paa at umupo para sana isaksak ang napulot kong kahoy. Nabitawan naman niya ang paa ko, at nilingon ako. Umiiyak na umatras ako sa kanya. Then, I saw the bear raise his claw to my face. Hindi ako nakapag react sa sobrang bilis nag pangyayari. Naramdaman ko nalang ang sakit sa mukha ko. “Ahhhhhhh!!!" Hiyaw ko ng kalmutin niya ang mukha ko. Halo halong sakit na ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Sobrang sakit ng mukha ko at dumagdag pa ang paa kong hinila niya kanina. Nawawalan na ako ng pag-asang mabuhay. Hinihintay ko nalang na patayin niya na ako para hindi na ako makaramdam ng sakit. Ito na ba? Mamatay na naman ba ako? Piping tanong ko habang nakatingin sa langit, patuloy parin ang pag iyak ko. Napapikit ako at hinintay ang huling sandali ng buhay ko. Naimulat ko bigla ang mata ko ng may maramdaman akong humawak sa paa kong sugatan. Tao. May nakita akong tao. Tinatalian niya ng damit ang sugat ko sa paa. Ligtas na ako. Hindi na ako mamatay. Iyon ang naisip ko bago ako mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD