The Awakening

1538 Words
Lagaslas ng tubig, huni ng ibon, malamig na simoy ng hangin at masangsang na amoy. Iyong ang nagpagising sakin. Nasa langit na ba ako? Bat’ ang baho naman ata? O baka nasa impyerno ako? Grabe naman yun! Namatay na nga ako ng virgin tapos sa impyerno pa ako mapupunta! Malaki nga talaga ang galit sakin ni God. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Maliwanag na kalangitan. Iyon kaagad ang bunugad sakin. In fairness, maliwanag dito sa impyerno. Sa mga nababasa kong mga novel ay madilim. Hindi rin mainit dito, malamig pa ang simoy ng hangin. Baka naman may aircon dito saka beer? Hindi pa naman ako nakapag inom bago namatay. Sayang. Kung alam ko lang talaga na mamatay ako, edi sana nag walwal na ako tapos nakipag one night stand. Sayang ang virginity ko, hindi man lang nagamit. Tsssk. May pogi kaya dito? Sabi ng mga kaibigan kong bakla ay masarap daw pag pogi eh. Makatikim nga. Sana naman kahit dito sa impyerno magka jowa ako no? Ang landi ko talaga. Namatay na ngat lahat kalandian parin ang iniisip ko. Kumusta na kaya sila mama? Hindi manlang ako nakapag paalam sa kanila. Paniguradong umiiyak sila ngayon. Ako na nga lang ang nag iisang anak nila tapos nauna pa akong mamatay sa kanila. Ang saklap lang ng sinapit ko. Wala rin naman akong ibang masisi sa sinapit ko dahil ako naman ang may kasalanan. Text kasi ng text habang nag dadrive, ayan tuloy namatay. Text pa more. Napatigil ako sa pag-iisip ng may maramdaman akong malamig na bagay na gumagapang sa braso ko. Mabilis akong napalingon dito at mabilis pa sa alas kwatrong napatayo ako habang iwinawasiwas ko ang braso ko. Nahihintakutan akong tumingin dito. “What the f*****g f**k is this thing? f**k! f**k!” Mabilis akong napatakbo ng magtangka itong lumapit sakin. Tang*na talaga! s**t naman! Posible palang matakot mamatay kahit patay kana. Sa naisip ko ay bigla akong napatigil sa pagtakbo. Lumingon ako. Nakita kong nasa likod ko na ang humahabol sakin. “Bakit mo ako hinahabol huh! Akala mo siguro natatakot akong mamatay! For your information, patay na ako!” Sigaw kong sabi habang nakaduro pa ako sa humahabol sakin. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Isang itim na parang ahas ang katawan at may dalawang ulo. Maliit lang naman siya. Nasa isang metro lang ang haba niya. Pero nakakatakot parin. Wala naman kasing matinong tao ang hindi matatakot pag hinabol ka ng ahas diba? “Ssssssss” Sabay na bumukas ang bibig nila. “At nag tatanong kapa kung bakit ako tumak...” Bigla akong napatigil sa pagsasalita at nan lalaki ang matang napatitig ako kanya. Naiintindihan ko siya! Naiintindihan ko siya! f**k! Anong yayari? Bat’ naiintindihan ko siya? May lahi ba akong ahas? Wala naman akong inahas bago ako mamatay. Behave kaya ako. Virgin pa nga ako eh. “Bat’ naiintindihan kita?” Mahina kong sabi habang titig na titig sa kanya. My heart is beating erratically. I feel suffocated. Wait! My heart is beating. Panong nangyari to, eh patay na ako?! Hinawakan ko ang dibdib ko, at nararamdaman ko nga na tumitibok ang puso ko. Lumingon ako doon sa ahas, nakita kong nakatingin sakin ang dalawa niyang ulo na may pag tataka sa kanilang mga mata. Inilibot ko ang paningin ko sa gubat. Mga patay na puno. Maputik. Nakakatakot siya sa totoo lang. Para siyang sa American horror movie. Tapos nakita kong sa di kalayuan ay may tambak na katawan ng mga hayop. Iyon ang pinang gagalingan ng masang sang na amoy na naamoy ko kanina ng magising ako. Napababa ang tingin ko sa aking dibdib ng makardaman ako ng sakit. Nakita kong nakasuot ako ng itim na corset. Kaya pala hindi ako makahinga ng maayos. Inabot ko sa likod ang kamay ko para maabot ko ang tali at pilit na tinggal ito. Para namang medieval period tong impyerno. Tika, bat’ parang lumaki ata ang dibdib ko? Napatingin ako sa kamay ko. Bat’ parang humaba rin ata ang mga daliri ko? Lumingon lingon ako sa gubat para mag hanap ng sapa na pwede kong magamit para manalamin. Kanakabahan na ako sa nangyayari sakin. Nakalimutan ko nang may kasama akong ahas. Napatigil ako ng may makita akong sapa. Lakad takbo ang ginawa ko para makarating kaagad doon. Umupo ako sa gilid ng sapa at inilapit ko ang mukha sa tubig para tingnan ang itsura ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Hindi na ang mukha ko ang nakita ko sa reflection ko sa tubig. Hinawakan ko ang mukha ko, makinis siya. May mahabang pilikmata, matangos na ilong at mapupulang labi. Napaganda. Iyon ang nakikita ko sa tubig. Mas manda pa ako ata ako kay Kendall Jenner ngayon sa itsura ko. Napatingin naman ako sa buhok ko. Itim parin naman ang kulay niya. Mas mahaba lang siya kumpara sa buhok ko bago mamatay, nasa bewang ko na kasi ang haba niya. Inililis ko suot kong dress hanggang sa may legs ko para makita ang paa ko. Maputi at wala akong makitang kahit na akong peklat. Alaga rin yata ng myra e ata ang katawan na to. Kaninong katawan to? Bat’ andito ako? Di ba namatay na ako? Bakit pakiramdam ko ay buhay pa ako. Napunta ba ako sa parallel world? Parang imposible naman atang mangyari yun dahil hindi naman yun totoo. Baliw na ata ako, kung ano-ano na ang naiisip ko eh. Nakatulala lang ako sa tubig. Naramdaman ko nalang na may tumabi sakin. Nilingon ko ito. Iyong ahas na may dalawang ulo. “Bakit kaba sunod ng sunod sakin? Para sabihin ko sayo, hindi na ako natatakot sayo.” Para na akong baliw, pati ahas kinakausap ko na. Naiintindihan ko naman kasi siya. “Sssssssssss” Sumagot naman siya sakin. “Familiar? Familiar kita?” Nag tataka kong tanong sa kanya. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Anong sinasabi niyang familiar? Family kami ganun? Kapatid ko ba siya? Pinsan ba? So, may lahi akong ahas? “Ssssssssss” Napatigil ako sa pag iisip ng marinig kong sumagot siya. “Oo? Panong naging kapamilya kita? Kapatid ba kita? Pinsan ba?” Sunod sunod kong tanong sa kanya. Nakita kong umikot ang lahat ng mata niya sa sinabi ko. Aba’t! Ang taray ng animal na’to ahh! Gawin kitang barbecue eh. “Sssssss” Nahihintakutan siyang tumingin at umatras sakin. “Wag kitang gawing barbecue?! Bat’ mo alam ang iniisip ko?! Nababasa mo ba ang nasa isip ko?!” Sumisigaw at nanlalaki ang mata kong tanong sa kanya. King*na! Anong klaseng hayop ba to? Pati iniisip ko alam niya! May powers ba siya?! Napapantastikuhan naman niya akong tiningnan, hindi siya sumagot sa tanong bagkos ay lumapit siya sakin. Nakikita kong parang nanghihina na siya. Nag tataka man ako ay hinayaan ko lang siya. Naisip ko kasing wala namang mawawala sakin eh. Pumasok siya sa suot kong dress at naramdaman kong dahan dahan siyang pumunta sa may kaliwang balikat ko. Nag tataka naman akong tumingin doon. “Ahhhhhhhh” Napasigaw ako ng biglang sumakit ang balikat ko at hindi ko rin ito maigalaw. Para akong sinaksak ng paulit ulit sa sakit. Hinawakan ko ang balikat ko at naramdaman kong may umaagos na dugo doon at namamanhid na rin ito. Umiiyak na ako habang hapong hapo na nakahiga sa maputik sa lupa, tagaktak narin ang pawis ko ko katawan. I clenched my teeth as I bear the pain. “Ahhhhhhhhh” Sigaw ko ulit dahil sumobra pa ang sakit na naramdaman ko. Fucking s**t! I’m gonna kill that goddamn snake! Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas, patuloy parin ako sa pag sigaw. Nang mawawalan na ako ng ulirat ay naramdaman kong humupa na ang sakit. Hinihingal akong napapikit. Namalisbis ang luha ko sa mata. Kagigising ko lang, pero na akong mamatay ulit. Isinumpa na ata ako ng Diyos. Ilang oras ang hinintay ko bago ako umupo at sumandal sa malapit na puno. Mabili na inililis ko ang manggas ng suot kong dress para tingnan ang kaliwang balikat ko. Nakita kong may tattoo doon. Kapareho ang itsura ng ahas kanina. Nakapalibot ito at may dalawa rin ulo. Ano ba tong nangyayari sakin? Para naman na akong si Juaquin Burdado nito! May pa tattoo tattoo pang nalalaman. Hindi ko na alam kong nangyayari sakin. Feeling ko pwedeng ng pang MMK ang nangyayari sakin ngayon. Napatingin ako sa langit. God, jino joke niyo ba ako? Parusa ba to? Para namang ang laki ng kasalanan ko sa inyo. Hindi lang naman ako nakapag simba nuong last sunday dahil may practice ako. Ipinatong ko ang ulo sa tuhod ko habang patuloy na umiiyak. Kunti nalang talaga mababaliw na ako kakaisip kong anong nangyayari sakin. Nararamdaman kong hindi pa ako patay. Inisa isa kong inisip ang mga nangyari sakin ngayon simula ng magising ako. Hindi pa ako patay iyon ang sigurado ko. May patay bang nakakakaramdam ng sakit? Tapos iba pa ang itsura ko. Tapos naiintindihan ko pa ang salita ng ahas. Ano ba to? Kamag anak ko ba si Valentina at Galema? Isang konklusyon lang ang pumasok na isip na pwede sa sitwasyon ko ngayon. I was reincarnated in a different body and in a different world.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD