LEXIE'S POINT OF VIEW Mga ilang oras lamang ay nakarating na kami sa destinasyon namin. Mas nauuna ang van na sinasakyan nina Siege kaya mga ilang minuto silang nakarating ng maaga kesa sa amin. "Eto na ba yun?" Tanong ni Daph sa amin habang ina-adjust ang paningin niya dahil maliwanag. "Yes, welcome!" Masayang saad ni Bridgette. Pumasok na kami sa loob nung bea house nina Bridge. Pagpasok namin, namangha ako sa magarang itsura ng bahay-bakasyunan nila. Para siyang cabin, may fireplace sa living room. It's really beautiful. "Yayamanin si Bridgette, Lexie." Bulong sa akin ni Jean. Natawa naman ako sa sinabi niya. May pagkabaliw talaga 'tong babae na 'to. "Uhh... Dalawa lang ang malaking kwarto rito. So magsama ang mga boys at magsama yung mga girls." Ani Bridgette. Tumango lamang kam

