LEXIE'S POINT OF VIEW A wolf in sheep's clothing.. Sa panahon ngayon, mahirap nang pagkatiwalaan ang mga tao. Kapag nakaharap ka, para silang anghel na napakabait sa'yo. Ngunit kapag nakatalikod ka na, tsaka ka nila tatraydurin. "W-what do you mean na si Dad na ang namamahala ng Black Sinister?" Naguguluhang tanong ni Daph. Maski naman ako ay naguguluhan na. Saka papaanong gusto niya akong ipapatay? "Iyon ang sabi nung lalaki na nagtangkang patayin si Lexie." Ani Jacob. Nandito kami ngayon sa may apartment na tinutuluyan ko. "Mukhang nadagdagan pa ata ang mga kalaban natin." Wika ni Raven. Nanahimik lang ako sa isang tabi dahil hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko yung mga nakalap naming impormasyon. "So, kalaban na natin ang sarili nating Mafia group?" Tanong ni Jaydon. "Mukha

