Pagkapasok ko sa kwarto, napabuntong-hininga ako. The room was huge—mas malaki pa kaysa sa buong apartment na tinirhan namin dati. May king-sized bed, isang malaking balcony, at isang walk-in closet na parang pangmayaman lang talaga.
Pero kahit gaano kaganda ang lugar, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng lungkot.
This wasn’t my home.
Wala si Mama. Wala si Papa. Ako na lang mag-isa.
Napahiga ako sa kama at napatingin sa kisame. Gusto kong umiyak, pero parang wala nang luha na natira sa akin. Ilang linggo na rin simula nang mailibing sila, pero hanggang ngayon, parang panaginip pa rin ang lahat.
At ngayon, kasama ko ang isang estrangherong halos hindi ko kilala.
Si Tito Lucas.
—Knock. Knock. Knock.
Napabalikwas ako ng upo. Mabilis kong inayos ang sarili ko bago lumapit sa pinto at binuksan ito.
Siya.
Nakatayo siya sa harapan ko, nakataas ang isang kilay. “Bumaba ka. Dinner.”
Hindi ko alam kung bakit ako napalunok. Para bang may bigat sa presensya niya na hindi ko maipaliwanag. “Ah… sige.”
Tahimik kaming bumaba at dumiretso sa dining area. Ang haba ng mesa—pang-sampung tao, pero kaming dalawa lang ang nandito. The atmosphere felt suffocating.
Naupo ako sa dulong upuan, pero nagtaas siya ng kilay. “Dito ka,” aniya, tinuturo ang upuang katapat niya.
I swallowed hard before standing up and moving to the seat in front of him.
Nagsimulang maghain ang katulong. Expensive dishes, gourmet food—mga pagkain na hindi ko naman madalas kainin noon.
“Tito… thank you,” mahina kong sabi.
Hindi siya tumugon. Tahimik lang siyang kumain, parang walang kasama.
Sinubukan kong gawing normal ang lahat. “So… may trabaho po kayo, ‘di ba?”
“Obviously.”
Napahiya ako sa sagot niya. Ang suplado. Pero hindi ako sumuko.
“Anong ginagawa n’yo?”
Finally, he looked at me. His gaze was unreadable, sharp. “Business.”
Ang tipid sumagot! Napasimangot ako. “Anong klaseng business?”
“You ask too many questions.”
Natahimik ako. Halata naman na ayaw niyang makipag-usap. Sinubukan kong ituon ang pansin ko sa pagkain, pero hindi ko maiwasang mapansin kung paano siya kumilos—sobrang composed, parang bawat galaw ay kontrolado.
Maya-maya, nagtanggal siya ng cuffs ng long sleeves niya, saka inangat ang manggas. That’s when I noticed something.
Scars.
Faint, pero kita pa rin sa balat niya. Parang luma na, pero halatang hindi aksidente.
Napatingin ako sa kanya ulit, pero bago pa ako makapagtanong, nagsalita siya. “If you’re done, go to your room.”
Napakurap ako. “H-Ha?”
“Go. Now.”
Napaatras ako sa upuan ko. Ang lamig ng boses niya, at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.
Tumango na lang ako at mabilis na tumayo. “Goodnight, Tito,” mahinang sabi ko bago tumalikod.
Pero bago ko pa tuluyang maiwan ang dining room, narinig ko ang bulong niyang halos hindi ko naintindihan.
“Good girl.”
Nanlamig ang buong katawan ko.
End of Chapter 2.
---