Sabay kaming kumain. Akala ko ako lang ang kakain pero pagbalik niya ay may dala na siyang pagkain para sa aming dalawa, kasama ang basahan na ipinang punas niya sa mesa dahil sa natapong juice kanina. Hindi naman ako makapag concentrate sa pagkain ko. Dahil bukod sa busog pa ako ay madalas niya rin akong lingunin habang kumakain din siya. Feeling ko ay binabantayan niya ang bawat pagsubo ko kung kinakain ko ba ang sarili kong pagkain o hindi. Konti pa lang ang nababawas sa pagkain ko pero ang sa kanya ay patapos na. Gusto kong ubusin ang pagkain na ibinigay niya dahil bukod sa ito ang unang beses na nakasabay ko siyang kumain, ayokong sayangin ang niluto niya. Alam kong pinaghirapan niya ito dahil wala siyang aasahan magluto kundi ang sarili niya lang. Napilitan siyang magpakaindi

