CHAPTER 1

1222 Words
Aynna Kasalukuyang gamit ni Aynna ang unang mukha na kayang gawin ng kaniyang makeup. Sa loob ng canteen ay pumasok siya at umorder ng sariling pagkain. Umupo siya malapit sa mesa ng magkakaibigan, nais niyang marinig ang usapan ng mga nagsisikatang lalake sa loob ng campus nila. "Nakausap ko siya kagabi! Alam niyo ba kung ano ang sinabi niya? 'Good Night Clarence, sweet dreams'" rinig ni Aynna ang tawanan at bulungan sa kabilang mesa. Di niya maiwasang mapangite tuwing naririnig niya na pinaguusapan siya sa buong campus nila. Pero hindi pa rin nawawala sa isip niya na hindi siya, kun'di ibang tao ang tinutukoy ng mga nag gwa-gwapuhang lalake. 'Poser ka lang Aynna!' 'Hindi Ikaw yun!' Mga salitang tumatakbo sa isip niya. Minadali ng ubusin ni Aynna ang inorder na pagkain. At ng matapos ay agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo ng pumasok ang tatlong babae sa canteen. Saglit siyang natigilan at pinanood ang usapan ng magshota. Hindi niya inaasahan na mabilis na gagawin ni Jacob ang napagusapan nila kagabi. "Jacob! Ano itong nabasa ko?! Ka-chat mo nanaman yung babaeng yon ha!" bungad ni Aira sa boyfriend niya. "Nagusap lang kami! Di mo ba alam na nakakabored ka kausap? Ang bagal mo magreply!" rinig ni Aynna ang usapan ng magshota. Nakita niya rin ang malakas na pagsampal ni Aira kay Jacob sa harap ng maraming tao. Una palang ito na talaga ang plano niya, ang paghiwalayin ang dalawa upang maisagawa niya na ang plano. 'Hindi naman sila bagay ni Jacob, ang panget niya kaya! Che!' Umalis din siya pagkatapos masaksihan ang sariling plano at saka dumiretso sa comfortroom upang magayos ng sarili bago pumasok sa sunod nilang subject. Pumasok siya sa loob ng cubicle bago inilabas ang makeup na bigay ng lola niyang namatay. Agad niya itong ginamit at ilang segundo lang ay nagbago na agad ang kaniyang mukha. "Walang kupas!" bulong niya sa sarili ng makita ang mukha sa salamin ng makeup niya. Gamit niya ngayon ang pangalawang mukha na kayang gawin ng makeup. Mas maganda at mas kaakit-akit. Lumabas siya ng cubicle na taas noo. Nakasalubong niya pa si Aira na umiiyak sa harap ng salami ng comfortroom. Nagkalat na ang makapal nitong makeup, isama mo pa ang maskara sa kaniyang pilikmata na tila isang food color na inihalo sa kaniyang luha at kumalat sa kaniyang mukha. Masamang nagtitigan ang dalawa. Inirapan niya si Aira bago nagdesisyong umalis doon. Paglabas pa lang ng c.r. ay agaw atensiyon na siya. Lahat ng tao ay nakatingin sa kaniya, ultimo babae. Gandang-ganda sa kaniya ang lahat. Nginitian niya ang mga ito at kinindatan ang kumpulan ng mga kalalakihan sa locker room. Agad silang nagkagulo at pinipilit na iisang tao lang kinindatan ni Aynna na gamit-gamit ang mukha na pinangalanan niyang Franchesca. Ang babaeng dahilan ng paghihiwalay ng mga magshota sa loob ng kanilang campus. Taas noo siyang naglakad sa hallway ng makasalubong niya si Jacob. "Franchesca!" tawag sa kaniya ng binata. Lumapit ito sa kaniya saka siya hinatak sa bukas na science lab. Ni-lock nito ang kwarto bago nagumpisang magsalita. "Break na kami ni Aira. Sinunod ko na yung gusto mo." tuwang-tuwa nitong balita sa dalaga. Lingid sa kaniyang kaalaman ay naroroon rin ang dalaga ng magbangayan sila ng shota nitong si Aira. Nilagay ni Aira ang dalawa niyang kamay sa batok ni Jacob saka idinikit ng sobra ang katawan nito sa binata. Kita ang malawak na ngite sa mukha ni Jacob ng mga oras na iyon dahil sa posisyon nila ngayon. Ramdam ni Aynna ang uti-unting pagbukol ng maselang bahagi ng katawan ni Jacob sa pagitan ng dalawa niyang hita. Hinalikan ni Aynna sa labi si Jacob, agad na naginit ang binata at hinubad ang suot nitong P.E. uniform. Ngunit agad ring kumawala sa pagkakahalik si Aynna. "Good." malambing nitong bigkas saka nagsimulang maglakad. "Sandali lang Franchesaca." dismayadong hinawakan siya ni Jacob sa braso na siyang nagpatigil sa kaniya. "Oh, bakit?" takang tanong ni Aynna. "Anong oh? Pagkatapos ng lahat, iiwan mo lang ako ng ganito?" kunot noong tanong ng binata. Ngumite si Aynna bago magsalita. "Ano ka ba Jacob, sa tingin mo ba dito ko ibibigay ang premyo mo?" sabay turo sa sahig, "Ang cheap mo naman kung ganon." tumawa pa siya ng marahan. "Eh saan naman?" tanong ni Jacob na nabuhayan ng loob. "I'll give you the address. Check your phone afterclass." bilin ni Aynna bago umalis. Di maiwasang mapangite ni Aynna, dahil sa pangapat na pagkakataon ay may mabibiktima nanaman siya. ------------- Maagang natapos ang klase. Tumayo na si Aynna at kinuha ang gamit niyang nakapatong sa upuan. Agad siyang dumiretso sa comfortroom ng mabatid niya ang oras. Limang minuto nalang at babalik na sa dati nitong anyo ang kaniyang mukha. Tatlong oras lamang ang itinatagal ng epekto ng makeup. Agad pumasok sa bakanteng cubicle si Aynna at inilabas ang kaniyang makeup. Kitang-kita niya sa salamin kung paano bumalik sa pagiging panget ang kaniyang mukha. Unti-unti itong nagkaroon ng malalaking peklat sa kaliwang mata, nagkapalan ang mga buhok sa kilay, naglakihan ang mga ngipen, pumuti at gumulo ang buhok nitong kanina lang ay parang bagong reband. Nagmamadali siyang nagmakeup at wala pang sampung segundo ay bumalik na sa pagiging maganda ang kaniyang mukha. Nakadipende sa paglalagay ng makeup kung ano ang gusto niyang maging itsura. Ngunit sa kasalukuyan ay dalawang mukha pa lamang ang kaya nitong gawin. "Welcome back Franchesca." nakangite niyang bigkas sa harap ng salamin na tila may kausap. Muli niyang itinago sa loob ng kaniyang bag ang makeup at saka lumabas sa c.r. na parang walang nangyari. "Hi Franchesca!" bati sa kaniya ng mga lalake na kanina pa naka-abang sa paglabas niya. "Ako na magdala ng gamit mo." nakangiteng alok ng binata. "Sure." maikling sagot niya sabay abot ng bag sa binatang nagalok bago nagumpisang maglakad. "Franchesca, ano ang gusto mo sa lalake?" seryosong tanong ng binatang kupas na ang polo at pantalon. "Hindi ikaw." diretsong sagot ni Aynna na nakapag pahinto sa binata. Nagtawanan naman ang mga kasama nitong lalake. "Franchesca, pag naging tayo, ilang anak ang gusto mo?" nakangiseng tanong ng isa pang binata. "Isang dosena." nakangiteng sagot ni Aynna sabay harap sa lalake. "Too bad, walang tayo." nagpout pa siya na tila nalulungkot talaga. Rinig niya ang malakas na tawanan ng mga kalalakihang kasama niya. Ganito na ang routine niya araw-araw sa tuwing uuwi siya. May sasalubong sa paglabas niya mula sa c.r at magdadala ng bag niya. Habang naglalakad naman ay may mga makakasalubong siyang mga kalalakihang bigla-bigla siyang tatanungin at agad niya naman babarahin ng sagot. "Franchesca, kung magse-s*x tayo. Saan mo gusto kama, papag, o sahig?" pilyong tanong ng kararating lang na binata. "Oooohhh...!!" sigawan ng mga lalake na nakapaligid sa kaniya. Nilapitan ni Aynna ang binata at hinawakan ang baba nito. Lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga lalake dahil sa ginawa niyang aksiyon. "Sa damuhan para may thrill." bulong nito na rinig naman ng lahat. "Pero hindi sayo." saka niya itinulak ng marahan sa baba ang binata gamit ang kaniyang hintuturo. 'Ang tinde magassume!' sa isip-isip ni Aynna. Nang makarating sila sa parking lot ng campus kung saan nakaparada ang kotse ni Aynna ay agad niya ng kinuha ang kaniyang bag sa lalakeng nagdala nito. Nagpaalam muna siya sa mga binata at nagflying kiss pa bago sumakay sa sariling kotse. ------------ VOTES and COMMENTS are HIGHLY APPRECIATED :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD